Napaupo ako sa may bench na naroon matapos kung ihatid yung mga anak ko sa room nila. Wala naman akong gagawin sa bahay at wala rin akong pupuntahan. Kaya dito nalang muna ako at hintayin ang mga anak ko hanggang sa uwian nila. Gusto ko sanang pumunta kina Troy, kaya lang naisip ko na huwag nalang. Baka kasi mag-iintriga na naman yun about sa amin ni Boss. At ayaw ko munang pag-usapan ang bagay na yun. Ayaw ko namang mag-alala pa siya sa akin no Nakakahiya naman sa pamilya niya kapag nakisali pa ako sa kanila. " Talagang wala kang balak pumasok ngayon. " Bigla akong napalingon ng marinig ko ang boses na yun. At ganun nalang ang gulat ko ng makita si Boss na seryusong nakatayo sa likuran ko. Kaya agad akong napatayo at hinarap sila. " A-ano ang ginagawa mo dito? " gulat na tanong ko sa

