"Hijo, lahat ng pera nasa credit card niyo na, 'wag kayong panay gastos may pasok pa kayo." Sabay-sabay kaming kumakain dahil ngayon araw na sila Aalis ni Mommy at Daddy. Eto na yung pinakahihintay namin ni Josh yung walang may pipigil sa amin at malaya kaming makaka-bonding ng walang iniindang takot at kaba. "If ever na kailangan niyo ng tulong tumawag kayo, lalong-lalo kana Miles." Tugon pa ni Mommy at tumango naman ako. "Mommy magha-honeymoon din ba kayo dun?" Biro kopa. "Miles saka na muna 'yang honeymoon na iyan pag kinasal na kami ng Daddy mo." Sagot niya naman. Tama kayo ilang years na silang magkasama but still hindi pa sila kinasal. Alam niyo naman work aholic kasi silang dalawa. "Dad tutuloy paba ako sa Amerika?" Napalingon ako kay Josh. Eto kasi yung gumugulo sa i

