Napagpasyahan ko at ng mga anak ko na dito nalang muna kami sa bahay namin magpapasko. Tatlong taon na din kasi kaming hindi nakapagpasko sa mismong bahay namin. Lagi nalang kasi kina Troy o di kaya kina Hanz. Kaya dito na muna kami sa bahay namin ngayon. At habang hinihintay namin ang oras para maghating gabi, naisipan ko namang ipasyal muna sila sa may park. Hindi narin ako nagdala ng sasakyan dahil baka mahirapan lang akong magpark. Lalo na at alam kung maraming tao ngayon sa park. Kaya magcommute na muna kami. Pagdating namin sa park, agad silang nag-aya sa akin na magrides kaya pumayag naman ako. Sa ferris wheel lang kami sumakay dahil delikado na sa ibang rides para sa kanila. Kita ko naman sa mukha nila yung saya habang nakasakay sila sa ferris wheel. Pagkatapos non, pinalaro ko di

