* Clouie POV * Napapatingin sa amin yung ibang empleyado ng sabay kaming pumasok ni Boss sa may building. Kasabay nito ang pag-iwas nila ng tingin habang napapadaan si Boss sa kanilang harapan. Meron pa nga mag-aatubiling bumati sa kanya na hindi matuloy-tuloy dahil alam kung nararamdaman din nila yung masamang aurang dala ni Boss ngayon. At panigurado maraming takot na naman ang pumasok sa loob ng office niya. Napangisi nalang ako habang nakatingin sa kanyang papasok sa loob ng elevator. Mas lalong sumama pa ang tingin nito ng mahuli niya akong nakangisi. Dahilan para magsilabasan yung ibang kasama niya sa loob ng elevator. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kung ganyan ang boss niyo diba? " Stop that smile Ms. " malamig nitong sabi sa akin ng makapasok ako sa loob ng elevator.

