kabanata12

3418 Words
Bahagya kong dinilat ang mata ko dahil sa sinag ng araw. Makirot ng bahagya ang ulo ko dahil late na talaga ako nakatulog. Sa dami ng nangyari sa akin kahapon, hindi agad sa akin nagsink in ang lahat. Kaya nung pumasok na ito tuluyan sa sistema ko, hindi agad ako nakatulog. Napatingin pa ako sa gilid ko para tignan yung phone na bigay ni kuya. I sighed nang makita ito. I thought it was a dream pero totoo palang may cellphone na ako. Dahil sa gulat at takot ko kagabi hindi tuloy ako nakapagpasalamat kay kuya. I will do it later nalang. Kahit kapag malapit siya ay halos matunaw ako sa pinaghalong takot at kaba. Napalundag ako ng makita ko na alas nuebe na ng umaga. Late na ako! "Nay.. Bakit hindi mo ako ginising?" halos maumpog pa ako sa hamba ng pinto sa pagmamadali ko. Ayoko kasing umabsent at ayokong mapag-iwanan sa klase kahit madalas naman akong mag advance reading. "Mukha kasing pagod na pagod ka.. San kaba kasi nanggaling kagabi?" sagot niya tsaka naghiwa ng gulay. Umiwas ako agad ng tingin. Dapat pala ay hindi ko na sinita si nanay. Ano ngaun ang isasagot ko sa kanya? Na, nay.. Nag pa DNA test lang po kami ni Mr. Vera Cruz? Hay nako! Baka ikadena na ako ng nanay ko. Napansin kong ang daming lulutuin ni nanay. Tapos hindi siya nagtinda ngaun. Anong meron? "May ano, nay?" pag iba ko ng usapan. As much as possible, ayokong magsinungaling harap harapan kay nanay. Mabilis pa naman ako makonsensya. Tsaka, sa sobrang bait ni nanay.. Hindi niya deserve ang kasinungalingan ko. Mukhang hindi naman ako pipilitin ni nanay na sagutin yung tanong niya kaya nagpatuloy siya maghiwa. "Birthday ng kuya Anton mo diba?" sagot niya. Kumunot ang noo ko. Birthday ni kuya? Bakit nakalimutan ko? Kaya pala may turon na naman siya na may macapuno. Hindi naman sa nakalimutan, hindi lang talaga ako sanay na naghahanda si kuya. Usually kasi pinapalipas lang niyo ito na parang ordinaryong araw lang. Tapos binigyan niya pa ako ng cellphone instead ako ang magregalo sa kanya. "Ahh.." I said. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Tsaka hindi ko alam na may handaan magaganap. Ang totoo* hindi ko nga naalala na birthday pala ni kuya. Nakakahiya! "21 na siya kaya naghahanda ako. Ayaw nga niya, e. Gusto ko lang. Sinabi ko na din na isama ang pinakamalapit niyang kaibigan." ngumiti si nanay. "Okay na kayo ni kuya?" hindi ko mapigilan na itanong. Kasi kailan lang nag dedeadmahan silang dalawa. Hindi ko nga nalaman kung bakit naging ganoon sila. Tapos isang iglap parang wala lang? Pero mas okay na ito. Hindi ko kasi gusto na malungkot si nanay. "Okay naman kami, ah?" sagot ni nanay. Ehh? Okay daw? Sinungaling din minsan itong si nanay eh. "Huwag ka nang pumasok ngaun.. Tulungan mo nalang ako. Maglinis ka ng bahay at umarkila kila Aling Tasing ng lamesa at upuan." sagot ulit ni nanay. Napakamot ako ng ulo. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Bukod sa late na ako ay hindi ko naman kayang iwanan si nanay. Birthday din naman ni kuya.. Wala akong regalo kaya ito nalang ang maibibigay ko. "Nasaan si kuya?" tanong ko. Babatiin ko muna siya at magpapasalamat sana.. Kaso naiisip ko palang kakausapin ko siya parang natataranta ako. Grabe lang! May hang over pa yata ako ng kaweirduhan. "Pumasok," sagot ni nanay. Pumasok? Saan? Work or school? Kasi totoo lang hindi ko din alam kung san ba pumapasok si kuya. Pero nakuntento na ako sa sagot ni nanay.. Baka kasi pag nagtanong pa ako ay maweirduhan siya sa akin. Hindi naman kasi ako nagtatanong about sa whereabouts or kung ano man ang ginagawa ng mga kuya ko sa buhay nila. Ako nga nagtataka sa sarili ko kung bakit ngaun gusto ko malaman ang ginagawa nila kuya. Specifically ni* kuya Anton. Si nanay pa kaya. Ginawa ko nalang ang utos ni nanay. Kayang kaya na daw niyang magluto kaya ako na bahala mag ayos sa bahay. Pinusod ko ang buhok ko tsaka ako nagsimulang maglinis. Hindi naman kami makalat kaya hindi ako masyadong nahirapan. Halos lahat nga nang niligpit ko eh si kuya Jigs ang nagkalat. Organize at masinop kasi sa gamit si kuya Anton. At ang isang fact about sa kanya ay maselan siya sa damit. Ayaw niya ng lukot kaya palaging madaming fabric conditioner ang nilalagay ni nanay sa damit niya. Nalaala ko pa nga noong minsan ay sinuot ni kuya Jigs ang isang branded niyang pantalon. Halos magpatayan na silang dalawa dahil binutas ito ni kuya Jigs. Literal. See? May bagay naman pala akong alam sa kanya. "Mabuhay!" napatingin ako kay Rosie na may dalang dalawang lobo na kulay gold at hugis numbers. Mayroon din siyang dalang cake at kung ano-ano pa. "Ano yan?" tanong ko. Umirap si Rosie at nilapag ang lobo na number two at one. Itinabi niya ang cake at nilapag sa isang gilid ang isang paper bag na may laman mga damit at make up. "Hinahanda ko lang.. Baka ngaung gabi ay maging kami na ni Anton," humagikgik siya. Napauwang ang labi ko at napatingin ng masama sa kanya. "Charot lang!" salita niya. "Eto naman.. Jokie, jokie lang syempre.. Di nga ako type nung adonis mong kuya." bumuntong hininga siya kaya napabuntong hininga nalang din ako. Bakit ba nairita ako sa kanya? Ganyan naman talaga si Rosie kay kuya noon pa. "Eh bat dala mo bahay niyo dito?" tanong ko at nagpatuloy magwalis. Inayos na naman ni Rosie ang malaking laso niya sa buhok at nagpaputok ng bubblegum sa bibig. "Eh tutulong ako! Sigurado na tatamadin na ako umuwi kaya makikiligo at makiki-ayos na din ako dito." humagikgik ulit siya kaya napailing ako. Napatingin ako sa cake na dala niya. Talagang nag-effort siya para kay kuya. Ako naman wala manlang kahit anong maibigay sa kanya. Nakakahiya talaga! "Umarkila din ako ng videoke," pahabol niya. "Nag ubos ka ng pera para dito?" Umirap si Rosie, "Worth it naman.. Si Anton yun, e." nagkibit balikat siya habang ako ay nakatunganga sa winawalis ko. Ganito talaga kagusto ni Rosie si kuya Anton? Pagkatapos namin umarkila ng lamesa at upuan ay dumating ang videoke. Hindi na nga ako natulungan ni Rosie dahil nilamon na siya ng pagkanta. Dumating pa si kuya Jigs kaya nag aagawan sila sa mga kanta na pinili ni Rosie. Bigla kong namiss si Nam. Bigla kasi iyon umalis ng nakapag-asawa ng amerikano ang nanay niya. Isali mo pa na nagtapat siya ng paghanga niya kay Rosie kaso itong gagang Rosie ay pinagtawanan lang siya. Ayaw niya daw kay Nam at ang taba taba niya. Ngaun may cellphone na ako. Siguro naman makakausap ko na si Nam. Pagkatapos maligo ni Rosie ay ako naman ang sumunod. Sabi kasi ni nanay ay dadating ni si kuya kasama ang dalawang kaibigan nito. Wala akong masyadong kilala sa friends niya maliban kay Brent. Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko si Rosie na nakasuot ng puting blouse at skater skirt na kulay itim. Nakadoll shoe din siya at nakalugay ang buhok niyang mahaba na madalas ay may malaking laso. Nagulat ako. Hindi dahil sa ano pero ngaun ko lang nakita na disente at maayos si Rosie. Kung sa ganda? Maganda naman si Rosie, maputi pa siya at makinis. "Wag kang masyado magandahan sakin, Astrid," mahinhin siyang tumawa kaya lalo akong nagulat. Lumapit ako sa kanya at sinalat ang noo niya. "Huy! Buang ka! Wala akong sakit." natatawang sabi niya. Nakakagulat lang kasi.. Ibang iba siya. "Nagpapakadisente lang ako para hindi naman mapahiya ang future asawa ko sa friends niya," nangangarap na salita niya kaya napailing ako. Kumuha ako ng isang short at tshirt ng biglang maghurumentado si Rosie. "Ano ba yan, Astrid! Wala kabang ibang damit? Para kang maglalako ng bibingka sa kanto," Tinignan ako ni Rosie mula ulo hanggang paa tsaka siya ngumisi. Ano naman mali sa suot ko? Hinalughog ni Rosie ang paper bag niya. Naglabas siya ng isang kulay old rose na bestida tsaka itinapat sa akin. "Oh, magpalit ka nga. Baka mapagkamalan kang tsimay." natatawang sabi niya. Umirap ako kaya lalo siyang natawa. Ang totoo. Ang ganda ng bestida na inabot sakin ni Rosie. Sleeveless siya na may onting butas ang likod. Ang problema ko lang ay hahapit ito sa katawan ko. Hindi ako sanay. "Grabe.. Hubarin mo nga yan! Wala ka pang make up mas maganda ka na sakin." ngumuso si Rosie pagkapalit ko ng damit. Natatawa ako sa kagagahan niya pero sinusunod ko naman. Kagaya niya.. Nilagyan niya lang ako ng liptint at onting blush on. Ayoko kasi mag make up kasi gusto ko natural lang. "Edi kaw na maganda.." hindi ko alam kung naiinis si Rosie o natutuwa pag katapos niya akong ayusan. Napatitig pa nga ako sa salamin kasi plinantsa niya din yung buhok ko. Ang ganda ko pala kapag naayusan. "Parang galit ka?" sagot kong natatawa. Ginusto mo yan eh. Siya kaya pumilit na ayusan ako tas apura naman reklamo niya. "Sinong hindi magagalit? Kanina ako lang maganda, tapos ngaun mas maganda kana.." ngumuso siya pero sa huli sabay kaming natawa. Nakarinig kami ng ingay sa labas kaya nagkatinginan kami ni Rosie. Tapos di namin namalayan na alas singko na pala ng hapon. "Astrid! Lumabas na kayo ni Rosie! Nandito na ang kuya Anton mo at kaibigan niya." sigaw ni nanay kaya natigilan ako. Si Rosie ay excited habang ako naman ay biglang kinabahan. Bigla ko tuloy gustong hubadin itong suot ko at make up. "Tara na! Wag kang mahiya .. Ako nga hindi nahihiya kahit medyo maganda ka sakin ngaun.." humagikgik siya kaya napangiti ako ng bahagya. Bakit nga ba ako kakabahan? Bahay ko naman 'to! Si kuya lang yon. Yun nga! Kinakabahan ako kay kuya Anton. Ugh! "Happy birthday to you.. Happy birthday to you.." nagulat ako ng biglang kumanta si Rosie pagkalabas namin. Naglingunan tuloy ang kasama ni kuya sa amin. Huling lumingon si kuya na bahagyang pang napauwang ang bibig. Yumuko ako dahil sa hiya. Pakiramdam ko pa namula ang pisngi ko. "Grand entrance, Rosie?" singit ni kuya Jigs na medyo iritable. "Ganda mo, Astrid ah." salita ni kuya Jigs habang kumakain ng pansit. Lalo tuloy ako nahiya. "Si Astrid lang?" singit ni Rosie. Talagang ito ang pagaawayan naman nila? May bisita kaya si kuya. "Malamang.. Astrid lang sabi ko diba?" umirap si kuya Jigs at tumayo. Umirap si Rosie at bumaling ulit kay kuya Anton. Dalawang lalaki ang kasama niya. At tama ako dahil isa doon ay si Brent. "Happy birthday, Anton!" masayang bati ni Rosie. Ang mga mata ni kuya at nakatingin pa din sa akin. Hindi ko mapaliwanag kung gulat ba siya o ano pero talagang literal na nakauwang ang bibig niya habang nakatingin sa akin. Umakbay si Brent sa kanya tsaka bumulong. Natawa si Brent kaya sinapak siya ng mahina ni kuya Anton. "Thanks babe, you got him speechless. So ako na magpapasalamat in behalf of him." salita niya kay Rosie na bahagyang namula ang pisngi. Kumindat pa nga siya kay Rosie kaya si Rosie ay parang lumutang at napunta sa ibang planeta. Eh sa gwapo ba naman ni Brent talagang maliligaw siya ng landas. Knowing Rosie? Hay nako! "Shut up, Brent." sagot ni kuya na tila ba natauhan na. "Care to introduce her?" nguso ni Brent sa akin kaya pakiramdam ko ay parang kamatis na ang itsura ko sa pula ng pisngi ko. Hindi ako sanay sa atensyon. "You f*****g know her. Mali talagang sinama kita dito." iritableng sabi ni kuya. Humawak si Brent sa dibdib niya na tila ba nasaktan. "Ouch dude! Just ouch!" natawa siya ng bahagya ng sinamaan siya ng tingin ni kuya. "Our friend here doesn't know her though." napatingin ako sa isang lalaki sa likod nila. Unlike Brent, mukhang snob ang isang ito. "Fine!" iritable pa din si kuya na lalong nagpatawa kay Brent. "Such a jealous pussy." sagot niya ulit kaya nagpakawala ng mura si kuya. "Huy, labas muna ko. Malapit na ma-drain ang dugo ko kakasalita ng kaibigan ni Anton." seryosong bulong ni Rosie kaya naman natawa ako ng bahgya. Nang mapatingin ako kay kuya ay nakakunot na ang noo niya at seryosong nakatingin sa akin. "Astrid.. This is West." maikling pakilala niya sa snob na lalaki. Ngumiti ako ng tipid at tumango lang si West. "Astrid only? Nothing more nothing less?" natatawang singit ni Brent. Nagmura ulit si kuya at tinaas ang middle finger niya sa mukha ni Brent na lalo niyang ikinahalakhak. I met Brent. Pero hindi ko alam na ganito pala siya ka playfull. Paano kaya natotolerate ni kuya yan? Eh sobrang seryoso pa naman ni kuya. "Astrid, come join us.." sigaw ni Brent pagkatapos ko magligpit ng kalat. Nandon na kasi silang lahat sa labas. At pati si Rosie ay nag coconcert na sa sobrang ingay. Nagkunwari akong hindi ko siya narinig dahil nahihiya ako. Tapos ayan na naman yung masungit na mata ni kuya Anton. Kaso.. Talagang makulit din si Brent at pumasok pa sa loob para sunduin ako. "Naks. Maganda na masipag pa. What more can you ask for? Join us?" malaki ang ngiti ni Brent habang nakatingin sa akin. Nahiya naman ako bigla kasi sinabihan niya akong maganda. Hindi kasi ako sanay.. Mostly kasi nilalait ako sa school. "She can't. May school kapa bukas diba?" salita ni kuya. Kumunot ang noo ni Brent ng hindi ako nakasagot. Paano naman ako sasagot eh parang ayaw naman ako ni kuya nandon. Sungit! "Ah.. Eh... Oo?" sagot ko. "Damn dude! Siya naman mapupuyat hindi ikaw. Calm your t**s and find your missing balls. I'm not doing this for myself. I'm doing it for you.. Bastard." umiling siya sabay hila sa akin kaya wala kong nagawa kundi sumunod. "Hands off!" malamig na salita ni kuya kaya mabilis akong binitawan ni Brent. "Okay, Okay, Chillax fucker." tinaas niya ang dalawang kamay niya tsaka umiling at umupo sa pwesto niya. Tumabi ako sa pwesto ni Rosie, sa isang gilid ko naman ay si kuya Anton na pany ang pag- igting ng panga. Nagsimula silang uminom. Hindi ko naman alam ang tawag kasi si Brent ang may dala. Si kuya Jigs kausap naman si West na akala mo matagal na sila magkakilala. Nang napagod na si Rosie kumanta ay sumama na siya sa inuman. "Laro tayo?" parang may tama na si Rosie kasi hindi na maka-steady ang mga mata niya. Hindi naman ako makasagot kasi nasa gilid ko lang si kuya. Sobrang tahimik niya. Magsasalita lang siya kapag kinakausap o may itatanong si Brent. "What game?" tila ba nawala ang lasing ni Brent at nabuhayan. "Ano naman laro Rosie? Bahay bahayan?" naiiling na salita ni kuya Jigs. "Gusto mo ba? O sige ako nanay. Si Anton ang tatay.. ikaw ang hardenero, okay na?" sagot ni Rosie na nagpatawa kay kuya Anton, Brent at West. "Nanayin mo mukha mo!" iritableng sagot ni kuya Jigs. "What game?" excited na tanong ni Brent. "Spin the bottle." masiglang salita ni Rosie. "That's juvenile." nawala bigla ang sigla ni Brent. "Can I get your number instead?" sagot ni Brent kay Rosie. Nalaglag ang panga ni Rosie habang naiiling si kuya sa gilid ko. "Don't you ever trust that fucker, Rosie." sagot ni kuya Anton. "That's foul man, atleast I got my balls on me.." umarte na naman si Brent na nasaktan tsaka natawa. Ang cute cute niya. "Huh? Oo naman, Anton. Ba't ko naman ibibigay number ko sa kanya? Edi nawalan ako ng number. Mayaman ka naman kaya bumili ka nalang." sagot naman ni Rosie kaya lahat kami ay literal na natawa na. "Tanga mo talaga!" tawang tawa si kuya Jigs. Umirap si Rosie kay kuya Jigs at dumampot ng bote. "Truth nalang tayo kasi delikado magdare dito.. Alam niyo naman.." salita ni Rosie. Pinaikot na niya ang bote kahit wala naman sumang ayon. Nahuli ko si Rosie na nakatingin kay West na nakatingin din pala sa akin. Huminto ang bote kay West kaya pumalakpak si Rosie. "Okay, magtatanong na ako.." "No, ako magtatanong.." ngumisi si Brent na para bang wala siyang gagawin matino. Nagmura na agad si kuya kaya lalong ngumisi si Brent. "Dude, can you describe Astrid in one word?" tanong ni Brent kay West. Kumunot ang noo ni West at tila ba nag iisip. Bakit ako? Baliw tong si Brent. Nanahimik ako dito e. "Mine." sagot ni kuya Anton kaya napatingin ako sa kanya. Tapos yung puso ko naghuhurumentado bigla. Lahat din sila napatingin sa kanya. "I mean.. Mine.. A-ano.. Akin yung tagay.." sagot niya na utal utal kaya natawa ng malakas si Brent. Siguro lasing na si kuya kasi utal utal na siya magsalita. "Sure." naiiling na salita ni Brent. So ayun inikot ulit yung bote kaya sa akin naman natapat. Napalunok ako kasi si Brent ulit nagprisinta magtanong. Juvenile daw pero siya kaya ang pinaka nag eenjoy. Tumingin muna si Brent sa akin tsaka niya hinimas yung baba niya. Kahit mapula na si Brent gwapo pa din siya. Actually gwapo din si West. Pero kung ako tatanungin.. Mas gwapo si kuya sa kanila. Kuya ko e? "Is it okay with you to be friends to West?" tanong ni Brent. Bakit ganyan ang tanong niya? What's the sense? Hindi ba pwede academics? Napatingin ako kay West na nakataas ang isang kilay at isang sulok ng labi. May kung anong binulong si kuya na hindi ko naintindihan. "Syempre naman.." ngumiti ako at uminom ng softdrinks sa harap ko. Hindi kasi ako pinayagan uminom ni kuya Anton. Ang daya nga kasi si Rosie okay lang sa kanya. Nagulat ako ng biglang tumayo si kuya at pumasok sa bahay. Si Brent naman ay uminom ng alak habang natatawa. "Tangina! Hindi pa nga sa kanya selos na selos na.." bulong niya na nadinig ko naman. Hindi ako mapakali kaya tumayo din ako. Besides inaantok na ako at may pasok pa ako bukas. Nag paalam ako na mag ccr lang ako kahit ang totoo ang hahanapin ko si kuya. Nakita ko siya sa kusina sunod sunod ang pag igting ng panga niya. "Do really want to be friends with West?" tanong niya bigla. Bakit ganyan ang tanong niya? Game lang yon diba? Alangan naman huminde ako edi mapapahiya si West. Kaya pala magaling mag english si kuya. Bukod sa matalino na siya. Nahawa na siguro kaka english ni Brent. "Uh, hindi naman.. Pero ayos lang.." sagot ko. Nag- igting ulit ang panga niya pero di na ulit nagsalita. "Ano pala.." kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Napatingin si kuya sa akin ng seryoso. Paano ko ba sisimulan? Pakiramdam ko ako ang lasing dito dahil malapit na ako matumba sa kaba. "Happy birthday.. At thank you sa phone.." salita ko. Napauwang ulit ang labi ni kuya. May nasabi na naman ba akong masama? Tumayo siya kaya nakulong na naman ako sa dinding at hindi nakagalaw. "I like it when you're not calling me kuya, baby.. It sounds so good.." tumayo ang balahibo ko kasi naman ang lapit lapit ni kuya. Tapos yung hininga niya na pinaghalong mint at alak lalo lang pinakaba ang dibdib ko. "Huh?" takang tanong ko. Ngumisi si kuya at umiling. "God baby.. What have you done to me? At bakit ang ganda mo?" salita niya ulit pero hindi ako maka-imik. Sobrang bilis ng t***k ng puso... Hindi na normal.. Ibang t***k na.. "Babalik kapa sa labas?" tanong niya ulit. Umiling nalang ako kasi umatras na naman yung dila ko. Humulma pa nga yung perpektong panga niya ng ngumiti siya, "Good girl. Coz I'm this close to kick Brent's ass." "Can I ask you something?" tanong ni kuya. Kinagat pa niya ang pang-ibabang labi niya na parang kabang kaba. "A-ano?" goodness! Kelan ba ako makakapagsalita ng maayos sa harap niya. "Can I kiss you?" salita niya kaya nalaglag ang panga ko. Natawa ng bahagya si kuya sa reaksyon ko pero halata pa din na kinakabahan siya. Hindi naman ako makapagsalita at literal na kinakabahan ako. What the hell? Bakit hindi ako makatanggi? Kuya ko siya pero bakit ayos lang sa akin? Wala naman malisya diba? Pumikit nalang ako para di ako kabahan masyado. Bahala na nga! Birthday naman niya. Isang mahinang halakhak ni kuya ang narinig ko kasabay ng pagdampi ng labi niya sa noo ko. "Good night baby.." mabilis siyang tumalikod sabay pakawala ng mura. Mabilis akong napainom ng tubig. Bakit iba ang kiss na naisip ko? Ako yata may malisya dito. Maling mali.. Ako yata ang lasing, e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD