"I told you.. Hindi mo obligasyon magpaliwanag sa kanya." iritable si Anton nagsasalita habang naglalakad kami pabalik sa hotel kung saan kami naka check in ni Raj. Kanina pa niya kasi ako sinasabihan na hindi ko na dapat kausapin si Raj at kanina ko pa din siya pinipilit na gusto ko kausapin. Medyo gumaan nga lang ang nararamdaman ko ng hindi pa ako tinatawagan nila mommy. I concluded, that maybe Anton was right. Hindi nga kami isusumbong ni Raj. Pero bakit? He's been loyal to my parents. I know that and I've seen everything sa sandaling panahon na nakasama ko sila. Kung gaano kaclose si Raj kila mommy at daddy. Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "I know... Pero gusto ko. Please..." nag paawa pa nga ako para pumayag na siya. Umiling si Anton at umirap kaya

