"Aalis na ako, Astrid." salita ni nanay pagkatapos kung mag urong. Grabe lang! Tinambak lang nila lahat ng pinaggamitan nila kagabi dito sa lababo. Kaya nung nagising ako ay sumakit agad ulo ko sa dami ng kalat.
Hindi ko pa mailigpit ang kalat sa sala kasi nandon si Rosie at kuya Jigs. Naiimagine ko pa nga ang magiging reaksyon nila pag nakita nila na magkatabi sila nakatulog.
"Sige po, ingat po kayo.." humalik ako kay nanay na poker face na naman.. Hay nako! Yan talaga ang maagang ikakatanda ni nanay ang pagiging masungit. Akala ko pa naman okay na sila kahapon ni kuya pero parang ngaun hindi na naman.
Nagtapis ako ng twalya para maligo na. Medyo maaga ako papasok at baka maipit na naman ako sa traffic. Pagbukas ko ng cr bigla akong napalundag sa gulat. Napahawak pa nga ako sa twalyang nakaka-ikot sa akin dahil muntik ng malaglag.
"K-kuya, bat nanjan ka?" gulat na gulat na tanong ko. Napamura nga din si kuya Anton sa gulat. Nakaboxer shorts lang siya while his hair still dripping with water. My goodness! Nagpa-palpitate na naman ako.
Hindi siya makasalita. Nag-iwas siya sa akin ng tingin."Nakakagulat ka." sagot ko. Hindi din ako makagalaw. Hindi ko alam kung bakit.
Huminga ng malalim si kuya Anton pero hindi pa din siya makatingin sa akin. "Ikaw talaga ang nagulat, Astrid?" mahinang nagpakawala ng mura si kuya at umabante para makalabas na siya. "Ikaw kaya ang nangugulat.."sagot niya at saka dumiretso sa kwarto niya. Ang sungit na naman!
Kahit hindi pa ako nakakamove-on ay binilisan ko nalang maligo. Pati pag gagayak ko ay mabilis na mabilis din. Ni hindi ko na nga yata nakuhang magsuklay. Ayoko kasi makasabay si kuya at naalala ko pa din ang itsura niya kanina.
Paglabas ko ng pinto ay napalundag na naman ako. Nakahalukipkip na nakatayo si kuya Anton habang may kung anong pinipindot sa cellphone.
"Tara na?" salita niya. Kumunot ang noo ko. Parang wala naman na yung nangyari kanina sa kanya. Siguro ako lang talaga ang wierdo sa amin dalawa.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Diba ay papasok siya? Bakit nakasabay siya sa akin ngaun? Medyo madami nang tao ang nakakasalubong namin kahit hindi pa ganoon kasikat ang araw.
"Hahatid kita sa school, what time uwian mo?" tanong niya. Natulala ako saglit dahil naghuhurumentado na naman ako. Ano ba ang ginagawa ni kuya? Bakit ang weird niya? At mas lalong weird yung nararamdaman ko.
It's scares me yet it makes me feel something foreign, something I shouldn't feel. But somehow, this feeling makes feel alive. May hindi talaga normal sa akin.
"Umh, okay.. Alas singko ang uwian ko.." sagot ko. Pinipilit maging normal kahit ang daming tanong sa utak ko.
Sumakay kami ng taxi kaya medyo mabilis ang byahe. Ang convenient din pala sumabay kay kuya kasi ayaw niyang nag bubus or jeep. So ayun maaga talaga kaming nakarating sa school.
"Be here at 5, baby.. Be good and be safe for me.." he tapped my head. Pinanuod ko siyang sumakay sa taxi habang pinipigilan lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k.
Huminga ako ng malalim at pumikit. He's just being your kuya okay? Wag kang mag-adik, Astrid! He's calling you baby and he's being nice to you kasi bunso ka niyang kapatid! Pilit ko iyan sinasaksak sa kokote ko na hinangin na yata!
"You didn't came here yesterday.." napatalon na naman ako sa gulat. Ano ba yan! Palagi nalang akong nagugulat nitong mga nakaraang araw. Feeling ko ma-oospital na ako dahil any time soon maatake na ako sa puso.
"Raj,"
"Glad you still know me," tumaas ang kilay ni Rajan. Bakit naman hindi ko siya makikilala? Adik din tong lalaki na'to.
Lumakad ako ng medyo mabilis ng hindi pinapahalata sa kanya. Naiilang kasi akong kasabay siya. Bukod sa alam ng school na boyfriend siya ni Bree ay madami pa din ang mga babaeng humahanga sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Ako nga crush ko siya.. But I know where to place my self. And that is not beside him.. I know that he's off limits from the very beggining. Kaya nga siguro hindi lumago yung feelings ko sa kanya.
"Malapit na talaga akong maniwala na iniiwasan mo ako," he continued to talk and follow me. Hindi ko naman siya gustong iwasan.. Hindi lang din kasi ako pwedeng mapalapit sa kanya kahit gustuhin ko.
Huminto ako ng nagbell para sa morning prayer ng school. Ganoon din si Raj, huminto siya sa gilid ko. Tahimik akong sumasabay sa dasal.
"Wag mo nga akong tignan," salita ko. Nawawala kasi ako sa dasal kasi titig na titig siya sa akin.
He clenched his jaw and look forward and started to join the prayer. After that, lumakad ulit ako pero nakasunod pa din siya. Tigas ng ulo ah! Paano nalang kung nandoon na si Bree? Paano ko eexplain kung bakit kasabay ko si Raj na pumasok?
"Kung hindi mo ako iniiwasan ano ginagawa mo?" humarang siya sa dadaanan ko kaya natigil ako sa paglalakad. I never thought Rajan has this side of him. Ang kulit!
Pinagtitinginan pa kami ng mga studyante kaya lalo akong naiilang.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. "Hindi naman kita iniiwasan.. I'm just putting my self into line."
"And that line didn't cross my line?"
Umirap ako at nangigniting umiling. Sobrang frustrated kasi ng mukha niya na hindi ko ma-explain. Ang gwapo gwapo niya tas nagkakagayan siya sa isang katulad ko? Ganda ko naman yata!
"Seryoso kaba?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya at saka tinagilid ang ulo. "You think I'll be this annoying if I'm not? Nireject mo na nga ako, friendzone na nga lang ang hinihingi ko rejected pa din? How cruel baby.." tinitigan ko siya. Sobrang seryoso niya. Tapos yung puso ko nagwawala na naman kasi sa baby na yan! Ano ba meron sakin at lahat sila baby tawag sakin? Mukha ba akong sanggol?
"Grabe ka naman maka-cruel.." sagot ko ng makabawi ako. Bahagyang ngumiti si Rajan kaya napangiti ako. I guess I have no escape from him. Hindi ko din siya totally maiiwasan dahil lagi kaming magkikita at magkikita. Besides, he had done nothing wrong.
Alam ko naman ang kwento nila ni Bree. Ayoko lang mawasak si Bree.. Siya yung unang naging kaibigan ko dito.. At siya lang din ang taong tumulong sa akin nung pabagsak na ako. So to be equal.. This is the only thing I could repay her..
"Yeah, I know nabigla kita for telling you what I really feel. Is just that--- I don't really know.. I really like you.." salita niya.
"Isang salita mo pa na like mo ako, iiwasan na talaga kita!" sagot ko. Sumeryoso si Rajan at nag igting ulit ang panga. Para bang naiinis siya sa sinabi ko pero ayaw niya lang sabihin.
"Damn. Alam mo bang first time kong magkagusto? Nabasted pa agad ako?" ngumiti siya pero ang lungkot ng mukha niya kaya naman naguguilty ako.
"Hindi naman kita binasted?" sagot ko. Nakakguilty naman kasi yung itsura niya. Tapos naninibago pa ako kasi ngumingiti siya. Pagkasi magkasama sila ni Bree ang cold at stoic lang niya.
"Yeah right. Same thing baby.." malumay na salita niya kaya napapikit ako. Tatanggalin ko na sa dictionary yang baby na word!
"Bahala ka nga Raj!" frustrated na din akong tumalikod kasi nabablangko ako sa baby thing. Ano ba yan! Gusto kong i-explain yung side ko kaso hindi kami magkakaintindihan kasi binabara niya ako.
"Wag kang sumunod.. Baka makita ka ni Bree." sabi kong naiilang. Kasi naman nung nasa hall na ako malapit sa room literal na pinagtitinginan na kami. As usual, the mean girls were talking to me na akala mo naman perpekto sila.
"She can't come to school.. May sakit siya." sagot ni Raj. Napahinto ako ng sinabi niya iyon. Nag-alala tuloy ako para kay Bree.
"Bakit di mo sinabi?"
He shrugged at mukha namang hindi siya affected. Ganoon ba niya ka-ayaw kay Bree? "Kung inaccept mo lang yung friend request ko sa sss edi sana.. Nasabi ko seyo.." ngumisi siya. Umiling ako . Ako pa talaga ang may kasalanan?
"We can visit her though, maybe later?"
Umiling ako. Siguro nga hindi ko pa siya kilala. I tought he's cold at hard to be with. I was wrong, he has life pala. Akala ko ang dark lang ng mundo niya. But seeing him now? He's very different.
"Style mo, e? Bigay mo nalang ang number niya sa akin."
He sighed. Ayoko talagang maging malapit kami. Ayokong ma-attach sa kanya coz' he's always been off limits to me.
"Here," inilagay niya sa phone ko ang number ni Bree at malungkot na tumalikod at nagsimulang maglakad. Nakakainis! Bakit naguguilty naman ako ngaun? Gusto ko siyang lapitan to say sorry pero nakakatakot kasi eh.
Pumasok ako sa room. Ka-onti palang naman ang studyante kaya tatawagan ko muna si Bree. I want to ask her if she's okay. Tsaka sasabihin ko sa kanya na dadalin ko nalang sa kanila yung mga notes para di siya mapag-iwanan.
Dalawang ring lang at singot agad ni Bree yung tawag. Kumunot pa ang noo ko kasi ang ingay ingay sa kabilang line.
"Bree?" tanong kong nagtataka. Someone chuckled at the other line kaya nanlaki ang mga mata.
"Got the wrong number baby.. Got you!" natatawang salita ni Rajan kaya napatapik ako sa noo ko.
Binaba ko ang tawag kasi imbes na matuwa ako ay nainis ako. Naisahan niya ako! Bakit hindi ko naisip yun kanina?
Smooth naman ang klase maghapon. Ang toxic nga lang ni Betina at Claire na classmate pero nasasanay na ako sa kaartihan ng dalawa. Mayroon din naman na kumakausap sa akin na iba simula nung debate namin.
Hindi nga ako sigurado kung friends ba sila kasi napapansin ko kapag kakausapin nila ako, it's either may itatanong or magpapaturo lang. Okay na din iyon kesa naman wala diba?
"May party ako!" sigaw ni Betina. Hindi na ako nag abala pang tignan siya kasi wala din naman ako mapapala.
Nagpatuloy ako sa pag gawa ng notes para maibigay ko pag bumalik na si Bree or pagpunta ko bukas dahil sabado. Naglabas ng invitation si Betina at binigay sa mga classmate namin.
"Ugh. Here."inilapag niya ang invitation sa harap ko kaya napkurap kurap ako. Ano naman ang nakain nitong babae na para iinvite ako?
"Ako?" tanong ko.
Umirap siya at nag yuck face sa akin. Kinalabit lang siya ni Claire kaya umayos siya ng tingin. "Fine, obviously ikaw! Ano ba naman Astrid? Ano feeling mo? Iinvite ko yan chair na inuupuan mo?" natawa ang buong klase sa kanya.
"My God, be thankful nalang ininvite kita.. And please take care of that," turo niya sa invitation. "Baka mas mahal pa yan seyo," tumawa sila ni Claire sabay naglakad paalis.
Huh? Tinignan ko yung invitation, grabe naman si Betina na maka-mahal pa sa akin. Haler! Wala naman puso at laman loob itong papel na 'to.
Bully! Nako nako! Kung mayaman lang ako isasalaksak ko sa ngala ngala niya to'ng invitation na 'to.
Nang maghapon na ay kinakabahan na ako. Uwian na kasi, diba sabi ni kuya Anton susunduin niya ako? Eh nasa labas din ng room si Rajan, e. Paano nalang kung makita siya ni kuya? At bakit ba concern ko iyon? Ang kulit kulit ni Rajan. Kanina ngang lunch sinasabay niya ako pero tumanggi lang ako.
At dahil sa takot ko, napilitan akong iaccept siya sa f*******:. He threatened me na hindi siya aalis sa room hanggat di ko siya inaaccept. Baka kasi dumating sila Betina kung ano ano ang sabihin kay Bree. Medyo imbento pa naman yung dalawa na yon.
Kailan kaya papasok si Bree? Malapit na din ang retreat. Gusto ko na din bumalik si Rajan sa dati. Hindi ako sanay sa atensyon niya at atensyon ng school sa akin dahil sa kanya.
"Bakit nandito ka?" tanong ko at saka siya nilagpasan. Ayan na naman kasi ang mga tao na tinitignan kami. Sikat si Raj sa school at kinakain ako ng takot na baka may maling balita na makarating kay Bree. I don't want her to think that I'm betraying her.
"Waiting for you obviously," he said. Binilisan ko ang lakad ko pero sadyang malaking tao si Raj kaya naabutan niya ako.
Ano ba yan! As much as I want to spend time with him.. Hindi talaga pwede. Hindi na ako sumagot kasi mukhang naiinis na siya. Ang sungit niya kasi ngaun. Medyo bipolar pala si Rajan?
Nang makarating ako sa gate ay luminga linga ako. Wala pa yata si kuya kasi wala naman siya dito. Tapos yung cellphone ko hindi ko pa nai-charge kagabi kaya mabilis lang nalowbat ngaun.
Tumapat ang sasakyan ni Raj sa harap ko. Lalo akong natakot kasi nagbubulungan na yung katabi ko. Ang flashy naman kasi ng sasakyan niya. Siya lang yata ang may ganyang sasakyan sa school.
"Come on, Moon.. I'll drive you home.." medyo nakangiti lang siya tapos yung mata niya puno ng pag-asa. Paano ba 'to? Eh paano si kuya?
Huminga ako ng malalim at sumakay nalang. Nakakahiya na kasi at ayaw niya talaga umalis sa harap ko. Nakaharang pa siya sa gate kaya hindi tuloy makalabas yung mga nasa likod kaya abot ang busina nila.
Hindi ako nagsasalita habang nasa byahe, he just asked for direction at hindi na ako nagsalita pa. Kinakabahan pa ako dahil naiisip ko si kuya Anton. Badtrip naman talaga itong cellphone kasi nalowbat pa!
"D'yan nalang ako," kabado kong salita. Naipit pa kami sa traffic kaya medyo madilim na talaga. Huminto si Rajan sa gilid kung saan ako nagpababa.
I was about to open the door when he hold my arms. Na-estatwa ako kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. "Baby.." he said. His sad voice is melting me.. Para bang sobrang broken niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Are you rejecting me because of Bree?" he said seriously. Hindi ako sumagot kasi kinakabahan talaga ako. "if you're scared to hurt her.. Aren't you scared to hurt me?"
Napanganga ako sa sinasabi niya. Goodness! Bakit palagi nalang siyang nambibigla?
"If you don't want to get hurt, itigil muna.." sagot kong malumanay. Hindi kasi ako makapaniwala at hindi talaga kami pwede. Napaka surreal ng feeling na isang tulad niya ay magugustuhan ako.
Umiling siya kasabay ng pag igiting ng panga niya. "Make me," sagot niya. Para kasing kinonvince niya ang sarili niya na hindi siya titigil.
"I want you, not Bree. I will fix her and get you.. You'll be mine, baby.. Magiging akin ka.."
Mabilis akong lumabas sa sasakyan niya. Feeling ko talaga maling mali na sumabay ako sa kanya. Feeling ko ang gulo gulo kahit hindi naman. How can he like me that much in a short period of time? Bree was with him most of his life. I don't know their whole story pero bakit hindi nalang si Bree?
Nanghihinayang ako.. Sino ba naman ang hindi? Nagkagusto seyo yung crush mo. But the circumstances makes it hard for me. Kung sana lang ay nagkakilala kami sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Yung walang Bree sa eksena.. Edi sana.. Okay kami ni Raj.. And maybe... Someday.. Maging kami nga.
Napatingin ako sa sasakyan na huminto sa harap ko. Nagulat ako ng bumaba si kuya na seryoso lang ang mukha. Si Brent naman ay tinaas ang kamay at at binuka ang hintuturo.. "Lagot ka.." bulong niya.
Napalunok ako kasi nakalimutan ko na si kuya dahil kay Raj. Umiwas ng tingin sa akin si kuya at naunang maglakad. Umalis na ang sasakyan ni Brent kaya sumunod ako ng lakad sa kanya. Hindi ako pinansin ni kuya. He arrogantly walk on the street. Para bang sobrang badtrip niya, halos nga lahat ng madaanan niya ay tumatabi para bigyan siya ng daan. Kahit nga nag lalaway na yung mga babae na dinadaanan niya hindi niya manlang natapunan ng tingin.
Naguguilty ako at the same time sobrang nabobother. Kumain kami ng hapunan nila nanay pero hindi sumabay si kuya. Lalo akong nabahala kasi hindi ko alam kung galit ba siya or ano.
Paikot ikot ako sa kama ng gabi na. Tulog na nga si nanay sa tabi ko at naghihilik na pero ako ay dilat na dilat pa.
Lumabas ako sa kwarto para magpahangin. Hindi na kasi ako sanay na hindi ako pinapansin ni kuya. Galit ba siya? Wala naman kasi siya kanina tapos kinulit pa ako ni Raj.
Paglabas ko ay saktong papasok si kuya Anton sa bahay. Natigilan siya sandali, sa huli, lalagpasan niya sana ako pero hinawakan ko ang braso niya. Damang dama ko ang paninigas ni kuya sa ginawa ko.
"Galit kaba?" tanong ko. Hindi kasi ako mapakali knowing na galit siya. Ang bait pa naman niya sa akin tapos kasalanan ko naman talaga. I know it will pass pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong maayos kaming dalawa.
"Sorry, si Raj kasi.. Ano.. Kaibigan ko lang yun.. Tapos sinabay--" hindi ko madiretso ang pagsasalita ko sa hindi ko alam na dahilan. Ang alam ko lang gusto ko magsorry kay kuya. At hindi ko alam kung bakit ba ako nag eexplain.
Tumingin sa akin si kuya. The cold and emotionless look is on his face again. Sa tingin niya? I don't know pero may bahagi sa puso ko ang gumuho.
Huminga siya ng malalim at binawi ang braso niya na hawak ko. Lalo akong nakaramdam ng lungkot at panghihina.
"You are allowed to want friends, Astrid. I just hate my selfish self for hoping that you will want me more.." nag- igting ang panga niya.
"K-kuya.." wala akong masabing sagot. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat ko isagot. Kasi hindi ko din siya maintindihan kagaya ng feelings ko.
Umiling si kuya at bumuntong hininga. "Yeah. Right. Kuya. Fuck."