Napabuntong hininga ako matapos kung makausap si Ate sa phone. Nagpaalam kasi ito sa akin na isasama niya yung mga anak ko pauwi sa kanila. At manatili sila doon ng ilang araw dahil yun ang gusto ng mga magulang namin. Natatandaan niyo ba yung araw na sabay kaming pumasok ni Boss? Yun din kasi yung araw na dinala ni Ate yung mga anak ko sa kanila. Nong una nagalit pa ako kung bakit niya dinala doon yung anak ko. Kasi naman baka ayaw sa kanila ni Papa at magalit ito sa kanila o di kaya kay Ate. Kaya natatakot akong makita o maranasan yun ng mga anak ko na ipagtabuyan sila. Dahil ayaw kung maranasan nila ang nangyari sa akin noon. Pero ng malaman kung hindi naman yun ginawa sa kanila, medyo gumaan rin ang loob ko at nakaramdam ng saya dahil hindi niya ginawa ang bagay na yun sa mga anak ko.

