Nakatayo ako ngayon sa harapan ng sasakyan ko na nasa harap ng bahay namin. Kakauwi lang namin galing sa restaurant ni Troy. Kaya ako nandito ay dahil hinihintay ko ang paglapit sa akin ni Boss na ngayon ay matalim parin ang tingin sa akin. Pinauna ko ng pumasok si Ate kasama yung mga anak ko sa loob ng bahay. Gabi na kasi at kailangan na rin nilang magpahinga ngayon. Nagulat ako ng bigla akong hablutin ni Boss sa kamay at kinaladkad papalayo sa bahay namin. " Now tell me the truth? " seryuso nitong tanong sa akin matapos akong nitong marahas na binitawan. Napangiwi naman ako ng makaramdam ako ng sakit. Pero hindi ko iyun ipinakita sa kanya. " Ano ba ang gusto mong malaman Boss? " balik kung tanong sa kanya. Mas lalo pang matalim ang tingin nito sa akin na hindi niya nagustuhan ang

