" Good morning Ms. Aika. " Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pangalan ng girlfriend ni Boss na binabati ng mga kasama ko. At sakto namang pagharap ko ay nakatingin din siya sa akin. Kaya agad akong tumayo para batiin din siya. " Good morning Ms, nandyan sa loob si Boss kasama ang mga kaibigan niya. " nakangiti kung sabi sa kanya. " Mukhang alam mo na kung sino ang ipinunta ko dito ha. " nakangiti nitong sabi. Ngumiti lang din ako sa kanya. Sino pa ba ang ipinunta niya dito, e si Boss lang naman. " By the way, thank you. " sabi nito saka pumasok na sa loob. Muli naman akong umupo at tinapos yung ginagawa ko. Ngayon ko lang ulit nakita dito si Ms. Aika, at masasabi kung mas lalo siyang gumanda ngayon. Kaya hindi malabong nagustuhan siya ni Boss. Malapit na akong matapos sa gi

