"Ibañez?" kunot noong tanong ni tita Sasha kay tita KS habang na kay Anton pa din ang mga mata. Ako ay bahagyang napauwang ang labi sa sobra sobrang gulat. Mayroon pa ba akong hindi nalalaman? Alam ba ni Anton na ampon siya? Alam din ba niya na ampon ako? Parang sasabog ang utak ko sa dami ng impormasyon na pumapasok. Kaya ba malakas ang loob niya na sabihin sa akin na mahal niya ako? Kasi alam naman pala niya ang totoo? Kaya ba wala siyang takot na iparamdam sakin na gusto niya ako kahit magkapatid kami dahil alam niya naman na hindi totoo? Pumikit ako ng mariin sa dami ng tanong sa utak ko. Kung alam ni Anton ang totoo... Ibig sabihin... niloko niya din ako! Hinayaan niya ako sa mabuhay sa kasinungalingan. Hinayaan niya ako na mabuhay at maniwala sa hindi naman dapat! Nalaman ko ang

