Nanatili akong nakatayo sa harapan ni Boss na hindi alam kung ano ang gagawin. Habang siya ay madilim ang mga matang nakatitig sa akin na halatang hindi nagustuhan ang nangyari kanina. Tiningnan niya ako ng mabuti hanggang sa dumaku yung mata niya sa bibig ko na may kunting sugat. Napaiwas ako ng tingin kasabay non ang pag-init ng pisngi ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin. " Tell me kung bakit nagkagulo kanina sa baba? " seryuso nitong tanong sa akin. Tumikhim ako at umayos ng tayo. Sinundan ko siya ng tingin ng naglakad siya papalapit sa drawer niya at may kinuha doon. Muli lang ako napaiwas ng tumingin siya sa akin. " Hindi ko alam kung ano talaga ang buong nangyari kanina Boss. Ang alam ko ay ang nagpupumilit siyang makapasok sa office mo at sinabing girlfriend mo daw siya

