kabanata 5

2086 Words
Malamig ang simoy ng hangin ang lumapat sa pisngi ko ng makarating ako sa field kung saan may orientation na magaganap sa pagsisimula ng pasukan. Bree asked me to wait for her. Naiwan pa din kasi siya sa clinic kasama si Rajan at Kaio. Hanggang ngaun.. Hindi ko pa din mapagtanto kung kaibigan ko na sila o ano. Still, nagpapasalamat ako at hindi naman lahat ng tao dito ay ginawa para apihin ako. Madaming studyante ang nagkalat sa lugar. Maingay sa kanyang kanyang usapan habang ako ay parang naligaw ng landas. May ilang mga faculties sa stage na tila ba maghahanda sa pagsisimula. Saan ako pupwesto? Saan kami magkikita ni Bree? Ugh! Hindi ko naman kasi naisip kanina na ganito kadami ang tao dito. Hindi ko din naisip or natanong sila Bree kung saan kami pupwesto. Lumakad ako sa side sa kanan front seat na malapit sa stage. The people eyed me instantly. I looked away.. Mapanghusgang ang mga mata nila at tsaka magbubulungan. Minsan naiisip ko, bakit kahit wala ka naman ginagawang masama ay pinapansin at pinapansin ka ng tao? Is it because of my physical appearance? I pity them for judging people by their looks. Hindi naman basehan ang itsura at kasuotan ng tao para irespeto. Nasa tao mismo iyon kung karapatdapat sila irespeto. "That seat is taken," napabitaw ako sa monoblock na hawak ko ng magsalita ang isang babae sa di kalayuan. Their group stared at me with disgust. I breathed heavily. Here we go again. Hindi ko akalain na nag-aaral ako sa "b***h university". "Wala naman nakaupo,e." sagot ko diretso ang tingin sa mga mata niya. She rolled her eyes dramatically. Her friends eyes bit widened. "I have a ghost friend and that seat is reserved for her." She said. Ako naman ang madramang umirap ng nagtawanan sila. Seryoso? Ano naman ang nakakatawa? Is she joking? Then, I find her joke corny.. "Uupo na ako," sagot ko pa din sabay hila ng upuan. Nagsimula itest ang microphone sa stage kaya napatingin ako doon. Nang uupo na ako ay napangiwi ako bigla. Himas himas ko ang pwet ko habang matindi ang pag ngiwi. Ilang tawanan ang narinig ko sa paligid. "I warned you!" nakangisi ang babae habang hawak ang monoblock na dapat ay uupuan ko. Napatingin pa ako sa grupo ng kalalakihan sa gilid na lahat ay nakangising nakatingin sa akin. Pinagpagan ko ang pantalon ko at pumikit ng mariin. Why are these people acting like a child? Nasa kolehiyo na kami pero asal bata pa din. I can't believe I have to deal with these kind of people. "Ayoko ng gulo, " sagot ko sa babae. Tumaas ang kanang kilay niya. Napa- O naman ang ilan sa paligid. "Really? Then you shouldn't be here!" sagot niyang mataray. Bumuntong hininga ulit ako tanda ng pagsuko. Siguro ay babalikan ko nalang si Bree sa clinic. "And who gave you the right to say that?" nanlaki ang mata nung babae sa nagsalita. Lahat halos ay napaayos ng upo. Hindi ko kilala kung sino ang nagsalita pero halata sa mukha nila ang takot. "ahh..." nauutal na sagot ng babae. Tila ba nawala lahat ng tapang niya at nagtago kung saan. Ang mga kasama niya kanina ay unti unting umatras. "You know the rules, missy.. Bullying others in this school is a big crime." malamig na salita ng lalaki sa likod ko. Lumunok ang babae at tila ba nahirapan huminga sa takot. Ang matapang na mata niya ay napuno ng takot. Nanatili ang titig ko sa babae. Gustong gusto kong lingunin ang lalaki sa likod pero hindi ko magawa. I kinda enjoying the girls face now. Ano ka ngaun, ha! "I'm not bullying her Mr. Simon. A-ano kasi..." kinakabahan sagot ng babae. Tumikhim ang lalaki sa likod ko kaya lalong namutla ang babae. "Your name?" sagot nung lalaki. "Sorry na po, hindi ko na uulitin." sagot ng babae. "You shouldn't say sorry to me, say sorry to her." malamig na salita ng lalaki kaya nagtayuan ang balahibo ko. Napatayo ako ng tuwid ng bumaling ang babae sa akin. Nakitaan ko ng matinding iritasyon ang mga mata niya kahit may takot siya sa kausap niya. Tumitig ako sa kanya. Gustong gusto kong ngumisi o dilian siya pero natatakot ako. Baka sa huli pati ako ay madamay sa kanya. "Sorry." salita niya. Damang dama ko ang labas sa ilong na sorry niya pero sapat na iyon sa akin. Her bigtime ego pulled her down though. Mabilis na tumalikod ang babae na halatang napahiya at dinamdama ang nangyari. The people around looked away after. "Are you alright?" napasinghap ako ng magsalita ang lalaki. Mabilis akong bumaling sa kanya na ikinatigil ko. Now I understand kung bakit ganoon ang itsura ng babae kanina. The man infront of me screaming for authority and power. Though, he looks like a devil sent here to be my angel. At ang gwapo niya. I think he's in his mid 40's? Not sure. "O-opo.." nauutal na sagot ko. Hindi kasi ako makasalita dahil sa pagkabigla. I've seen good looking people. Pero nakakatulala naman kasi ang lalaki na'to. Para siyang model sa magazine na lumabas at nabuhay. "Don't let yourself be bullied by them. Okay?" ngumiti siya ng bahagya kahit bahagya din nakakunot ang noo niya. I wonder why that girl so scared with him? Mabait naman siya ah? "Mr. Silverio, we're going to start." sigaw sa kanya ng isang teacher. Tumango lang siya. Bumaling ulit siya sakin na kunot ang noo. This time, his stares sent shiver. Titig na titig siya sa akin na tila ba may nakikita siya na hindi niya mapaliwanang. "You're?" tanong niya bigla. "Moon Astrid Dela Cruz po." sagot ko na medyo ilang. Nagtataka kasi ako at hindi mawala ang titig niya sa akin. Tumango siya ng bahagya at umiling. "May problema po ba?" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magtanong. Medyo nawiwirduhan kasi ako sa kanya. "Wala naman, you just look exactly like my bestfriend. And I find it weird." seryosong salita niya. Sino kaya ang bestfriend niya? "I need to go, anyway." sagot niya. Halata pa din sa mukha niya na may bumabagabag sa kanya. Tumango ako. Lalakad na sana siya ng biglang dumating sila Bree at tinawag siya. "Tito, Simon!"sigaw ni Bree. Malaki ang ngiti niya ng lumapit kay Mr. Simon na pormal na humarap sa kanya. "How's your day?" malamig na salita ni Mr. Simon kay Bree. Ginulo pa nito ng bahagya ang buhok ni Bree kaya ngumuso ito. "I need to tell you something.." tila ba nagsusumbong na salita ni Bree. Tinawag ulit si Mr. Simon ng isang school staff kaya nawala ang atensyon niya kay Bree. "You tell me later princess. I need to go." sagot niya kay Bree. "Tito Glen's not around?" sagot ni Bree. "He's abroad." sagot ni Mr. Simon. Napatingin ulit siya sa akin. Gusto kong lumubog dahil tuwing lalapat ang mga mata niya sa akin ay parang sinusuri ang buong mukha ko. Kumunot ulit ang noo niya at tuluyan ng tumalikod. Nagsimula na ang program. I can't believe na Mr. Simon Aries Silverio na kausap ko kanina ang may-ari ng buong university na ito! Kahit na maingay si Bree ay hindi ako makasunod sa kanya. Nababagabag kasi ako dahil paulit ulit tumtakbo sa isipin ko ang mga tingin niya sa akin. And he told me na kamukha ko ang bestfriend niya. Who is his bestfriend? Babae ba ito o lalake? Ugh. Bakit ba big deal sa akin iyon? Bakit ayaw nito mawala sa sistema ko? Bakit may parte sa akin ang nabagabag nito? "Are you okay?" halos mapalundag ako ng magsalita si Kaio sa gilid ko. Nakatagilid ang ulo niya habang diretsong nakatingin sa akin. Nakaramdam naman ako bigla ng hiya. Tumango ako. Kumunot ang noo niya pero nakatingin pa din sa akin. "You seem not though. Ang layo na yata ng narating mo.." natawa siya ng bahagya kaya napailing ako at napangiti din. Lucas Kaio Dela Fuente is nice. Pareho sila ni Bree. I admire both of them.. I'm lucky that I met them. May tumikhim sa likod namin kaya napaayos ng upo si Kaio. Humalakhak siya ng mahina at umiling. "Chill, I'm just being friendly." salita niya. Medyo naguluhan pa ako dahil hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o ano. Dalawahan kasi ang chair. Sa likod namin ay si Bree at si Rajan ang nakaupo. Nakaramdam ako ng init ng biglang dumukwang si Rajan sa pagitan namin ni Kaio. Kumalabog ng husto ang t***k ng puso ko. Ang lapit lapit lang ng mukha niya sa amin..sa akin.. Napalunok ako ng humalimuyak ang pang lalaking pabango niya. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag igting ng panga niya. Para bang iritang irita siya na hindi ko maintindihan. I wonder what Bree is doing? Bakit tahimik siya? Or may ginagawa? God! Please save me from misery. "What is the differnce of being friendly from being flirty?" nagtagis ang bagang niya. Kitang kita ko ang pagpipigil ng tawa ni Kaio. Lalong dumilim ang expresyon ng mukha ni Rajan. "Go back to where you belong Raj. I'm just being friendly. That's all. She's not my type anyway." natatawa pero seryoso naman na salita ni Kaio. Gulong gulo ako. Ano o sino ba ang pinag uusapan nila?Gusto kong ma-offend sa salita ni Kaio pero wala akong maramdaman na kahit ano. Kung ako man ang hindi niya type?? I don't feel anything.. I like Kaio being my little brother though. That's all. "Wag ako, Lucas." malamig na salita niya at tsaka umatras at umayos ng upo. Doon lang ako parang bumalik sa realidad. Kanina kasi ay parang nasa panaginip ako sa lapit ng mukha ni Rajan sa akin. Kapag si Kaio ang kasama o kausap ko. I feel natural.. I mean, kumportable ako. No other feelings. Just okay. Just fine. But with Rajan? Nabibigyan niya ako ng emosyon na hindi ko mapangalanan. I still need to fight that feelings. Mali, e. Bawal. Natapos na ang general assembly at nagsimula ng magtayuan ang mga studyante. Bahagya na din naghahati ang liwanag at dilim sa langit. Nang tumingin ako sa orasan sa clock tower ng school ay lagpas alas sais na pala. "Astrid, come with me." nagulat ako ng hinila nalang ako bigla ni Bree. Napatingin pa ako kay Kaio na nagkibit balikat lang. "Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Bree na parang nakikipag patintero sa mga studyanteng dumadaan. "I need to see tito Simon. Kailangan kong sabihin ang ginagawa nila Betina to me.. To you.. I know tito won't tolerate their bitchy atittude." dirediretso pa din siya sa paglalakad. I wonder bakit close si Bree kay Mr. Simon? Ano ang koneksyon nila? Ang mga titig niya kanina sa akin ay bumalik na naman sa isip ko. I'm still wondering about his weird stares. About his bestfriend who looks like me? Diba iyon ang sabi niya. Teka, hindi kaya patay na ito? O God! Bakit ba hindi ito mawala sa isip ko? "Bree," natigil si Bree ng may tumawag sa kanya. Napatingin din ako sa lalaki na medyo bata sa amin. His arrogant and snob looks will make you drool over him. Gulo ang buhok nito. Alam kong matanda kami sa kanya. Pero sa itsura niya? He looks like a hot college boy. Teka, he looks like Mr. Simon! "Caden.." sagot ni Bree na medyo hingal pa. "Is your dad still here?" tanong niya. Napatingin si Caden sa akin ay nagtaas ng kilay. Sa huli, bumaling ulit siya kay Bree. "Nope, Thatia called.. Pinapauwi na daw ni mommy si dad." malamig na salita ni Caden. Nagulat ako ng tumawa ng malakas si Bree. Halata naman sa mukha ni Caden na nairita siya. "I bet your sister is bullying your dad again." "tss.. Exactly." tumaas ang sulok ng labi ni Caden at umiling. "Go to go.." paalam niya kay Bree na natatawa lang na tumango. "Are you okay?" natatawang baling sa akin ni Bree. Tumango lang ako kahit ang totoo ay wala akong maintindihan. Alam kong mayaman si Bree. Pero hindi ko alam na ganito kalaki ang mundo niya. "Bakit ang tahimik mo?" tanong niya sa akin ng pabalik na kami kung saan namin iniwan si Kaio at Rajan. Nagkibit balikat ako. "Nabibigla lang ako.. Kilala mo pala ang may ari ng school?" tanong ko. Mahinhin na humagikgik si Bree pero nagpatuloy pa din siya ng lakad. "Ofcourse, tito Simon is my dad's bestfriend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD