CHAPTER 4

3571 Words
Chapter 4 SLAP HEAVN'S POV We are currently walking to our classroom ng madaanan namin ang CR. Sakto naman na naiihi na rin ako. Malapit na rin naman kami sa classroom. Nagpaalam muna ako kila Gwenz. Gusto pa nila akong samahan pero sabi ko ako na lang. Baka kasi ma-late pa sila eh. Nang makapagpaalam ay agad na akong tumalikod at umalis. Nang makarating sa CR, napaansin ko ang apat na babae. Ang kakapal ng mga make-up nila. Aga naman akong pumasok sa isang cubicle. After that I wash my hand and was about to leave when... "Girls, 'diba siya yung lumalandi kay Skyler!?" pagpaparinig pa ng isa sa kanila kaya napatigil ako. "Yeah, siya nga," sagot naman ng isa. Lumingon ako sa kanila at nakita ko na sakin sila nakatingin. "Such a flirt!" rinig ko pang sabi ng isa. "Excuse me! Ako ba yung pinariringgan niyo?" Hindi ko na matiis eh. "What do you think? May iba pa bang tao dito bukod sa 'ting lima?" "Oh? Tao pala kayo?" asar ko sa kanila. Nagalit naman sila sa sinabi ko. "b***h!" sabay hila sa buhok ko at sinabunutan ako. Ouch! My hair! Sinabunutan ko rin siya. Unfair naman kung ako lang ang masasabunutan noh! Tinulungan naman siya ng mga kasama niya. Hinawakan ng dalawa ang magkabila kong braso. "Don't touch me! Let me go!" pasigaw na sabi ko sa kanila. "Why would we? Ang kapal ng mukha mong sabihan kami na hindi kami tao.." sabi sa 'kin nung sumabunot sa 'kin, leader siguro nila 'to. "Hindi naman talaga ah! Dahil mukha kayong mga coloring book!" sigaw ko sa kanila at nagpumiglas. Nabitawan naman nila ako, kaya napaupo ako at napasandal sa pinto. Ouch! Hindi naman masyadong malakas kaya carry ko pa. Sinampal naman ako ng sumabunot sa 'kin. Grabe na 'to ah. Sinampal ko rin siya. Napahawak naman siya sa pisngi niya. "Girls! Hawakan niyo ulit siya!" utos niya sa dalawa. Itinayo naman nila ako at hinawakan sa magkabilang braso. Akmang sasampalin niya uli ako kaya pumikit ako. Nang biglang bumukas ang pinto kaya napamulat ako. Napalingon naman kami dun. "Try to slap her and you'll taste hell!" malamig na sabi sa kanila ng isang lalaki and he give them a cold and death glare. Nagulat naman ako ng makilala ko siya. Sobrang lamig niya. Nabitawan naman ako ng dalawa kaya napaupo ako. "Ouch!" daing ko ng mapaupo na naman ako sa sahig. Ang lakas ng pagkakabagsak ko, eh. Lumapit naman sa 'kin si Ice. Yes, si Ice yung lalaking dumating dito. "Are you okay?" he ask me worriedly. Tumango na lang ako at tumayo na. Tinulungan niya naman ako. Bumaling naman siya sa apat na babae. "Skyler--" akmang magsasalita na sana yung sumampal sa 'kin ng putulin yun ni Ice. "I don't wanna see your face EVER in this school. Better leave and don't ever comeback. Or else... I'll make your life miserable inside or outside of this school. And don't you ever try na balikan siya. Or else.. alam niyo na.." malamig na sabi niya sa mga ito. Agad naman silang lumabas at umalis na. "I-Ice! Thank you!" sabi ko sa kaniya. Bumalik naman sa 'kin ang paningin niya. Mabilis na nabago ang expression ng mukha niya into worried one. "Dadalhin kita sa Clinic--" pinutol ko ang sasabihin niya. "H'wag na. Magpapalit na lang ako." "Are you sure?" "Yeah! Pwedeng humingi ng favor?" nahihiya kong tanong. "Sure! What is it?" mabilis naman niyang sagot. "Pwede mo bang kunin yung extra uniform ko sa locker?" "Sure! Hintayin mo 'ko dito. Babalik ako agad." sabi niya at agad na umalis. "Teka! Yung--" ibibigay ko pa sana yung susi ng locker ko ng umalis na siya. Ilang sandali lang at bumalik na rin siya, dala ang uniform ko. "Pano mo nakuha yung uniform ko? Hindi ko naman binigay sayo yung susi?" Ipinakita niya lang sakin yung susi na hawak niya. "San mo nakuha yan?" "Sa office," kaswal niyang sabi. "Pano mo nakuha yan?" He just shrugged his shoulder and give me my uniform. "Fix yourself! Hintayin na lang kita dito sa labas.." sabi niya at sinara na ang pinto. Agad naman akong nagbihis. Sobrang gusot ng damit ko at medyo basa na rin yung ibang part. After kong magbihis ay sinuklay ko na yung buhok ko at nilagyan ng powder ang mukha ko. Naglagay na rin ako ng liptint. Pagkatapos ay lumabas na. Pagkabukas ko ng pinto ay agad namang napalingon si Ice. "Let's go?" tanong niya sa 'kin. Tumango na lang ako. "Teka! San pala tayo pupunta? May class pa tayo.." sabi ko ng ilang sandali lang ng mapansin ko na hindi ito ang daan papunta sa room namin. "Late na rin naman tayo. Hintayin na lang natin na mag-lunch. And while waiting dito muna tayo.." sabi niya at tumigil sa isang garden. Isa siyang secret garden. Hindi mo agad basta-basta makikita dahil may mga nakaharang dito. May pinindot na button si Ice para buksan yun. Nang makarating ay pinindot niya agad yun para isara. "Pero baka hanapin tayo nila kuya." "Don't worry! I already texted him. Sinabi ko na hindi tayo makakapasok. I also said na dito na sila dumiretso sa lunch time.." sabi niya at umupo sa ilalim ng isang malaking puno. Tumabi naman ako sa kaniya. "Okay! Ice, thank you talaga, huh!" "No problem. You're always welcome!" "Ano palang ginagawa mo sa Girls CR?" "Sinundan kita. Hindi kasi ako mapakali eh, kaya bumalik ako. Then I heard some noise mula sa loob ng CR so I immediately open the door and saw you." "Ganun ba? Buti na lang dumating ka agad." Natanaw ko naman ang isang mini house mula sa puno na sinasandalan namin. "Teka! Bakit may mini house dito?" "Yun ba? Tambayan namin yan kapag walang klase." "Buti pinayagan kayo na magpatayo niyan dito." "I own this University.." parang wala lang na sabi niya. Nagulat naman ako. "Kaya siguro SKICE ang pangalan ng University na 'to kinuha sa pangalan mo. At kaya rin siguro takot yung mga babae sa 'yo kanina." "I think so!" kaswal na sabi niya. Nagkuwentuhan lang kami habang hinihintay mag-lunch. Pumasok din kami sa loob ng mini house nila. Parang hindi tambayan yun, kasi kumpleto yung mga gamit. Pwede na nga rin yun tirahan eh. Pwede rin dun magluto. May kwarto din dun. Inilibot niya lang ako sa buong mini house nila. Tinanong niya 'ko kung saan ko gustong maghintay. Sabi ko dun na lang sa labas, kaya bumalik kami. Fresh kasi yung hangin dun. Maaliwalas. After some hours, naisipan namin na magluto para dito na kami kumain. Kaya nagluto kaming dalawa. In fairness! Magaling siyang magluto. Kaya hindi ako nahirapan. Medyo marami yung niluto namin. Malalakas kasing kumain yung mga yun. Bumalik naman kami sa may puno at naghintay sa kanila after nun. Malapit na rin namang mag-lunch eh. After a few minutes, napansin kong bumubukas na yung dinaanan namin. Nakita ko dun yung mga kaibigan namin. Pagkapasok ay agad silang napatingin sa direksiyon namin. Pinindot naman ni Tyler ang button ng makapasok silang lahat. Agad silang lumapit samin. "Ang cool naman nito!" sabi ni Chenz "What's up, Bro! Bakit hindi na kayo um-attend ng class?" tanong ni Kaizer. Kinwento naman ni Ice ang nangyari. Tinanong niya rin ako kung ano ang nangyari bago dumating si Ice. Napatingin si Kuya. Napansin ko ang galit sa mga mata niya. Napayuko na lang ako. "Ayos ka lang ba, Vn?" tanong nila Gwenz. Tumango lang ako sa kanila. "Sure ka, lil sis? Baka naman ayaw mo lang sabihin.." tanong ni kuya sa 'kin nang makalapit. Umupo siya sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin. He looks worried but I can also feel his anger. "I'm fine, Kuya! Don't worry!" "Are you sure?" "Yes!" "Humanda lang talaga sila sa 'kin.." sabi niya at biglang tumayo. Maglalakad na sana siya paalis, pero pinigilan ko siya. "Kuya, h'wag na! Okay lang naman ako eh!" "Pero, Vn--" "Please?" "Tch! Fine!" napipilitan niyang sabi. Nginitian ko naman siya. "Thank you, kuya!" "Tch! So, guys! Tara na mag-lunch!" pag-iiba niya ng usapan. "Tara! Dito na lang tayo kumain.." aya ni Ice. "Sa Cafeteria na lang. Magluluto pa eh.." sabi ni Ty. "Ang tamad mo talaga, kahit kailan. Hindi naman ikaw yung nagluluto.." sabi ni Kaizer. "Nyenye!" "Tumigil na nga kayo! So, sino yung magluluto?" tanong ni kuya. "Nakapagluto na kami.." sabay naming sabi ni Ice, kaya nagkatinginan kami. "Really? Let's go na. Nagugutom na 'ko eh," sabi ni Ty at pumunta na agad sa tambayan. Natawa na lang kami. "Ang takaw mo talaga!" sabi ni Kaizer at sumunod na sa kaniya. Sumunod na rin yung iba. Nagpahuli kami ni Ice. Nag-uunahan sila eh. "Ice, ilang taon na ba silang hindi kumakain?" natawa naman siya, pati na rin ako. "Maybe, the whole year? Kidding haha.." "Mga patay-gutom naman pala, eh hahaha." "Yeah, that's why we should go na. Baka maubusan pa nila tayo.." natatawang sabi niya at marahan akong hinila papasok sa tambayan. Pagkarating namin sa dining area, nagsisimula na silang kumain. Napalingon naman sila samin, then tingin sa... kamay namin? Agad naman kaming napabitaw. Ngumisi naman sila. "Kayo ah!/Yieeee!" asar nila samin. Umupo naman kami para kumain at hindi na sila pinansin. Magkatapat kami ni Ice ng upuan. "Buti na lang, nakunan ko agad!" nakangising sabi ni Tyler samin. May hawak na naman siyang camera. San niya ba yun kinukuha!? Napatingin naman ako kay kuya. Nakangisi lang din siya. Okay lang sa kaniya? Buti naman. I-I mean, buti naman, hindi siya nagagalit. Ayoko kasi na nagagalit si kuya. Bakit kaya, okay lang sa kaniya!? Eh, dati naman nagagalit siya. Hm.. nevermind. "Tyler!" seryosong tawag niya kay Ty habang nakatingin sa 'kin. Natahimik naman sila sa pang-aasar. Si Ty naman, napalingon kay Ice. Nginisihan naman ako ni Ice. "You know what to do!" sabi niya and then nag-wink sa 'kin. At inasar na naman nila kami. Siguro mukha na akong kamatis, dahil sa pula ng mukha ko. Ganito rin yung nangyari nung first break time namin na magkakasama eh. Kumain na lang ako at nagkunwaring hindi sila naririnig. "Bukod sa nagluto, ano pang ginawa niyo kanina?" nakangising tanong ni Tyler habang kumikindat-kindat pa. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Hindi ba talaga 'to titigil!? "Hinintay kayo.." kaswal na sabi ni Ice. "Baka isang araw malaman na lang namin na kayo na pala!" hindi pinansin ni Tyler yung sinabi ni Ice. "Ky, siguraduhin mo lang na ipapaalam mo sa 'kin kapag liligawan mo na ang kapatid ko.." gatong naman ni kuya kay Tyler. "Don't worry! Sisiguraduhin ko na ikaw ang unang makakaalam kapag liligawan ko na yung kapatid mo," sabi niya at ngumisi sa 'kin. Naghiyawan naman sila. Napayuko na lang ako, para hindi nila makita ang pamumula ng pisngi ko. "Yieeee!" asar sa 'kin ni Gwenz habang sinusundot ang tagiliran ko. "Bagay kayo, girl! Yieeee.." sabi naman ni Lexie "Yieee.. Sweet!" si Chenz habang napapahawak pa sa dalawang pisngi na kinikilig-kilig pa. "Tumigil na nga kayo! Nakakainis na kayo ah!" sabi ko sa kanila, habang nakayuko pa rin. Tigilan niyo na yan, baka mafall--este, baka magalit pa 'ko. "Nakakainis na nakakakilig?" nakangiting tanong pa ni kuya. "Pati ba naman ikaw, kuya!?" nakakunot-noo na reklamo ko sa kaniya. Nginisihan niya naman ako. Ganun ah!? Gusto mo ng asaran? Nginisihan ko rin siya. Nagulat naman siya at mukhang kinabahan. Haha, wala pa nga akong sinasabi at ginagawa eh. Tumingin naman ako kay Chenz, napansin ko na mas lalo naman siyang kinabahan. Sinamaan niya ako ng tingin. Nginisihan ko lang uli siya. "Chenz, pakisubuan nga si Kuya ng matigil na.." namula naman yung dalawa, kaya naghiyawan yung iba. "Yieeee.." asar naming mga babae sa kanila. "Nayy! Ikaw Stan, huh! Hindi mo naman agad sinabi. Gusto mo lang palang magpasubo kay Chenz," asar ni Ty kay kuya. "S-Shut up! I'm not a kid na kailangan pang subuan.." "But you want her to call you baby," pang-aasar ko pa. "Tch! I don't.." "Okiee.. sabi mo, eh.." sabi ko pa rin sa nang-aasar na tono. Ilang sandali lang ay tahimik na kaming kumakain ng biglang magsalita si Chenz. "Ang galing niyo naman magluto, Vn!" komento ni Chenz. "Oo nga! Dito na lang kaya tayo lagi kumain.." pag-agree naman ni Tyler. "Then, what? Kami na naman ang magluluto?" kontra naman ni Ice. "Of course! Alangan naman na kami ang magluto, eh, kayo ang masarap magluto.." sarkastiko na sagot ni Ty kay Ice. "Tsh! Ang sabihin mo, matakaw ka lang talaga!" mapang-asar na sabi ni Zer kay Ty. Napahawak naman si Ty sa dibdib at umakto na nasasaktan. "Ouch, Zer! You're so bad!" natawa naman kami sa kaniya. Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Paminsan-minsan ay nag-aasaran pa rin. After naming kumain, ay sandali muna kaming nag-stay sa tambayan. At nang malapit nang matapos ang lunch time, ay umalis na kami at bumalik sa classroom. Ilang oras lang kami na naghintay at dumating na ang Prof. Nag-discuss lang ang mga Prof. namin sa iba't ibang subjects. Minsan nagpapa-quiz rin. At ngayon, naglalakad na kami patungo sa parking lot kasi uwian na. Nang makarating ay nagpaalamanan lang kaming lahat sa isa't isa. Magkakasabay lang kaming tatlo nina Ice kuya, at Chenz na umalis. Siyempre, parehas kami ng uuwian ni kuya, eh. At same way rin si Ice at Chenz. Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay kumaway lang kami kay Ice at nagpaalam. Nang makaalis na siya, ay siya namang labas ng katulong namin at pinagbuksan kami ng gate. Agad naman kaming nagpark sa Garage. Tahimik lang kami na pumasok sa loob ng bahay. "We're home!" sigaw ni kuya sabay upo sa sofa ng makapasok kami. Lumabas naman si Mom mula sa kusina at kinamusta kami sabay kiss samin. Sinagot naman ito ni kuya at sinabing... "It's still the same, Mom! Nagagwapuhan pa rin sila sa 'kin." "Tss! Yabang mo, kuya!" "Bakit? Hindi ba halos mabingi ka na nga sa kakatili nila ng pangalan ko!?" "Correction, kuya! Pangalan ni Ice, hindi sa 'yo." "C'mon, lil sis! Don't deny it!" "Tss!" "Palibhasa, may gusto ka lang kay Ice, eh!" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Wala, noh!" "Who's Ice, princess? Siya ba yung kababata mo?" tanong sa 'kin ni Mom. "No, Mom! He's my friend," si kuya na ang sumagot sa tanong ni Mom. "Oh, ganun ba?" "Opo, Mom! Sige po, Mom! Akyat na po 'ko sa taas," sabi ko kay Mom at tinuro yung hagdan pataas. "Ako rin po, Mom! Magbibihis na po 'ko." "Okay! Tawagan ko na lang kayo kapag dinner na." "Okay, Mom!" sabi ko sabay kiss sa cheeks niya. Ganun din si kuya. Bumalik naman si Mom sa kitchen. Nang makarating sa taas ay papasok na sana ako sa kwarto ko ng tawagin ako ni kuya. "Lil sis!" "Why, kuya?" "About what happened after break time. Bakit hinayaan mo na saktan ka nila?" "Kuya!" "Why?" "Dahil ayoko ng g**o. Ayokong makipag-away." "Pero sinaktan ka nila." "Okay lang naman ako, kuya, eh!" "Dahil dumating si Ky. Eh paano kung hindi siya agad dumating? Baka kung ano nang nangyari sa 'yo!" "OA mo, kuya! Girl fight lang naman yun, eh! Tsaka hindi ko naman hahayaan na may gawin pa silang masama sa 'kin." "OA, huh? Then, I'm sorry. Sorry for being worried about you!" He said in a sarcastic way. Napayuko naman ako. "I'm sorry, kuya! I understand naman that you're just worried." "Tch!" "Sorry na, Kuya, please?" "Tsh! Fine! Just promise me na lalaban ka na if ever it will happen again." "Promise, kuya!" I said with matching taas pa ng kamay as a sign of promise. "Sige na. Magbihis ka na." "Okay, kuya!" "Oh, wait. We had an activity kanina and there's also an assignment. I'll give it to you later when I finish it." "Okay, kuya! Thank you!" sabi ko at pumasok na sa kwarto. Hay! This day is so tiring! Nagbihis na 'ko agad and after that nahiga muna ako sa kama, para magpahinga. Feeling ko pagod ako na ewan. ~ "Crystal, wake up!" Narinig ko ang pamilyar na boses kaya nagmulat ako ng mata. Pero hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya. Malabo. "I-Ice?" "Yeah! It's me, Crystal!" "Nandito ka na. Bumalik ka na.." naluluha kong sabi sa tuwa. "Oo. Bumalik na ako. At hinding hindi na kita iiwan pa. Kahit kailan." "Ice.." sambit ko sa pangalan niya at niyakap siya ng mahigpit. Kinabukasan ay nagising ako na wala siya sa tabi ko, so, I immediately fix myself and go downstairs to look for him. Then I saw him walking out from our house. I called his name but he didn't look nor stop. He just continue walking, until he reach the gate. Kaya hinabol ko siya, hanggang sa... ~BLAGG!!~ My tears started to fall, as I saw him lying on the ground with his blood flowing from his head. I can't walk. I can't even move. "ICEEE!!!" I shouted his name as my tears flowing down on my cheeks. ~ "Heavn! Hey! Heavn, wake up!" I heard a familiar voice na tumatawag sa pangalan ko. So, I open my eyes slowly. I can still feel my tears falling. As I open my eyes, I saw my brother with his worried face. "K-Kuya! W-Where's I-Ice? How is he? I-Is he okay now?" "Vn.. he's not here, okay? You're just... dreaming.." mahinahon at dahan-dahang paliwanag niya. Naroon pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Napahagulgol na lamang ako kaya niyakap ako ni kuya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung malulungkot ba ako dahil hindi totoo na bumalik na siya o matutuwa dahil hindi totoo na nabangga siya. "K-Kuya.." "Tahan na, Vn." "P-Paano kung.. p-paano kung totoo yung.. y-yung panaginip ko? Na n-naaksidente talaga siya, k-kaya hindi pa siya bumabalik? H--" "Shhh.. it was just a bad dream. Panaginip lang yun. And hindi totoo ang panaginip, okay? 'Wag ka nang umiyak, lil sis. Don't worry! Babalik din siya and I'm sure that he's in a good condition." "H-hindi ko na alam k-kung a-anong mararamdaman ko. K-Kung malulungkot ba ako d-dahil.. h-hindi totoo na.. b-bumalik na siya.. na n-nandito na siya ulit.. o matutuwa d-dahil hindi totoo na naaksidente siya. I don't know, Kuya. I don't know what to do anymore.. what should I feel right now." Nanatili lang si Kuya sa tabi ko hanggang sa tumigil ako sa pag-iyak. He just stay with me. And I thank him for that. Ilang sandali lang ay nahimasmasan na ako. "Lil sis! Okay ka na ba?" "Yes, Kuya!" "Tara na sa baba. It's dinner time." "Sige, Kuya! Susunod ako!" "Okay! Bilisan mo ah! Kanina pa sila naghihintay." Nginitian ko na lang siya. Nang makalabas na siya sa kwarto ko ay pumasok na ko sa CR and wash my face. After that pinunasan ko na ang mukha. I sighed. Inayos ko na yung sarili and after that lumabas na ako at bumaba. "Good evening, Mom. Good evening, Dad. Good evening, Kuya.." greet ko sa kanila and kiss them on their cheeks. "Good evening, princess!" greet naman nila Mom and Dad. "Good evening, Lil sis!" Greet ni Kuya. Umupo na 'ko sa upuan at kumuha na ng pagkain. Magsisimula na sana akong kumain ng mapansin kong nakatitig lang sila sa 'kin. "Mom, Dad, Kuya, why?" Napaiwas naman sila sa 'kin ng tingin. "Sweetie, are you okay na?" Nagtaka naman ako sa tanong ni Mommy. "Of course, Mom! Why?" "Your brother told us." Napatingin naman ako kay Kuya. Nakatingin rin pala siya sa 'kin kaya napaiwas siya ng tingin. Hay! Ang daldal niya talaga. Binalik ko naman ang tingin ko kay Mom. I sighed. "Don't worry, Mom. I'm fine!" "We know how much you miss him. I'm sure he misses you too. And he's fine wherever he is right now. Just always remember that we're always here for you, princess.." sabi ni mommy kaya nginitian ko siya. Tahimik lang kami habang kumakain. Paminsan-minsan ay sumusulyap pa rin sila sa 'kin. Nginingitian ko naman sila kapag nahuhuli ko silang nakatingin. After kumain ay nagpaalam lang ako sa kanila at umakyat na ako agad sa taas. Humiga ako sa kama ko. Napabangon ako ng maalalang ko na meron nga pala kaming acivity at assignment. 'Ano ba yan? Ba't ko ba yun nakalimutan?' Tatayo na sana ako para pumunta sa kwarto ni kuya ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. Tumayo naman ako agad at binuksan yun. Si Kuya... "Lil sis, here's my notes. Nand'yan yung activity kanina and yung assignment natin today. You can copy my answers para makatulog ka agad." "No, thanks, Kuya. I can do this.." "Alright. Basta, matulog ka agad, ah. Goodnight.." sabi niya and kiss me on my forehead. "Hm.. Goodnight din Kuya.." Nang makaalis siya ay sinarado ko na ang pinto. Pumunta naman ako sa study table ko at sinimulan nang kumopya. Sinagutan ko na rin 'yun and after nun ay naligo muna ako at pinatuyo ko na rin ang buhok ko before matulog. Nang mahiga na ako ay hindi ko na inisip yung mga nangyari kanina dahil baka hindi lang ako makatulog. At ganun nga ang nangyari. After few seconds nakatulog na agad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD