Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga anak ko ang tungkol sa ama nila. Akala ko magiging madali lang, pero kapag nasa totoo ka pa lang sitwasyon. Nagiging mahirap na at ngayon hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang bagay na yun. " Mom, may problema po ba? " tanong sa akin ng anak ko na ikinailing ko naman. Lumapit ako sa kanila at umupo sa harapan nila para magkapantay kaming tatlo. Nasa kwarto kami ngayon at pareho silang nakaupo ngayon sa kama habang nasa harapan nila ako. Maaga pa, kaya napagdesisyonan kung sabihin na sa kanila ngayon. At hindi alam ni Boss na ngayon ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa kanya. " Diba sabi niyo sa akin gusto niyong makilala kayo ng Daddy niyo. " sabi ko sa kanila na kinatango naman nila. " Opo! Bakit po alam niya na po? " nakangiting tano

