CHAPTER 3

2545 Words
Chapter 3 WEIRD SKYLER'S POV Nandito ako sa kwarto ko at inaalala yung mga nangyari kanina. Hindi ko alam pero, napapangiti ako kapag naaalala ko si Crystal. Crystal. Sa tuwing binabanggit ko yung pangalan niya, I don't know why but I feel my heart beats faster. Then, I also feel a strange feeling. Weird, right? The first time I saw her.. I don't know why, but.. it feels like I've been looking for something for a long time.. then suddenly, when I saw her.. when I saw her face.. it made me feel like I've seen what I'm looking for. And also.. the first time I saw her and everytime our eyes met I also feel the same feeling when I'm mentioning her name. Then kapag nakikita ko siyang nakangiti, napapangiti rin ako. And it's not the usual me. I honestly don't remember the last time that I smile to a girl before I meet her, except to my mom, of course. And I notice to myself that she's the only one I'm smiling at. And she's the only reason why I'm smiling from the time that I meet her. Am I inlove? What the? Where is that question came from? I don't even know the word inlove. It's really weird that the things that I didn't do, is what I'm doing. And the words that I don't even know are the words that is directly coming from me simula nang makilala ko siya. Ni hindi ko nga alam na marunong akong mang-asar ng ganun at ngumiti... ng matagal at maraming beses sa isang araw. Tapos kanina, I smile in front of many people because of her. And I also BLUSH. It's kinda gay right. Then yung mga pictures, sinabi ko pa talaga na i-send sakin instead of deleting it. Honestly, at first, I was actually about to delete it 'cause I don't like someone taking pictures of me without my permission but nung makita ko yung mukha niya sa picture, I suddenly feel like I want to keep it, so I did. Simula ng makilala ko siya, feeling ko nagbago ako. Pakiramdam ko, hindi na ako 'to. Hindi na ako ang dating Skyler Ice Scott. Alam kong pati ang mga kaibigan ko, napapansin ang mga pagbabago ko. Kahit pa hindi nila sabihin sa 'kin. Pero, bakit 'pag sa kaniya ngumingiti ako? Bakit 'pag sa kaniya tumatawa ako? Bakit kapag siya ang kausap ko nag-iiba ako? Yung dating cold na ako.. nasan na? Narinig kong tumunog yung phone ko, kaya bumangon ako. Nakita ko na may message sa 'kin si Ty at may sinend din siyang picture. From: Tyler "Hey, Bro! Open it and you'll see the most beautiful picture that you've ever seen." Napakunot-noo naman ako sa pagtataka dahil sa message niya sa 'kin. Most beautiful picture that I've ever seen? Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kalokohan niya. I open the pictures and I saw my pictures with Crystal. I was shocked nang makita ko kung gaano kadami yun. Akala ko, sa Cafeteria lang nila kami kinuhanan ng picture, pero hindi. Meron yung kaninang umaga ng mabangga niya ako. Una kong nakita is yung picture na magkaharap kami tapos parehong nakangiti. Ini-slide ko at nakita ko yung picture namin na nakangisi siya, tapos nakanguso ako. I guess, eto yung time na sinabihan niya akong pader. Tch! Ini-slide ko ulit, nakita ko naman yung magkatabi kami sa upuan tapos magkaharap. Eto naman siguro yung time na tinanong ko siya kung okay lang siya. Ang dami naman nito! Meron yung nakatingin ako sa kaniya, tapos nakatingin siya sa unahan. Tapos yung nakatayo kami parehas tapos magkaharap habang nakatingala siya sa 'kin at ako naman nakatungo sa kaniya. Then yung papunta kami sa Cafeteria. Nung ngumiti ako sa kaniya tapos nagtilian yung mga babae. Napatitig naman ako sa sunod na picture. Yung nagkalapit yung mukha namin. Napailing na lang ako ng mapansin kong napangiti ako. Ini-slide ko na ulit. The other pictures is yung nakaupo na kami sa table namin tapos tumawa ako. Then yung iba is nung ni-check ko kung may sakit siya. Yung namumula siya. Nung nagkatinginan kami. Nung sabay kaming mag-iwas ng tingin. At yung nag-b-blush kaming dalawa. Pati na rin yung sa parking lot kanina. Marami pang pictures yun na hindi ko na binanggit dahil nga masyadong marami. After kong tingnan yung mga pictures namin. I found myself saving it on my phone at isine-set as a wallpaper ng phone ko yung picture namin ng magkalapit ang mukha namin pati na rin sa lock screen. Then, I dial Tyler's number. Sinagot niya naman agad. "Enjoying the pictures, huh?" mapang-asar na bungad niya sakin. "Of course not!" agad na sabi ko. "Really, huh? Eh, bakit ngayon ka lang tumawag, eh kanina ko pa yun sinend sa 'yo!?" nang-aasar pa rin na sabi niya. "What the!? Why? Hinihintay mo ba ang tawag ko? Are you GAY?" asar ko rin sa kaniya. "Of course not! Grabe ka sakin, Bro. Ini-expect ko na kasing tatawag ka, dahil sa mga sinend ko na yun." "Tch! Bakit pala ang dami naman nun. Ni hindi man lang namin napansin na kinukuhanan niyo na pala kami ng pictures." "Masiyado kasi kayong BUSY sa ISA'T ISA." sagot niya na idiniin pa talaga ang salitang BUSY at ISA'T ISA. Psh! "Anong busy?" "Sus! Kunwari ka pa, Ky. You know what, Ky. I notice that you are changing. Dati ang cold cold mong kausap, ngayon marunong ka na ring mang-asar. Dati kasi pinagtitripan at binibigyan mo lang kami ng punishment kapag may nagagawa kaming something na ayaw mo. Then, ang hahaba na rin ng mga sinasabi mo samantalang dati, halos isang word lang yung salita mo." "Psh! Ang daldal mo!" "Are you inlove?" nagulat naman ako sa sinabi niya. "WHAT?" gulat kong sabi. "I said, are you inlove?" ulit niya sa tanong niya. "Shut up, Ty! I'm not inlove. Ni hindi ko nga alam yung salitang yun eh. Sige na. Bye!" "Wait, Ky--" Pinatay ko na yung tawag. Hindi ko alam pero bumilis yung t***k ng puso ko ng tanungin niya ako kung inlove ako. May nabago lang na konti, inlove na!? Humiga na lang ako at natulog na. ~KINABUKASAN~ Maaga akong nagising. I don't know to myself pero excited akong pumasok. Bumaba na ako, after kong magbihis. Nadatnan ko si Mom na naghahanda ng pagkain. Wala pa si Dad. Masiyado nga siguro akong maaga. "Good morning, Mom!" greet ko kay Mom then kiss her. Nagulat naman si Mommy ng makita ako. "Oh, son! You're too early. Buti na lang maaga akong nagising." Napansin kong nakatitig si Mom sa 'kin. "Hm.. mukhang masaya ang anak ko, ah! Anong meron?" nakangiting tanong ni Mom sakin. "Nothing, Mom. Maganda lang yung gising ko.." nakangiti ko ring sagot kay Mom. "Is that so? Oh, sige. Maupo ka na at kumain. Nand'yan na din ang Dad mo," sabi ni Mom at naupo na rin. "Good morning, Hon! Good morning, Son!" greet ni Dad samin. "Good morning, Dad!" greet ko rin sa kaniya. "Good morning, Hon!" sabi ni Mom at lumapit kay Dad. "You look happy," pansin ni Dad sa 'kin ng makaupo at nagsimula ng kumain. "Maganda lang po ang gising." "Hm.. ganun ba!?" nakangiting tanong ni Dad. "Yes po!" After eating, nagpaalam lang ako kay na Mom then I immediately go to our garage and get in to my car. Pinaandar ko na yun agad at umalis na. Nang makarating na 'ko sa school, nag-park ako agad. Pagkababa ko, nakita ko si Tristan na bumaba ng kotse niya. Kung nagtataka kayo, Tristan is also one of my friend. Agad akong lumapit sa kaniya. Nagulat naman siya ng makita ako. "Bro! What's up? Mukhang ang saya mo ah." "Maganda lang ang gising ko. Buti naman pumasok ka na," sabi ko sa kaniya. "Yeah! May sakit kasi ako kahapon kaya hindi ako nakapasok. So, kamusta ang first day?" tanong niya sakin, then we started to walk. "It's good!" "Siguro may nangyari kahapon kaya masaya ka ngayon, noh!?" tanong niya. I just shrugged my shoulder. "May ginawa na naman ba sina Ty, then pinagtripan mo as a punishment?" hula niya sa nangyari. "Nah, wala naman, bukod sa pagkuha nila sa 'kin ng picture." "So, ano naman yung nakuha nilang punishment?" mukhang natutuwa niyang sabi. "Wala naman," nagulat naman siya sa sagot ko. "Wala? As in, wala talaga? Eh, diba yun yung pinaka-ayaw mo? Taking you a picture without your permission? For sure naman ayaw mo magpa-picture." Nagkibit-balikat na lang ako. "Isang araw lang akong nawala, pero ang dami ko na agad na-miss!? Di bale, malalaman ko rin naman yun mamaya.." sabi niya ng walang makuhang sagot mula sa 'kin. Hindi na kami nag-usap pagkatapos nun. Tahimik na lang kaming naglakad. Nang makarating sa room, napansin kong wala pa si Crystal pero nandun na yung mga kaibigan niya pati na rin sina Ty at Zer. "Mga Bro! Kamusta?" narinig kong sabi ni Stan ng makalapit kay na Ty. Umupo na lang ako sa upuan ko. "Ayos naman! Ikaw ba? Balita ko may sakit ka raw kahapon?" sagot ni Zer kay Stan. "Oo eh! Pero, ayos na 'ko ngayon. May nangyari ba kahapon? Yung isa kasi dito mukhang masaya.." pagpaparinig pa ni Stan. Tch! I know ako yung pinariringgan niya. Pasalamat siya at good mood ano ngayon. Kung hindi... "Oo nga, noh! Siguro dahil yun sa kaibigan niya." "Kaibigan? May iba pa ba siyang kaibigan bukod satin?" Napansin ko naman si Crystal na papasok na sa pinto. Pagpasok niya pumunta agad siya sa upuan niya sa tabi ko at nilagay yung bag niya. "Good morning, Ice!" greet niya sa 'kin habang naka-smile. Nginitian ko rin siya, then... "Good morning, Crystal!" sabi ko sa kaniya. "Oo. Yun oh!" sabi ni Ty sabay turo kay Crystal. Bumaling naman si Crystal kay na Tyler. "Hello guys! Good mor-- kuya? Akala ko ba may dadaanan ka? Ba't ang bilis mo naman?" gulat na sabi niya. Nagulat rin kami. Kuya? Ibig sabihin magkapatid sila? Kaya pala pamilyar sa 'kin yung apelyido niya. "Magkakilala kayo?" sabay-sabay nilang tanong, pati na rin yung mga kaibigan ni Crystal. "Oo. Kapatid ko siya. Teka! Siya ba yung sinasabi mong kaibigan ni Ky?" tanong ni Stan kay Ty. "Oo. Si Heavn." Napangisi naman sa 'kin si Stan dahil sa sinagot ni Ty. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil dun. Mas lalo naman siyang napangisi. "Kuya, ano bang nginingisi-ngisi mo dyan. Mukha kang siraulo. Nag-aadik ka ba?" Natawa naman kami dahil sa sinabi ni Crystal. Sinamaan naman siya ng tingin ng kuya niya kaya napangisi si Crystal. "Oh, Ky! Woah! For the first time nakita na kitang tumawa. Kahit na wala namang nakakatawa dun sa joke ni Vn," baling sa 'kin ni Stan. "Anong joke? Seryoso ako dun, noh?" singit naman ni Crystal. Natawa na naman sila. Ako naman napangisi na lang. "Teka, kung kuya mo si Stan, bakit classmate kayo? I mean, bakit pareho kayo ng year?" Biglang tanong ni Lexie. "Ah, kasi.. pinag-sabay na nila kaming papasukin sa school para daw mabantayan namin ang isa't isa. And dati kasi ayaw naming na magkahiwalay kami, kaya ayun. Sabay nila kaming pinapasok. 1 year lang naman ang tanda niya sa 'kin eh." Napatango naman sila sa sagot ni Crystal. Ilang sandali lang dumating na ang Prof. Kaya pumunta na sila sa kani-kanilang mga upuan. Si Stan naman umupo sa tabi ni Zer kaya walang choice si Chenz at umupo na lang sa upuan sa tabi ni Stan. Napansin kong napangiti si Stan. Nahuli niya naman akong nakatingin sa kaniya, kaya nawala ang ngiti niya. Nginisihan ko siya dahil dun. After ng ilang oras break time na, tulad kahapon sabay-sabay uli kami. And as usual, nagtitilian na naman ang mga babae. Merong ding ilan na nagbubulungan. Pagdating Cafeteria ay um-order na kami. Yung girls naiwan sa table, kami na yung um-order para sa kanila. Nang maka-order ay bumalik na kami sa table at nagsimula ng kumain. Tulad kahapon ay nag-asaran at nagkuwentuhan lang kami habang kumakain. Pansin ko ang panay sulyap ni Stan kay Chenz. Hm, I smell something fishy. I smirk at my mind. Si Lexie at Tyler, pansin kong nagiging close na. Matagal na ba silang magkakilala? Pansin ko kasi sa way ng pag-uusap nila. They talk like they've known each other for so long. Hindi na ako magtataka, kung bakit hindi ko alam. Hindi naman kasi ako palaging updated sa mga 'to. Palagi akong late. Because, I'm not fully interested. Interesado lang ako kasi kaibigan ko sila. Anyways.. sina Gwenz at Zer naman, hindi nagpapansinan. Parang nagkakailangan na ewan. Pag nagkakatinginan naman ay nag-iiwas agad ng tingin sa isa't isa. I also smell something fishy sa kanila. Napatingin naman ako sa katabi ko. Nagulat naman ako ng makitang nakatingin pala siya sa 'kin. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin. Napangiti naman ako. Maasar nga 'to! "Buti na lang hindi ako natunaw," mahinang sabi ko sa katabi ko. "H-Huh!?" nauutal pa niyang tanong. "Sabi ko, buti na lang hindi ako natunaw sa titig mo," mahina ko pa ring sabi sa kaniya. Sinigurado ko na siya lang ang makakarinig nun. Baka asarin na naman kami eh. "H-Hindi naman kita t-tinititigan ah!" nauutal pa rin niyang sabi. "Really, huh!? Eh bakit nauutal ka!? Tsaka, I caught you! Kaya 'wag mo nang itanggi." Napansin ko naman na namula siya kaya napangiti ako. "Uy, ano yan huh!? Bakit nagbubulungan kayo?--teka! Vn, bakit namumula ka?" takang tanong naman ng kuya ni Crystal. Umayos naman ako ng upo. Tch! Napansin pa rin talaga niya eh. Napatingin naman silang lahat samin. I mean, yung mga kaibigan namin. Then, napangisi sila. Tsk! For sure aasarin na naman nila kami. Tumingin ako kay Ty, at nakita ko yung mapang-asar niyang tingin. "W-Wala, Kuya," nauutal na sagot ni Crystal. "Yieeeeeeee!" asar na naman nila samin. Pinigilan ko yung sarili ko na mapangiti. I turn back my eyes and face into cold one. Natapos kaming mag-break time na puro asaran lang. We are currently walking to our classroom. "Girls! CR lang ako ah. Mauna na kayo.." narinig kong paalam ni Crystal kila Gwenz. "Huh!? Samahan ka na namin," sabi sa kaniya ni Gwenz. "No. Thank you, pero ako na lang. Baka ma-late pa kayo eh." "Hindi. Okay lang yun, samahan ka na namin.." sabi naman ni Lexie. "H'wag na, Girls! Mabilis lang naman ako eh." "Sure ka?" tanong naman sa kaniya ni Chenz. Nag-thumbs up lang siya at umalis na. Nang malapit na kami sa classroom, naisipan kong sundan siya. Hindi ako mapakali eh. Kaya bumalik ako para sundan siya. "Bro, san punta mo?" rinig ko pang tanong ni Ty. "CR lang ako," sagot ko sa kaniya at nagmadali na. Nang makarating sa Girls CR ay may narinig akong ingay at kalabog mula sa loob kaya binuksan ko yun. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Pagbukas ko ng pinto ay nagdilim ang paningin ko sa nakita ko. "Try to slap her and you'll taste hell!" I said coldly and give them my coldest glare.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD