Natapos ang performance nina Hanz at ng mga anak ko na may mga ngiti sa kanilang labi. Kahit yung mga nanunuod ay napapasaya dahil sa ginawa ng mga ito. Hindi lang kasi sila kumanta, talagang sumayaw pa silang tatlo na ikinatili ng mga babae at dahil yun kay Hanz. Tulad kasi ng Kuya niya, multi talented din si Hanz. Kaya nga lang madalas lang siyang sumayaw, ang hilig talaga kasi nito ay kumanta. " I'm better than him. " nagtataka naman akong napatingin sa katabi ko. " What? " kunot noong tanong ko sa kanya. Ngumisi lang ito saka nauna ng lumakad papunta sa deriksyon nina Hanz. Ako naman ay nagtatakang nakasunod sa kanya. Sinasabi niya bang mas magaling siya kaysa sa kapatid niya? Hindi naman ako nagtanong ha. Sumunod nalang ako sa kanya at sinalubong yung mga anak ko. Ang laki ng ngi

