Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng nasa harap na ako sa bahay ng mga magulang ko. Sa five years na lumipas, ngayon lang ulit ako nakapunta sa bahay na ito. At masasabi kung maraming nagbago sa bahay na ito. Muli ako humugot ng isang malalim na hininga bago ko pinindot yung doorbell nila na katabi lang ng gate. At maya-maya lan, may katulong na naglalakd papalapit sa may gate. " Good morning ma'am. Ano po ang kailangan nila? " Mukhang hindi na ako namukhaan ng katulong nila ha. " I'm Clouie Santos, nandito ako para sunduin ang mga anak ko. " sabi ko dito. Pansin ko yung panlalaki ng mata niya at pagkagulat ng magpakilala ako sa kanya. " M-maam Clouie, p-pasensya na po kung hindi ko kayo namukhaan. " sabi nito at pinagbuksan ako ng gate. Tumango lang ako sa kanya saka na

