Maaga akong nagisimg para iprepare lahat ng gamit ng mga anak ko. Today is a big day sa kanila, hindi naman as in big day. Pero mahalaga sa kanila ang araw na to, dahil ngayon na ang dance contest nila. Ilang araw nila itong pinaghandaan para lang sa contest na yun. Kaya dapat lang din na iprepare ko lahat ng kakailangin nila, lalo na ang costume. Matapos kung magluto at iprepare lahat ng kakailanganin nila, umakyat naman ako papunta sa kwarto ng mga anak ko para sana asikasuhin sila. Ang kaso pagpasok ko, nakaready na silang dalawa, tapos na silang maligo at bihis na bihis na rin. " Hindi halatang excited kayo ha. " nakangiting sabi ko habang naglalad ako papalapit sa kanila. " Excited na po kasi kaming magperform ni Kuya, Mom. " nakangiting sabi ni Claire sa akin. " Hindi ako excited

