Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ilang oras na ako nandito, at hindi ko rin alam kung ilang buntong hininga ang pinapakawalan ko ngayon. " Kung hindi mo pa kaya, huwag mo munang ituloy. Marami pa namang araw na makausap mo sila. " sabi sa akin ni Troy. Sumandal ako sa sasakyan at ang paningin parin ay nasa harap ng bahay. " Kaya ko naman eh, natatakot lang talaga ako sa matatanggap kung salita galing sa kanila. Although sanay na ako kahit masakit, pero hindi ko parin maiwasang kabahan. " mapait kung sabi. Napatingin ako sa kanya ng bigla niya akong akbayan. At nakangiting nakatingin sa akin. " Lagi mong tandaan na hinding-hindi kita iiwan. Ako yung Babe mo na handang maging sandalan mo at proprotek

