Diego "Let's go. Saan ni'yo gusto?" tanong ko na tumitingin lang ay kay Nicca. "Jollibee!" Sigaw ni Nicca. "Okay. We'll go to Jollibee! Come on, baby." Pag-aaya ko kay Nicca at inabot sa kaniya ang kanan kong kamay. Tinanguan ko lang si Isabelle my loves at lumabas na. Huh! Kunwari'y tampo ako! Dapat suyuin niya ako, takteng iyan! Agad naman siyang pumunta sa table niya at kinuha ang bag niya. I got her bag at lumakad na nang hindi siya hinihintay. Kahit naman nagtatampo ako ay hindi ko hahayaan na mahirapan siya. Nauna na kami ni Nicca sa paglabas. I smiled at her secretary. She smiled at us. Napakilala na kami ni Isabelle sa kaniya kanina. And she knows I'm Isabelle's husband. Iyon pakilala ko eh! Pagbigyan na! Hindi naman ako tinama ng mapanakit kong Isabelle kaya mukhang okay

