kabanata 6

2240 Words
Sabado ngaun. Hindi ako makapaniwala na nalagpasan ko ang isang linggo sa school na kahit araw araw ay nabubully ako. I aprreciate Bree being my savior. Kapag may magtatangkang apihin ako ay siya palagi ang tagapagligtas ko. Minsan nga ay nahihiya na ako lumapit sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay ako ang dahilan kaya madalas siyang mapaaway sa school. I tried to distance myself to her para malayo siya sa away. "It's fine, Astrid! Bestfriend kita so I'll be here to save you. Always." dama ko ang pagtatampo sa boses niya. "Pero," sagot ko. Natutuwa ako that she's claiming me as her bestfriend. She accepted me wholeheartedly. Aarte paba ako? Ang akin lang naman ay ayoko siyang madamay sa mga issues ko sa mga b***h na nag aaral sa school. "No buts. Okay?" umirap siya at kinaladkad na ako. Days passed and I'm not bullied more often. Minsan minsan nalang kapag hindi ko kasama si Bree. Madalas kasi ay pinupuntahan niya si Rajan after class. Pinipilit niya nga akong sumama sa kanya pero ako lang ang palaging umaayaw. "Aalis kana ba?" tanong ni nanay ng makalabas ako sa kwarto. Tumango ako at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Lumapit ako kay nanay at inagaw ang sandok na pinanghahalo niya ng bibingka. "Ako na, Astrid. Baka madumihan kapa." sagot ni nanay. Umiling ako ng bahagya at nagpatuloy. Mayroon pa naman akong isang oras para makarating sa mga Dela Fuente. "Ako na nay. Tutal ay malapit na naman maluto." sagot ko at nagpatuloy sa paghalo. "Tigas ng ulo mo," masungit na salita ni nanay kaya napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Mukhang hindi yata maganda ang gising ng nanay ko. Binitawan ko ang sandok at hininaan ang apoy ng kalan. Lumakad ako sa kanya na halos mapunit na ang mga dahon ng saging na hiniwalay hiwalay niya. "May regla kaba nanay? Diba ay menopause kana?" natatawang tanong ko. Nawala ang ngiti ko ng nakasimangot pa din siya at malakas na tumikhim. "Tigilan mo ako, Moon Astrid ha!" iritado siya kaya napailing nalang ako. "May problema po ba?" tanong ko. Namimiss ko lang naman si nanay at naglalambing lang ako. Simula kasi nag aral ako ay hindi na kami masyado nagkakausap. Bihirang magsungit si nanay. Kapag ganyan siya ay karaniwan ay may problema siya. Ano kaya iyon? Huminga ng malalim si nanay at hinarap ako. Natigilan pa ako dahil sa lungkot ng mga mata ni nanay. "Wala ito, pagod lang ako. Sige na, umalis kana." malumanay na siya ngaun pero ramdam ko ang bigat sa mga salita niya. Tumitig ako sa kanya at sa huli ay huminga ako ng malalim. Alam kong may dinadala si nanay na ayaw niya lang sabihin. Alam ko yan, anak niya ako diba? "Nay," napatingin ako kay kuya Anton ng tawagin si nanay. Seryoso ang mga mata ni kuya na normal naman sa kanya. Tumingin siya sa akin at bumalik ang tingin kay nanay na nagkunwaring hindi siya nadinig. Nagbalik balik ang tingin ko sa kanya. Ano ang problema nila? Hindi karaniwan ganito si nanay. She's bit witty at malapit sa aming tatlong magkakapatid. Bakit ang lamig niya kay kuya? Bumuntong hininga si kuya Anton tanda ng pagsuko. Mabilis na tumalikod si nanay na bahagyang suminghot. Lalapitan ko sana siya ng bigla akong tawagin ni kuya Anton. "Ihahatid kita, Astrid." hindi iyon tanong, tila ba utos iyon at hindi ka pwedeng tumanggi. Hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanya o suaundan ko si nanay. Sa huli, bumuntong hininga nalang din ako at sumunod kay kuya. "Saan ka pupunta?" tanong ni kuya ng makalabas kami. Natigilan ako. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Sa bahay kasi ay si nanay lang ang nakakaalam ng nangyayari sa buhay ko. Ayos lang kaya kay kuya kapag nalaman niya? At bakit kumakalabog na naman ang dibdib ko? Kinakabahan ba ako? Bakit naman ako kakabahan? Tinanong lang naman ako ni kuya diba? "Astrid!" Nabalik ako sa realidad dahil sa sigaw ni Rosie. Malaki ang ngiti niya sa harap ko kaya bahagya akong ngumiti. "Parang di ka naman masaya makita ako," ngumuso si Rosie kaya madrama ko siyang inirapan. Though, nagpapasalamat ako at iniligtas niya ako sa tanong ni kuya. "Uy," halos magkikisay siya ng makita si kuya sa gilid ko. Bahagyang namula ang pisngi niya at kinurot ang tagiliran ko kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Ikaw pala yan Anton, kamusta?" bati niya kay kuya. "Ayos lang," malamig na sagot ni kuya. Si Rosie naman ay diniinan ang hawak sa braso ko kaya ngumiwi ako ng bahagya. Talagang nagiging pisikal ang babae na ito kapag nakakausap si kuya. "May lakad kayo?" tanong ulit niya. Wala kasi sa aming makapagsalita. Ni hindi ko alam kung bakit nailang ako at hindi makapagsalita. Kumunot ang noo ni Rosie ng wala sa amin sumagot. Bahagya siyang tumawa. "Ay, napipe ka, Astrid?" Umirap ako at natigilan ng maramdaman ko ang braso ni kuya sa balikat ko. Lalo akong kinabahan. Para bang naging gulaman ang tuhod ko. Pakiramdam ko din ay nanginig ang kalamnan ko sa kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Ano nangyayari sa akin? Lalo akong hindi nakapagsalita. Si kuya ay mahinang natawa at sumagot kay Rosie. "Yup, may lakad kami.." hindi ko alam kung bakit nahimigan ko ang saya sa boses ni kuya. At lalo akong nawala sa sarili dahil sa akbay niya. "Mauna na kami, Rosie.." sagot ni kuya. Napatingin ako kay Rosie na laglag ang panga at bahagyang tumango kay kuya. Umiling ako ng bahagya. She loves talking to kuya Anton.. Pero kapag nagsalita na ito ay literal na natatame siya. Ginabayan ako maglakad ni kuya. Hindi pa din niya inaalis ang akbay niya sa akin. Nagpanggap akong malakas kahit nanghihina ako sa akbay niya sa hindi ko alam na dahilan. Naging tahimik kami hanggang makarating kami sa sakayan. "Iyan ba ang mga ampon ni Ester?" napatingin ako sa nagsalita. Siya si mang Sergio, yung kapitbahay namin na nag ibang bansa. Nakauwi na pala siya? At bakit binanggit niya ang pangalan ni nanay? Sino ang ampon? Nag igting ang panga ni kuya at bigla akong nilayo kila mang Sergio. "Tara na, magtaxi nalang tayo.." madaling madali si kuya. Ang kaninang akbay niya ay nawala pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Kahit naghuhurumentado ako sa hindi ko alam na dahilan ay nagpahila nalang ako. Pumara ng taxi si kuya. Pagkasakay namin ay tahimik lang si kuya. Nagtataka pa ako at mukhang balisa ang itsura niya. "San ka Astrid?" nag-iwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Kahit seryoso siya ay hindi ko maiwasan punahin ang biglang pag-aalala sa mukha niya. "Sa Vista, k-kuya.." sagot ko sabay iwas ng tingin. Alam kong alam ni kuya ang subdivision na sinabi ko. Natatakot lang ako sa magiging reaksyon niya. "Sa Vista ho muna," sagot niya sa driver. Napadilat ako sabay tingin kay kuya. He doesn't questioned me. Nakatingin siya sa labas at tila ba malalim ang iniisip. Kabadong kabado ako ng makarating kami sa tapat ng bahay ni Bree. Kumunot ang noo ni kuya pero hindi pa din siya nagsalita. "Kuya bayad ko.." naglabas ako ng 200 pesos para idagdag sa bayad niya. Medyo malayo kasi ang Vista mula sa amin. Tumaas ang kilay ni kuya at ngumuso.  "Itabi mo yan, Astrid. Wag mo ako insultuhin." halos malaglag ang panga ko. Insulto? That's what siblings do. Tulungan diba? Paano ko siya naisunlto? Nagalit ba siya? Mukha kasing nairita siya. Magsasalita sana ako ng.. "You are here too.." napatingin ako kay Rajan. Lumapit siya sa akin sabay baling kay kuya. Nagbalik balik ang tingin ko sa kanila. Parehong seryoso at nakatakot ang mga mata nila. Nakatitig sila sa isa't isa na tila ba naghahamunan. Lumunok ako ng bahagya at tumikhim para ibsan ang tensyon sa amin tatlo. May tensyon ba talaga? O ako lang ang natetesyon? "Uh, Raj.. Kuya Anton ko pala." salita ko sa kanya. Ang matapang na mata niya ay bahagyang umamo. Bumuntong hininga siya at inabot ang kamay kay kuya. "Kuya.. A-ano.. Si Rajan kaibigan ko."halos magbuhol buhol ang dila ko. Napatingin ako kay kuya na sunod sunod ang pag igting ng panga. Tinignan lang niya ang kamay ni Rajan at hindi inabot. Bumaling siya sa akin na galit ang mga mata. "Susunduin kita mamaya." malamig na salita niya tsaka ako tinalikuran. Tinanaw kong ang taxi hanggang makalayo. "Masyadong seryoso ang kuya mo," ngumiti ng tipid si Raj at umiling. "Ano, hindi naman.. Mabait naman yun.." sagot ko. "OMG! This is the best weekend!" tili ni Bree ng salubungin kami. Halos tumumba ako ng yakapin niya ako. Pagkatapos niya sa akin ay kumapit siya sa braso ni Rajan kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. "Mommy, nandito na sila Astrid!" sigaw niya ng makapasok kami sa bahay. "Lolo, will see you later Astrid." tila ba wala lang sa kanya. She's focus on Raj. She's very fond of Raj.. At halatang halata na mahal niya ito. I looked away.. May kung anong kumirot sa puso ko. "Hi," napatingin kami kay tita Sasha ng lumabas sa kitchen nila na may suot pang apron. "Magandang umaga po.." " Morning tita.." sabay namin sagot ni Raj. Ngumiti ang mommy ni Bree. May kung ano sa puso ko ang natunaw sa ngiti niya. Ang ganda ganda niya. Even if she's wearing apron? She's indeed beautiful and classy. "Mommy, papaturo lang ako kay Raj ha?" sagot ni Bree. Nakita ko ang pagtingin ni tita Sasha kay Raj at ngumiti.. Pero.. Malungkot ang ngiti niya.. Ang weird. "Can you help me? Habang wala pa si papa?" bumaling sa akin ang mommy ni Bree na biglang lumawak ang ngiti. "Sige po," sagot ko at dumiretso sa kitchen nila. Napanganga ako sa laki at ganda ng kitchen nila. Kumpleto ang gamit sa pangluto. Name all you need in the kitchen, mukhang lahat ay mayroon sila. Umikot si tita Sasha sa mixer at chineck ang ginagawa niya. Para akong tanga na nakatingin sa kanya. I don't know pero may bahagi sa puso ko na nagsasabing kilala ko siya.. May bahagi sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. "Marunong kaba magluto?" malambing na boses niya ang nagpabalik sa akin sa realidad. Mabilis akong tumango sa kanya kaya lalong lumawak ang ngiti niya. "Ang galing naman.. Sana marunong din si Bree magluto.. Ayaw kasi non sa kitchen." ngumuso siya at may hinalo na kung ano sa isang clear bowl. "Can you peel the banana?" abot niya sa akin. Tumango ako at sinimulan balatan ang mga saging na bigay niya. "Uh, may boyfriend kana?" tanong ulit niya. Hindi naman kasi ako nagsasalita at hindi ko alam ang sasabihin.. Ang alam ko lang ay gusto kong titigan siya. "Wala pa po.." sagot kong nahihiya. "Really? Maganda ka ha.. Pero tama yan, study first." kumindat siya at tumikim ng saging na nabalatan ko. Umupo siya sa stool na nakangiting nakatingin sa akin. Ang bait bait talaga niya. "Bakit niyo po pinayagan mag boyfriend si Bree?" halos kagatin ko ang dila ko sa tanong ko! Ano ba naman-- Astrid! Napayuko ako dahil pakiramdam ko ay naka-offend ang tanong ko. Tanga ko naman kasi. Bumuntong hininga si tita Sasha. "Rajan? Hindi naman talaga sila.." malungkot na ngumiti si tita Sasha.. Gulat na gulat ako. Nakuha niya ang buong at atensyon ko. Ano ibig niyang sabihin? "Ano po?" pinilit kong ikalma ang sarili. "It's long story to tell but I'll tell it to you shortly.. Me and her dad was away from her when she's still a baby.." seryosong seryoso siya. "Family problem.. Palipat lipat kami ng bansa ni Luther to escape.. We came back when Bree was six years old.. She's mad at us for leaving her habang kasama namin si Lucas.. Hindi namin makuha ang loob niya hanggang lumaki siya.. When she was fourteen.. Nakakilala niya si Rajan na anak ng college friend ko. She's so attracted to him.. Inisip ko na mapapalapit samin si Bree kapag inilapit namin si Rajan sa kanya. I asked her mother who is actually my friend and she agreed.. Rajan was matured back then at naintindihan niya. Naging ayos sa amin si Bree naging open at close siya sa amin.." Nagulat ako sa rebelasyon niya. Ano nangyari noon? At kung tutusin ay si Rajan ang kawawa dito? Pero kawawa ba talaga? Paano kung gusto na niya talaga si Bree? Paano kung-- "Until she thinks na boyfriend niya si Rajan.." She continued. "Hindi po ba unfair yon kay Rajan?"ayan na naman ang bibig ko na basta basta nalang nagsasalita. Tumango ang mommy ni Bree at malungkot na ngumiti. "I know.. Iniisip ko nalang.. That maybe.. Mainlove din si Rajan kay Bree." Nakakainggit. Nakakainggit ang pagmamahal niya kay Bree. Na kahit alam niyang mali ay hinahayaan niya. Na kahit alam niyang makasarili, para kay Bree ay gagawin niya. Though.. I feel bad for Raj.. Paano kung may gusto siya talaga? Paano kung? Pinilig ko ang ulo. "Sweetheart.." napatingin kami sa daddy ni Bree na mabilis na lumapit sa mommy niya at humalik sa pisngi. "Magandang umaga po," bati ko. Ngumiti ang daddy. "Hi Astrid.." "Kumain ka naba?" tanong ni tita Sasha kay tito Luther. Umiling si tito Luther. "Where's Bree? I want to eat with her.." luminga linga si tito na tila hinahanap si Bree. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Pero hindi ko alam kung bakit may parte sa sarili ko na nagtatanong.. Ano kaya ang pakiramdam na maging anak nila? Ano kaya ang pakiramdam na maging si Bree?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD