" How are you? " " Po? " " How are you Clouie. " biglang seryuso nitong sabi sa akin. Umayos ako ng upo at pilit na pinapakalma ang sarili. Matapos kasi naming kumuha ng gamit ni Troy sa bahay nila Henry, eh pinapapunta kaagad ako ni Papa sa office niya para makapag-usap kami ng masinsinan. At kanina pa ako kinakabahan nong nasa labas palang ako. Kasi naman hindi ko alam kung paano sisimulan lahat ng ito. Akala ko magiging madali lang, kaya lang kapag kami nalang dalawa yung magkaharap napakahirap pala. Dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. " May balak ka bang sagutin ang tanong ko!? " sabi nito na halatang na inis na sa akin. Napayuko naman ako at pinacross ko yung mga kamay ko na nakapatong sa hita ko. " Sorry po. H-hindi ko po kasi alam kung sa- " Napahinto ako ng maram

