Kinusot ko ang mata ko ng magising ako dahil sa vibrate ng phone ko. I groaned when I saw the time. Grabe! Sino naman ang tatawag sa akin ng alas singko ng umaga?
Besides, I want to sleep more. Nakakapagod kaya ang gumising at magbyahe araw araw. Alam kong call iyon dahil walang tigil ang pagvibrate. In-off ko din naman ang alarm para hindi nga ako magising agad.
I tried to turn it off pero nagising ang kaluluwa ko ng makita si Rajan ang tumatawag. Ano naman ang nangyari doon at tumatawag ng dis oras ng umaga?
"Ang aga aga naman," reklamo ko ng sagutin ang tawag. If I ignore the call, malamang ay kukulitin lang ako niyan sa school. He's so persistent to annoy me. Minsan nga nawawala ang pagka crush ko sa kanya sa kakulitan niya. I like him being the mysterious type. Ngaun kasi ay para siyang libro na nakabukas sa akin na pwede kong basahin kailan ko man gustuhin.
He chuckled on the other line. "Good morning," dinig na dinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. May nakakatawa ba? Sino naman ang matatawa na gambalain ang tulog mo tapos tatawanan ka lang?
"Nababaliw kana!" naiiling na sagot ko. Umupo ako at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Wala na si nanay sa higaan. Malamang ay nag-aayos na iyon ng paninda.
"Yeah, kasalanan mo 'to." natatawa pa din siya kaya umirap ako. Hindi na talaga ako makakatulog.
Tumikhim ako at kinalma ang sarili. I want him to stop but I can't stop him. Alam mo yung feeling na gusto mo na ayaw mo?
"Raj.." sagot kong malumanay. Ayoko ng mga hirit niya. I don't want to believe in him. I don't want to cross the line. Ayoko nito, ayoko ng mga ginagawa niya. Nakukunsenya ako because I feel that I'm betraying my friend Bree.
But Rajan literally crossing the line na ako mismo ang gumuhit. Hindi ko alam kung seryoso ba siya pero ayoko siyang papasukin. Hangga't kaya ko, I will block his way.
Huminga si Raj ng malalim sa kabilang linya. "Fine," tumikhim siya. "Why always stopping me? Hindi naman kita pinipilit. Pero 'wag mo din akong pigilan."
Napabuntong hininga nalang ako at hindi na sumagot pa. See? That's how stubborn he is.
"I'm outside, don't know where's your house and I don't know if you want me to be there-"
"Wag!" literal na napalakas ang boses ko. Grabe! san outside siya naroon? Seriously?
"See? So hindi na ako nag effort to find you.. I will just annoy you so you will come to me.."
"Pupunta ako kila Bree."
"Alam ko."
"Alam mo naman pala. Bakit ka nasa labas? Saan labas kaba?" hindi ko maiwasan mataranta. Baka mamaya nagbibiro lang iyon at magulat nalang ako na kumakatok na siya sa pinto.
"I'm fetching you. Lets have breakfast together.."
"Raj.." sagot ko ulit.
"I'm not going to leave here, you'll come to me or I'll come to you.. Your choice baby.."
"Kulit mo."
Natawa siya sa kabilang linya. "Napansin ko nga. Seyo lang naman."
Umiling nalang ako pero napangiti ako. Hindi ako sanay na may nangungulit sa akin maliban kay Rosie at Nam. Ngaun, pakiramdam ko ay pumasok ako sa ibang mundo. Rosie, Nam and Nanay were my comfort zone. Sa kanila lang umiikot ang buhay ko. But lately, kuya Anton and Rajan somehow added to my list.
Kaso, hindi ako sigurado kay kuya Anton. He became cold and distant again. Hindi na niya ulit ako kinakausap like he used to.
"I'm exactly where I dropped you off last time. Take your time baby.. I won't leave until you came." diretsong ingles na sagot niya. Pinatay ko nalang ang tawag at hindi na sumagot pa. Sumasakit ang ulo ko sa kulit niya.
"Aga aga mo yata?" tanong agad ni nanay ng lumabas ako sa kusina. Magpapaalam lang kasi ako na maaga ako aalis.
"Uh, maaga po kasi ako pinapupunta kila Bree." kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Hindi na yata tama na nagsisinungaling ako kay nanay. Pero bakit nga ba ako nagsisinungaling? Kahit ako ay hindi ko alam.
Nanliit ang mga mata ni nanay kaya napaiwas ako ng tingin. "Siya ba ang kausap mo sa cellphone mo?" tanong niya.
"Po?" nagtatakag tanong ko.
"Diba may kausap ka sa cellphone mo?"
"Narinig mo, Nay?" kinakabahan tanong ko. Pakiramdam ko alam ni nanay na nagsisinungaling ako.
Umirap si nanay kaya gusto kong matawa. Miss na miss ko na ang pagsusungit niya.
"Malamang, eh ang lakas kaya ng bunganga mo. Pati nga si Anton ay nagising sa boses mo." sagot ni nanay habang nakatingin sa akin. Nagtataka pa ako kasi nakatitig siya na para bang binabasa ang reaksyon ko. I smiled awkwardly to lessen the intense feeling. Ang weirdo. Pangalan palang ni kuya Anton ang naririnig ko, humahataw na sa kaba ang dibdib ko.
"E-eh.. Nasaan siya?" tanong ko.
Kumunot ang noo ni nanay. "Eh? Bakit parang ninenerbyos ka?"
"Hindi ah!" depensa ko. Tumalikod nalang ako at mabilis na pumasok sa kwarto namin. Narinig ko ang agos ng tubig sa banyo marahil ay si kuya Anton.
Nagtext si Rajan na naghihintay pa din siya. Grabe lang! Hindi ba niya alam na nakakapressure siya?
Nang tahimik na ay lamabas na ako para maligo. Nagtindigan agad ang balahibo ko ng maamo'y ko ang shower gel ni kuya. Maarte kasi yun sa mga gamit. Halos lahat ng gamit niya ay mamahalin. Minsan nga magtataka ako kung saan siya kumukuha ng pambili.
Mabilis na mabilis ang pagligo na ginawa ko. Feeling ko nga hindi ko nagawa ang mga ritual ko sa cr dahil sa taranta.
Paglabas ko sa banyo ay saktong paglabas ni kuya Anton sa kwarto niya. Napayakap na naman ako sa twalya sa katawan ko sa gulat. Bahagyang napauwang ang labi ni kuya ng magkatinginan kami. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin at mabilis naglakad papasok ng kusina.
I sighed. Bakit ba palagi kaming nagtatagpo kapag nakatapis lang ako ng twalya? Tapos bumigat ng bahagya ang pakiramdam ko dahil hindi niya ako binati.
Nang maayos ko na ang sarili ko ay mabilis akong umalis. Tawag na kasi ng tawag si Raj at umalis na din si nanay. Paglabas ko ng pinto ay nandun si kuya at ready na paalis.
Kakausapin ko nga sana siya pero tinalikuran niya lang ako at mabilis na naglakad. So* nakasunod ako sa kanya habang palabas ng skenita. Nataranta nga lalo ako ng maalala kong nandoon si Raj sa labas. Tapos halos kasabay ko lang si kuya. Hindi ko nga alam pero nagpapanic ang buong pagkatao ko.
"What took you so long?" agad na bungad ni Raj. Ngiting ngiti siya pero hindi ko siya mangitian kasi halos katabi lang namin si kuya. Ni hindi ko nga siya matignan eh.
Sumimple akong tumingin kay kuya. May kung anong kumirot sa puso ko ng biglang may humintong sasakyan sa harap niya.
Bumaba ang bintana ng sasakyan at napanganga ako dahil isang babae ang sakay noon. "Kanina kapa?" tanong ng babae kay kuya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa hindi ko alam na dahilan. Parang may narinig akong nabasag. I don't know kung ano iyon.
Malamig ang mga mata ni kuya pero hindi niya talaga ako tinitignan. "Your just on time.." sagot niya tsaka sumakay sa sasakyan. Hindi niya talaga ako pinansin o tinignan. At hindi ko din alam kung bakit ang bigat bigat ng loob ko. Pakiramdam ko nga maiiyak ako na parang tanga.
"Ayos ka lang? Diba kuya mo iyon?" nabalik ako sa realidad ng magsalita si Raj. Tapos hindi ko napansin na nakaharap siya sa akin at malapit na malapit.
"Tara na." pag iiba ko ng usapan. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko. Sino kaya yung kasama ni kuya? Bakit may kasama siyang babae? At alam mo yung sobrang ganda na babae? Para akong tanga na hindi mapakali sa nakita ko. Ni hindi ko nga namalayan na nakapasok ako sa sasakyan ni Raj.
"Somethings bothering you.." hindi iyon tanong. Tila ba kilala ako ni Raj kahit hindi naman talaga. Ako nga din hindi ko makilala ang sarili ko.
"Ayos lang ako."
"No, you're not. Ni hindi mo nga nakita ang surprise ko."
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Tumingin siya sa backseat kaya napatingin din ako at napanganga. May malaking bear na nadun at isang basket ng kung ano anong chocolates.
"Hindi naman Valentines ah?" salita ko. Tsaka hindi ako makapaniwala na bibigyan niya ako ng ganito. Wala pang nagbibigay sa akin ng ganito. Napangiti ako kahit hindi pa din nawawala sa isip ko si kuya at yung babae.
Bakit ba ayaw nila mawala sa utak ko? Ano naman kung girlfriend siya ni kuya diba? Yun nga! Naiisip ko palang na girlfriend niya--- may parte sa akin ang gumuguho.
"Why? Pag Valentines lang ba pwede magpakita ng love?"
Napauwang ang labi ko sa sinabi niya. Kailan lang like--tapos ngaun love na?
Natawa si Raj sa reaksyon ko. Pinisil niya ang pisngi ko kaya napangiwi ako. "Stop making face, Astrid. I already fell so stop making me fall again and again.."
Hindi talaga ako makarecover sa mga pinagsasabi ni Raj. Parang ako yata ang hindi siya kilala. Bakit ganyan siya? Ayoko pa din maniwala na totoo siya. Why me? Yung level ng kagwapuhan niya nakakahiya nga kahit artista ang maging girlfriend niya. Tapos ang yaman yaman niya. Bakit ako? Si Bree nga sobrang perfect na at halos itapon na ang sarili sa kanya. Bakit ako pa din?
Hindi na ako nagsalita at ganon din si Raj. Tahimik kami sa byahe. Hindi nga ako nag abala magtanong kung saan kami pupunta. Bigla nalang nagring ang cellphone niya pero hindi niya pinapansin. Okay lang nung una pero nung sunod sunod na ang pagriring ay hindi ko na naiwasan mabahala.
"Bakit ayaw mo sagutin?" tanong ko. Napatingin sa akin si Raj at bumalik sa daan ang mata.
"It's Bree." sagot niya. Napatigil ako saglit at kinain ng konsensya. Hindi ko talaga kayang tanggapin si Raj. Sigurado ako doon.
"Sagutin mo baka importante." sagot ko. Tumigil kami sa stop light tsaka siya tumitig sa akin. "Ayos lang seyo?" seryosong seryoso siya kaya medyo nailang ako.
"Oo naman! Bakit naman hindi?" sagot ko.
Pain crosses his eyes kaya parang nagsisi ako. Nakakakonsensya din kasi si Raj kapag malungkot. Hay ano ba yan!
Umiwas siya ng tingin sabay pag igting ng panga niya. "Why?" napapikit ako ng mariin sa lamig ng boses niya. Bakit ba ayaw niya kay Bree? Bakit parang ibang tao siya kapag si Bree ang kausap niya?
"What? She's with me. I'll take her there. Give me 5mins." binaba niya ang tawag at nagmadaling magdrive. Nagtataka pa ako kasi parang natataranta siya.
"Ayos ka lang? Saan tayo pupunta?" hindi ko napigilan na hindi magsalita.
"Hospital. Sabi ni Bree dalin kita doon." malamig ulit ang salita niya kaya napayuko ako. Nasira yata yung magandang mood niya kanina kaya tumahimik nalang ako.
Dumating kami sa hospital kung saan ako sinama ni lolo John para aa DNA test. Naalala ko pala! Three weeks pa bago ang result nun.
"Nasa ER sila, take care.." salita niya after niya buksan ang pinto.
"Hindi ka sasama?" tanong ko. Bakit nasa hospital sila? Ano ba ang nangyari?
Umiling siya. "I'll just see you at school. Iniiwasan ko si Bree." sagot niya tsaka mabilis sumakay sa sasakyan at iniwan akong tulala.
Guilt is eating me. Ako ba ang dahilan? Ano nalang gagawin ni Bree kapag nalaman niya? Grabe si Raj. Bakit ayaw niya tumigil?
Nagmadali akong pumasok sa ER. Nagulat pa nga ako at natigilan ng makita ko si Tito Luther, Bree, Kaio at lolo John na nakaikot kay tita Sasha na nakahiga sa bed at nakapikit ang mata.
"Sad to say that she has a dengue." sagot ni Dr. Maganda. Ano nga ulit name niya? Siya yung nagtest sa amin ni lolo John.
"What do we need to do?" kita ko ang sobrang panic at pag-aalala ni tito Luther. Si Bree ay umiiyak habang si Kaio ay tulala.
"We need to transfer her blood. Bumababa ang platelets niya so we need to do it asap."
"Then do it!" sigaw ni tito Luther.
"Calm down, Luther." singit ni lolo John.
"That's the problem now. Rare ang type ng dugo ni Sasha at walang stock sa blood bank." sagot ni doctora.
"Anong blood type niyo?" tanong ni Doc kay Bree at Kaio.
"A" si Kaio.
"O+" si Bree.
"Your mother is A-B." sagot ng doctor. Nanlaki ang mata ko kasi A-B ang type ng dugo ko.
"So what the f**k are we going to do now?" sigaw ni tito Luther.
"Ako po!" napatingin silang lahat sa akin. Even Dr. Maganda look at me. Pati si lolo John at Bree ay gulat. "A-B po ang blood type ko." sagot ko na medyo nahiya kasi lahat sila nakatingin sa akin.
Tumango si Doc at ngumiti na napatingin kay lolo John na gulat na gulat hanggang ngaun.
Medyo nahilo ako after ako kuhanan ng dalawang bag ng dugo. Nakakapanghina pala iyon kaya pinainom agad ako ng gatas at pinagpahinga habang katabi ko si tita Sasha na tulog pa din.
"Are you okay now? Do you need something else?" naiiyak na salita ni tito Luther na umupo sa gilid ko. Umiling ako at ngumiti ng tipid. "Ayos lang po ako." sagot ko.
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "You don't know how much it means to me. You saved my wife. Thank you so much Astrid.." umiiyak si tito Luther. Napayakap na din ako sa kanya kasi dama ko na nahihirapan siya. Syempre sino ba naman matutuwa na nag aagaw buhay ang mahal mo diba?
Kaso nung yumakap ako kay tito Luther.. May kung ano akong naramdaman.. Para bang naramdaman ko na noon yung yakap niya. I shooked my head. Maybe* I was just exhausted.
"I don't know how will I repay you but thank you again.." he tapped my head. "Ginusto ko po iyon. Hindi naman ako nanghihingi ng bayad o kapalit. Mas malaki pa din po ang naitulong niyo sa akin. " sagot ko.
"You're such a nice kid, Astrid." ngumiti siya tsaka lumapit kay tita Sasha.
"Why do you have the same blood like my mom? Diba dapat kami ang magkadugo? Bakit hindi ako yung nakapagligtas sa kanya?" nagulat ako ng umupo si Bree sa tabi ko. Pulang pula ang mata niya at tulala.
"Hindi naman porke mag-ina kayo same na kayo ng blood type. It happens." sagot ko. Para kasing iba si Bree ngaun hindi siya jolly like she used too. Hindi ko din alam kung bakit hindi sila same ng blood type. Pero may mga cases naman siguro na ganon.
Hindi siya kumibo. Tahimik lang siyang nakatulala sa kawalan.
"May problema kaba?" tanong ko. Hindi kasi ako sanay na ganyan siya. Tapos medyo matagal na nung huli kami nagkita. At worst ay hindi pa maganda yung pagkikita namin.
"Si Raj.." sagot niya kaya napatigil ako at napa-ayos ng higa. Parang gusto ko nang kainin ako ng kama bigla. Ni hindi nga ako makasagot sa kanya.
"He's changed. I mean.. Iniiwasan niya ako? He's cold. But he's super cold now.. I don't understand.." sagot niya ulit. Lumunok ako ng laway para maibsan ang kaba.
"May alam kabang pinopormahan niya sa school? Or naglalandi sa kanya?" napatingin siya sa akin. Nag iwas agad ako dahil nakokonsensya ako.
"Wala."
"Bakit nga pala magkasama kayo?" tanong niya ulit na hindi ko masagot.
"Bree, let her rest." biglang lumabas si lolo John. Walang nagawa si Bree kundi tumayo at lumayo sa akin. Gusto kong magpasalamat kay lolo dahil hindi ko kayang magsinungaling kay Bree.
"You gave me so much hope, Astrid." nagniningning ang mata ni lolo John habang nakatingin sa akin.
I get what he wants to say. It's just that I don't want to burst the bubble kahit alam kong hindi ako iyon. Yung same blood kami ni tita Sasha? Hindi ibig sabihin noon ay ako na ang hinahanap niya.
"Is she okay?" nagulat kaming lahat ng biglang may lalaking pumasok sa room. Halata din na alalang alala yung lalaki kay tita Sasha. Tapos nagulat ako kasi kasama niya si Brent na gulat na gulat din.
"What are you doing here, Blake?" si tito Luther. Hindi siya pinansin nung lalaki at diretso lang kay tita Sasha.
"H-hey.. What are you doing here?" salita ni Brent sa akin tas medyo nagpapanic siya. Diba ako dapat magtanong noon sa kanya?
"Eh ikaw?" tanong ko.
"I'm with my dad." sagot ni Brent napatingin dun sa lalaking dumating. Dad niya iyon? Parang may kamukha siya na hindi ko maisip. O nasobrahan lang ang nawala sa aking dugo?
Nagkagulo ng ka- onti kaya umalis din agad si Brent at daddy niya. Tahimik lang ako kasi ayokong makisali sa kanila.
Nang nakaramdam ako ng inip ay kinuha ko ang cellphone ko. Inopen ko ang f*******:. Bumungad agad sa akin ang status ni kuya Anton.
Anton Isaac Dela Cruz
Fucking lies! Did they know that the truth will set us all free?
May problema ba si kuya? Clinick ko yung profile pic niya na nasa isang mall siya at nakangiti. Ang gwapo ni kuya dito. Kailan kaya niya ako kakausapin ulit? Titig na titig ako sa picture ni kuya ng bigla akong natigilan. Kasi... Kasi... Kasi.. Parang kahawig niya yung daddy ni Brent?