Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad sa hallway ng company ni Boss habang binabalewala ang mga tingin sa akin ng mga tao. Simula kasi nong pagpasok ko dito kanina, nagtataka at nagtatanong tingin na agad na nila ang sumalubong sa akin. Hindi ko nalang pinansin yun at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may office at sakto namang nakita ko si Laila. " Laila! " pagtawag ko dito na siya namang ikinalingon niya sa akin. Nanlaki naman ang mata nito at patakbong lumapit sa akin saka ako niyakap. " Bruha ka! Bakit ngayon ka lang pumasok? " tanong nito na halata yung pagkainis sa boses niya. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot na siyang ikinasimangot nito. " Nandyan ba si Boss? " tanong ko dito. " Wala! Pero yung chismiss about sa inyo ni Sir Henry meron! "

