Dala ko parin ang sakit na nararamdaman ko habang pabalik ako ng lugar namin. Hindi ko parin maiwasan maluha habang iniisip ko ang nangyari kanina. Alam ko rin na kanina pa ako pinagtitinginan ng mga pasahero dito sa bus. Pero wala akong pakialam, dahil sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako nagtagal doon sa resort nina Boss. Dahil baka mas lalo lang ako magalit sa kanya kapag nakita ko pa ang pagmumukha niya. Kung tinatanong niyo kung paano ako nakauwi gayong alam naman natin na malabo talaga ang sakayan doon papunta sa may bayan. Well, nakita ko lang naman yung tatlong ugok na yun na humarang sa amin dati. May dala silang motor kaya ayun, nagpahatid ako sa may bayan. Hindi naman pala sila ganun kasama e, talagang may pagkaloko-loko lang sila. " Mommy! " sabay na sigaw

