* Henry POV * Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa babaeng nakahilig ngayon sa dibdib ko. Hindi ko lubos maisip na hahantong kami dito dahil sa galit na nararamdaman ko kagabi. I want to tease her. Pero mukhang ako yata yung natukso niya. Dahil talagang hindi ko kayang pigilan ang sarili ko pagdating sa kanya. Agad akong napapikit at nagtulog-tulogan ng mapatanto kung gising na siya. Naramdam kung umangat yung ulo niya at maging pagkatitig nito sa akin ay naramdaman ko. Gusto kung makita ang mukha niya pagkagising niya. Pero mas gusto kung malaman ang gagawin niya dahil sa nangyari sa amin kagabi. Ramdam ko ang matagal na pagkatitig nito sa akin at hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng babaeng to. Pero napakunot ang noo ko ng umalis ito sa pagkakahilig sa akin, dahilan p

