Kakarating ko lang sa restaurant ni Troy, hindi para makipagchismisan sa kanya kundi para makipagkita sa isang tao. Tumawag kasi ito kagabi sa akin na gusto niyang makipagkita sa akin at tulongan siya sa isang bagay. Wala naman dito si Troy, kaya walang manggugulo sa akin ngayon dito. Napatingin-tingin ako sa paligid at doon nakita ko siya malapit sa may glass window na sakto namang napaligon siya sa akin. Ang laki ng ngiti niya ng lumapit ako sa kanya. " Sorry kung pinaghintay kita. " sabi ko ng maibaba niya ang phone. May kausap kasi ito sa phone pagkakita ko sa kanya kanina. " Its okay, alam ko namang inaasikaso mo pa ang kambal. " nakangiti nitong sabi, kaya napangiti na rin ako. " Lets order first before we go. " " Hindi ka pa ba kumakain? " " Hindi e, talagang hinintay kita. H

