" Sir, may bisita po kayo. Si Mr. Chunk po. " " Papasukin mo. " Itiniklop ko muna yung laptop at isinantabi yung ginagawa ko saka hinintay na pumasok yung taong inaasahan ko. " Good morning Mr. Wilson. " bati nito pagpasok sa office ko. " Have a seat. " Umupo naman ito sa couch na itinuro ko sa kanya at ako naman ay kumuha ng dalawang basong wine at ibinigay sa kanya ang isa. " Kamusta ang inutos ko sayo, may nakuha kaba? " tanong ko dito ng makaupo ako sa may single couch. " Lahat ng about sa kanya ay nakuha ko Sir. Here, nakalagay dyan ang gusto mong malaman about sa kanya. " Inabot ko naman ang ibinigay niya sa aking envelope na kung saan ang laman nito ang mga impormasyong about kay Ms. Santos. Impormasyong nangyari sa kanya five years ago. Lahat yun binasa ko, simula nong

