Matapos naming maglibot-libot ni Aika ay pumunta kami sa may coffee shop para doon hintayin ang driver niya. Tinatamad na din kasi akong magdrive kaya magpapasundo nalang kami dito. Habang nag-oorder ako ng coffee para para sa amin, hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya. May kausap kasi ito sa phone na halata sa mukha niya na masaya siyang kausap ito. " Here's your order maam. " agaw atensyon sa akin ng crew. " Thank you. " sabi ko saka kinuha yung order at lumakad na papalapit sa pwesto namin. Sakto naman ang paglapit ko ay siyang pagbaba ng phone ni Aika at saka tumingin sa akin. " Thank you. " sabi nito ng maiabot ko sa kanya yung order niya. " So, kailan ang kasal mo? " tanong ko ng makaupo ako sa harapan niya. " Next week. " " Ganun ka aga?! " gulat kung tanong sa kanya. " Ye

