Instantly, nagbago ang buhay ko. After the night na sumabog ang totoong pagkatao ko, pinakilala ako ng totoong magulang ko sa mundo nila. People were shocked at first pero natuwa sila dahil nahanap ako nila mama Sasha. Until now, it feels surreal. Kailan lang ay pinapangarap ko na maging buhay ko kung ano man ang meron ako ngaun. Pero ngaun? Lahat ng gusto ko? Nakukuha ko, walang hirap. Si nanay naman, ginawa ko ang lahat para hindi siya idemanda nila papa at mama. I chose to be with them for nanay's freedom. Kahit alam kong hindi si nanay ang totoong nanay ko, mahal na mahal ko pa din siya. Hindi man siya ang nagluwal sa akin, minahal niya naman ako na parang totoong anak. Si Rosie naman ay nawindang ng malaman ang totoong pagkatao ko. Unlike kuya Jigs na alam na din pala ang totoo.

