* Clouie POV * Pababa ako ngayon sa office para pumunta sa lobby at yayain ang mga anak ko na kumain. Tanghali na kasi kaya breaktime na namin. Kakatapos ko lang ding magpacancel ng meeting ni boss sa isang kasosyo niya. Galit na galit nga ang matandang yun e, dahil ilang araw niya daw yung pinahandaan yung pagmemeeting nila ni Boss, tapos ikacancel lang? E hindi ko naman yung kasalanan. Ewan ko ba don sa boss ko, kakain lang sa labas kailangan pang ipacancel ang meeting niya? Akala ko ba importante sa kanya ang business niya. Nakarating na ako sa may lobby, at biglang napakunot yung noo ko kasabay ng pagkaramdam ng kaba ko ng hindi ko makita ang mga anak ko doon. Tiningnan ko sila sa likod ng couch, dahil baka pinagtataguan lang nila ako. Pero wala sila doon, hinanap ko sila sa kung s

