kabanata 11

2820 Words
Dug.. Dug.. Dug.. Kabang kaba ako habang sinusundan si lolo John na pumasok sa loob ng ospital. Tama ba ang naging desisyon ko na pumayag sa gusto niya? Masyado ba akong pabigla bigla? Kasi, habang nasa byahe kami papunta dito ay naiisip ko lahat ng possibilities na pwedeng mangyari sa DNA test na ito. Though, alam ko naman sa sarili ko na talagang anak ako ng nanay ko. Sino ba kasi ang hinahanap niya? Sino ba ang nawala? Bakit hindi niya masabi kay tita Sasha? Ano ba talaga ang nangyari noon at ganito katindi ang epekto kay lolo John? Akala ko perpekto ang pamilya nila pero nagkamali ako. Kung titignan mo mabuti, mas mahirap ang mental at emotional torture ang nangyayari both sides. I mean, kung ano man ang mga ginagawa ni lolo ay siguradong may dahilan. Yung nga lang, never sila nagmeet sa gitna ni tita Sasha dahil hindi sila nagkakaintindihan. Hays.. Kahit ako naman hindi ko sila maintindihan. "Where are you son?" napatigil ako sa paglalakad ng huminto si lolo sa isang kwarto. The people around the place seems normal. Si lolo John naman medyo mukang okay na at kalmado. Ako nalang yata ang parang mahihimatay sa gagawin namin. Bakit nga ba ginagawa ko ito? Bakit may parte sa puso ko na naawa kay lolo John? Bakit may bahagi sa akin na hindi siya kayang tanggihan? Ang daming bakit sa utak ko pero sa huli, nananaig pa din sa akin yung kagustuhan kong matahimik si lolo. Mukha kasing totoong mabigat ang pinag dadaanan niya kahit ayaw niya naman sabihin ng diretso. Besides, wala naman mawawala sa akin kung susundin ko si lolo. Medyo nakokonsensya lang ako dahil hindi ko alam kung kaya kong sabihin kay nanay ang pangyayari na ito sa buhay ko. "We're in hurry son.. Mauuna kami. I don't want Astrid to go home late. Baka magalit ang pamilya niya." sagot ni lolo. Siguro si tito Eros ang kausap niya. "Okay.. Just be here for me at least. Be safe son." tapos binaba na ni lolo yung tawag. Nakaka-bother pa lalo yung mga body guards niyang naka-ikot sa amin. Lalo tuloy ako kinakabahan sa kanila. Kasi feeling ko may mangyayaring hindi maganda kasi ang dami dami nila. "Are you sure, Astrid? Wala na itong atrasan.. This thing could change your life in an instant kung ikaw talaga siya." seryoso si lolo. Ngumiti ako at tumango. Hindi ko na masyadong dinibdib yung "this thing could change your life" . Alam ko naman na hindi ako ampon. Aasa lang ako kapag pinaasa ko ang sarili ko. Besides kaya lang naman talaga ako nandito para matahimik din si lolo. Diba nga sabi niya kung hindi ako yung hinahanap niya, he'll stop. Pumayag ako kasi gusto ko nang tumigil na si lolo. Kitang kita ko naman kasi sa kanya kanina na sobrang pagod na siya. "Good morning Mr. Vera Cruz.." isang magandang babae ang bumati kay lolo John ng makapasok kami sa loob ng kwarto. Napatingin ako sa table nung magandang doctora, Dr. Kenneth Shane Villarama- Mercado. Grabe. Parang ka-age niya lang si tita Sasha pero pareho silang sobrang ganda. Tumingin sa akin ang doctora at ngumiti kahit bahagyang nakakunot ang noo niya. So ngumiti na lang din ako kahit nagtataka ako. "Again, Mr Vera Cruz?" sumeryoso siyang nakipag usap kay lolo John. Umupo muna ako sa bean bag dun sa gilid kasi nag uusap sila. Good thing parang kasali ako sa usapan kasi naririnig ko naman ang pinag uusapan nila. "Pang 164 na siya." sagot ulit nung magandang doctora. "I don't want to meddle sir, but.. Aren't you tired of looking for her?" Umiling si lolo John." As much as I want to get tired. I couldn't, you know that.. But I promise you that she's the last. I'm not getting younger anymore.. Maybe I'll accept the fact that I will never see her again.." seryoso lang si lolo pero ayan na naman yung malulungkot niyang mga mata. Sa usapan nila mukhang may alam si doc sa kung ano man ang problema ni lolo. Tingin ko kasi nagkakaintindihan sila. "Alright. I hope she's the one." tumingin sa akin yung doctora at bumalik ang tingin kay lolo sabay ngumiti ng tipid. Yung way ng pagngiti nung doctora, parang alam na alam niya yung pain at paghihirap ni lolo. Pumunta kami sa isang laboratory kung saan tatlo kami ang nandoon. I don't know pero feeling ko top secret ni Doc at ni lolo John itong ginagawa namin ngaun. Wala kasing ni isang nurse na pwedeng tumulong sa kanya. As in kami lang talagang tatlo ang nandito. Kumuha si Doc ng isang malaking parang cotton buds. Medyo napangiwi pa nga ako kasi naiimagine ko para siyang cotton buds na pang lilinis ng tainga. Binuksan ni lolo yung bibig niya na para bang sanay na sanay na siya sa ganito. After no'n kiniskis ni doc yung buds sa side ng bibig ni lolo. Tapos nilagay niya yung buds sa loob ng isang ziplock. "Hi, what's your name?" tanong ni doctora na maganda sa akin nung turn ko na. Parang uminit sa lugar kahit ang lamig lamig ng aircon. Sobrang kinakabahan kasi ako kahit hindi naman dapat. "Astrid po." sagot ko. Ngumiti ulit si Doc at hinanda na yung buds na hawak niya. "This won't hurt you," nakangiti siya. "I hope you're the one, Astrid.." salita niya. "Lets proceed.. Open your mouth.." salita niya. Ibubuka ko lang naman yung bibig ko pero hirap na hirap ako. Sa huli we did the drill like she did to lolo John. After the rituals.. Inilagay niya din sa isang ziplock yung buds na ginamit sa akin. "How long will it take?" tanong agad ni lolo. "We've done this for so many times Sir but still couldn't remember?" "I'm just excited for the result." sagot ni lolo. Nawala ang ngiti ni doc. Para kasing ganito lagi ang sineryo na nasasaksihan niya kaya malungkot ang mga mata niya habang nakatingin kay lolo. "Still two months sir.. I'll send it to US asap. Ayaw niyo naman kasi dito kasi ayaw niyong may makaalam. Masyado kasi kayong high profile. So we have to wait again until they send back the result to me." "That's the max?" Tumango si doc." It is sir.. I'm sorry.." "Alright then... Maghihintay ako. That's what I've been doing in my whole life though.." malungkot ulit ngumiti ang doctora sa kanya. After that lumabas kami sa fire exit ng hospital. Hindi ko sure kung bakit pero sabi ni lolo for safety daw kaya nagtiwala naman ako. Mas natatakot ako para kay lolo kasi ano ba naman ang mapapala ng mga masasamang loob sakin? Wala naman. "Salamat, Astrid. Hindi mo alam kung gaano kahalaga sakin ito." he genuinely smiled at me. May parte na naman sa puso ko ang kumirot pero sumaya at the same time. Feeling ko kasi kahit hanggang ngaun hindi ko pa din maintindihan si lolo ay napasaya ko siya. "Wala pong ano man," sagot ko. Wala naman ako talagang ginawa. Kinuhanan lang ako ng laway pero parang binigay ko ang mundo kay lolo John kung makapagpasalamat siya. "You're such a nice kid, Astrid. Kung ano man ang maging resulta ng test. I will still help you in every possible way I can help you. I just hope na ikaw talaga ang hinahanap ko. Sana ikaw na siya.." That's the last thing na sinabi ni lolo kasi hindi na ako nagsalita. Puno kasi ng hope ang mga mata ni lolo kaya hindi ko kayang sumagot. I don't want to break his hope. Alam ko naman na hindi ako ang hinahanap niya kaya ayokong masira yung mood niya. In a short period of time, napalapit ako kay lolo. I felt that there's this strings that connecting us. Kahit hindi kami maglolo talaga.. Pakiramdam ko totoong lolo ko talaga siya. Madilim na ng maihatid ako ni lolo sa amin. Medyo naglakad pa ako dahil hindi naman makakapasok ang sasakyan niya sa eskenita patungo sa amin. Tsaka, kahit naman makakapasok ito ay hindi ko hahayaan. Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila kapag nakita nila na bumaba ako sa isang magarang sasakyan? Hindi pa ako makapagtext dahil nasira ang cellphone ko nung bago magpasukan. Hindi pa ako makabili kasi wala pa akong pambili at inuuna ko ang gastos sa school. Kabang kaba nga ako kung paano ako magpapaliwanang kay nanay. Feeling ko kasi mag aalas nuebe na ng gabi. Eh hanggang alas kuatro lang naman talaga ang pasok ko. Tapos paano ko mag eexplain? Hindi ko naman kaya magsinungaling at never ako nagsinungaling kay nanay. Pero sa punto na ito ng buhay ko. Alam na alam ko na kailangan ko magsinungaling dahil baka mapatay ako ni nanay. Literal. Napakunot ang noo ko kahit malayo pa ako ng makita kong nagkakagulo sa tapat ng bahay. Nasa labas si nanay at kuya Jigs kasama si Rosie na tila natataranta. Si kuya Anton naman nakaupo lang at tila malalim ang iniisip. "Nay!" sigaw ko agad. Lahat sila ay napatingin sa akin. Huminga ng malalim si nanay na tila ba nabunutan ng tinik ng makita ako. Si Rosie naman at kuya Jigs ay parang wala lang. Si kuya naman ay matalim akong tinignan kaya natameme ako bigla. "Ano po nangyayari? Bakit kayo nandito lahat?" tanong ko na hindi makatingin kay kuya Anton. Para kasing galit siya. Mas kinabahan pa tuloy ako sa kanya kaysa kay nanay. Magsasalita sana si nanay ng tumayo si kuya Anton na nag-igting ang panga. "Saan ka galing? Hindi mo ba alam kung anong oras na?!" pasigaw na salita ni kuya Anton. Parang kidlat na kumalat sa paligid ang boses niya kaya halos pati sila nanay ay mapalundag sa gulat. Natameme si Rosie at kunot noong nakatingin si kuya Jigs kay kuya Anton. "A-ano.." hindi ako makasagot dahil sa kaba. Alam kong suplado at masungit si kuya pero hindi ko pa siya nakitaan na ganito kagalit. "Anton tama na.. Baka may ginawa lang ang kapatid mo," singit ni nanay. Dama ko sa boses niya na kinakabahan siya. Kagaya ko. Ngaun lang din nakita ni nanay si kuya na ganito. Madalas kasi ay kalmado at tahimik lang siya. Isama muna na malamig talaga ang awra niya. Pumikit ng mariin si kuya at nagpakawala ng mura. Galit talaga siya. Kita mo iyon sa pagkuyom ng kamao niya at paglabas ng kaonting ugat sa leeg niya. "Hindi kaba marunong magsabi kung may gagawin ka? Hindi mo ba kaya magpaalam? Paano kung may masamang nangyari seyo? At bakit hindi mo masagot kung saan ka galing? Nakipagdate kaba dun sa rich boy na kaibigan mo? Ano?!" marahas na salita ni kuya kaya nangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko dahil nagugulat at natatakot ako sa kanya. At date? Bakit naman niya naisip na nakipagdate ako? "Anton tama na!" hindi na din napigilan ni nanay na mapasigaw. Tumulo na ang luha ko sa takot. Bakit ba nagagalit si kuya eh okay naman ako. Tapos alam kung hindi sila okay ni nanay magsisigawan pa sila ng ganito. "Astrid.. Anak.. Wag kang umiiyak.." lumapit sa akin si nanay. Huminga ng malalim si kuya Anton at padabog na pumasok sa bahay. "Anyare kay Anton?" singit ni Rosie. "Sabi na kasi seyo Jigs wag munang pakainin ng spicy noodles eh.. Ayan tuloy nagdiretso ang init at anghang sa ulo." lumapit si Rosie sa akin. "Anong ako? Gaga ka pala! Nag dala ka ng noodles dito para videohan kita sa spicy noodles challenge mo.. Nakita mo lang si Anton ibinigay mo agad yung noodles." "Makaka-gaga naman 'to. Syempre si Anton 'yon, gago!" sagot ni Rosie. Kung tama lang ang situation ay matatawa ako. Pero hindi eh. Biglang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hindi na ako pinagpaliwanag ni nanay. Hinayaan na niya nalang akong magpahinga. Pag pasok ko sa kwarto ay sobrang bigat ng pakiramdam ko. Bakit ba lahat ng bagay sa paligid ko magulo? Bakit lahat nalang hindi ko maintindihan? Bakit lahat sila magulo? Pagod na pagod ang katawan at utak ko. Nagbihis lang ako at dumiretso sa kama. Mamaya pa naman siguro si nanay papasok at alam kong maghahanda pa iyon ng paninda. Pipikit ko sana ang mata ko ng may matabig akong maliit na box sa gilid. Binukas ko agad ang ilaw at nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng android phone. Lalabas sana ako para itanong kay nanay kung sino ang may-ari nito ng bigla itong tumunog. Walang pangalan.. Number lang so kinabahan ako kung sasagutin ko ba o hindi. Sa huli, sinagot ko nalang. "Hello?" walang nagsalita sa kabilang linya. Puro mabibigat lang na paghinga ang maririnig mo. Pero bakit bawat paghinga sa kabilang linya ay kasabay ng t***k ng puso ko? "Baby.." biglang my nagsalita.. Si kuya Anton 'to. Sigurado ako. Kasabay ng pagsalita niya ang paglundag ng puso ko at pagtayo ng balahibo ko. "K-kuya?" sagot kong nanginginig. Eto na naman yung kakaiba at awkward na feeling. Tumikhim siya at mahinang nagmura. So tumahimik nalang ako. May nasabi ba akong masama? Kuya lang naman sinabi ko diba? Bakit ba lagi nalang siyang galit? "That phone is yours..." simula niya. Biglang nalaglag ang panga ko. Akin ito? Bigay niya? Si kuya Jigs nga halos mag makaawa na ibili niya ng phone pero di niya ginawa. Tapos ako hindi naman nag eefort na humingi kahit kanino or sa kanya binigyan niya ng kusa? Medyo malapit na ang birthday ko pero hindi ko naman inaasahan na ibibili ako ng phone nino. "Sorry for the curses and for yelling at you baby... Nag-alala lang ako.." salita niya tsaka niya pinatay yung tawag. Tulala ako ilang saglit. Ano yon? Bakit ganito? Bakit ganon si kuya? At bakit may parte sa puso ko ang sumaya? Ang weird weird na talaga ng buong araw ko. Pati mga tao sa paligid ko weird din. Pati tuloy ako nagiging weird na din. Ilang oras akong tulala kasi hindi ako dinalaw ng antok. Hindi nga ako makarecover sa mga nangyari sa akin buong araw. At lalong lalo na binigyan ako ng cellphone ni kuya. Dahil hindi ako makatulog. Binuksan ko yung data connection ko tsaka ako nag online sa f*******:. Last year pa yata simula huli ko itong nabuksan. Ang daming selfie ni Rosie kaya naiiling ako pero pinusuan ko nalang. Hinanap ko yung f*******: ni Bree na mabilis ko naman nakita. Grabe ang ganda niya sa display picture niya.. Tapos ang dami dami pa niyang follower. Nagsend ako ng friend request. Sana okay na siya para naman hindi na ako magworry kung galit ba siya sa akin o ano. Pagkatapos kong pindutin ang friend request nakadama na ako ng antok. Papatayin ko na sana ang data connection ng biglang may nagnotify sa akin. Pagclick ko ng notification ay natigilan ako. Rajan Duke Esquivel sent you friend request. So natameme na naman ako. Hindi ko alam kung iaaccept ko ba siya o hindi. Bumalik ako sa newsfeed habang nag-iisip kung aaccept ko ba si Rajan o hindi. Gusto ko.. The only thing that stopping me is my friendship with Bree. I want to know more about Raj. I want to see his routines. His selfies.. Gusto kong maramdaman paano magkacrush ang isang normal na teenager. Naging masama ba akong tangihan siya? Crush ko siya yes. Pero siguro pwede naman kaming magkaibigan diba? Pero kasi pinakumplikado niya ng nagtapat siya. Agad agad naman kasi. Wala pa nga kami sa friends stage. Gusto niya higher level na. Tapos si Bree pa. Feeling ko kahit kaibigan ko siya complicated pa din kaming dalawa. Na hindi talaga kami pwede ni Raj. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may post si kuya Anton. Anton Isaac Dela Cruz updated his status just now Why the world needs to be unfair? Baby.. .. Matulog kana.. Please.. Sino si baby? May girlfriend ba si kuya? Ang dami agad likes at comments sa post niya so tinignan ko muna. Rochelle: Aww, matutulog na ako baby.. Don't worry <:3 Britt: Im being fair to you naman baby.. Lets sleep together. Jean: You're being unfair to me too. Fair enough baby.. Brent: daming assuming leche! The f**k, dude? Does she even know that she's your "Baby"? Show your balls lul. Kilala ko si Brent dahil minsan na siyang nasama ni kuya dito. Alam ko richkid yan eh. Blah.. Blah.. Blah.. Umiling ako. Ang dami palang baby ni kuya. So bakit pakiramdam ko para sa akin lang yun? Hays ano ba yan! Nababaliw na talaga ako! At nakakabaliw yung nararamdaman ko. Kuya ko siya bakit naman feeling mo special ka Astrid ha? Nainis ako bigla kaya nagdecide ako na matulog nalang. Pero ang toto may parte sa akin ang medyo na down. Grabe. Bago ako matulog ina-accept ni Bree ang friend request ko kaya gumaan ang pakiramdam ko kahit papano. Now I know what to do. I ignored Rajan friend request.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD