"Hi, Astrid." half smiled si Raj habang papalapit sa akin. Hindi nga ako nakakibo kasi kasabay niya yung mommy niya na nakatingin sa akin at nakangiti. The last time I checked was, galit na galit at halos isuka ako ng mommy niya. Ano nangyari? Bakit sila nandito? "Astrid.. Sino sila?" bulong ni Rosie habang nakatayo din sa gilid ko. Hindi pa din ako nagsalita. Kasunod ng paglapit sa akin nila Raj ay pagdating ng sasakyan nila mommy. Bakit sila bumalik? Ano ang ginagawa nila Raj dito? "Sorry to interrupt your bussines today, Sasha.." mommy ni Raj na bungad kay mommy Sasha na papalapit na din sa amin. "It's okay.. Nandoon naman si Luther para asikasuhin 'yon." ngumiti si mommy at lumapit sa akin. "Kilala mo naman siya diba?" salita ni mommy kay mommy ni Raj habang hinihimas niya yung bu

