kabanata 10

2728 Words
"Lets go," ngumiti si lolo John habang pababa ng sasakyan. Kanina naman ay okay lang ako. Lolo John consumed my fear when he asked me random things about school. Nagtataka nga lang ako coz' in the long ride, he never asked something about Bree. Diba kaya kami nagkakilala because of her? But lolo looks uninterested kapag paminsan minsan ay sinasali ko si Bree sa usapan. Hindi ko nga lang sinali yung part na nagdebate kami. I'm not really proud of it.. Coz' I knew that somehow, I hurt Bree's feelings. Bumaba ako ng sasakyan na kabang kaba. Umihip ang hangin sa kalagitnaan ng isang malaking runway. Sobrang laki at sobrang daming iba't ibang klaseng eroplano dito. Ganito sila kayaman? "You stay here, I'm going to show her the whole place." salita niya sa isang bodyguard niya na sumundo sa akin. Kumunot ang noo nito na tila ba nagdadalwanag isip sa sinabi ni lolo John. "But sir," sagot niya. Isang tingin ni lolo John ang nagpatahimik sa kanya. Isang cart ang dumating sa harap namin. Yung mga ginagamit ng mga nag gogolf. Hindi ko naman alam ang tawag dahil hindi pa ako nakakapag golf. Nakikita ko lang iyon sa palabas o sa magazine. Meron pa kasing sinasabi si lolo John sa mga bodyguard niya kaya sinamantala kong ilibot ang mata ko sa lugar. Sa south side ay may malaking building. Maybe.. Doon ang office. Sa north side naman ay isang malaking building din but not like the south. Open kasi ito at madaming tao ang makikita mo making some planes. Nakakamangha. Hindi ko akalain na mangyayari sa buhay ko na makakakita ng mga eroplano ng malapitan at paano ito ginagawa. I know Bree is rich. Pero hindi ko akalain na ganito sila kayaman. May isang mini plane sa gilid kung saan may nakalagay na pangalan ni Bree. Nakakaingit. I'm not materialistic person. Pero kasi, tao lang din naman ako. Paano kaya kung nakapangalan ang name ko sa isa sa eroplano dito? Diba ang saya sa pakiramdam? Pero alam ko naman na malabo mangyari iyon kaya masaya na ako na makita ang mga ito personally. It's still feel surreal but it's real. "Iyan ang ginamit ni Sasha at Luther noon to escape," salita ni lolo bigla. Napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa mini plane. Honestly-- madaming maganda at malalaking plane dito but this one seems special. Ewan ko ba, mayroon katangian ang plane na ito na mapapatingin ka talaga. I remembered tita Sasha told me about the escape thing. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan nila tumakas noon. Besides, it's their story. Parang sobra naman yata kung aalamin ko pa iyon diba? Tumango nalang ako kay lolo John. Kumunot ang noo ko when he stared at the plane with sad eyes. Somehow, may parte sa puso ko ang nabahala sa lungkot ng mga mata niya. "And that was the night they took--" nakatitig ako sa kanya at nakikinig pero napahinto siya sa sasabihin niya. Ano ba yan.. Nambitin pa si lolo John. Pero.. Sino ang kinuha nung gabi na yon? Hays. Feeling ko ang complicated ng buhay nila. They're rich but still, their lives have flaws. Kagaya lang din ng sa akin. Yun nga lang.. Kahit complicated at magulo ang buhay nila.. They have the money to cover the flaws. The only thing that we're the same is we both have family who will never lie and leave us. Kaya para sa akin.. Pamilya ko ang yaman ko. Hinagod ko ang braso ni lolo. Pakiramdam ko kasi may naalala siya bigla na nagpabigat ng loob niya. Mukha pa naman may edad na si lolo John kahit hindi halata sa itsura. He's the legend. Syempre kung maganda ang lahi nila Bree, kanino paba nila iyon makukuha diba? "Ah, ayos lang po kayo?" tanong kong medyo naiilang. Baka kasi sabihin ni lolo John na porke mabait siya sa akin ay magfefeeling close ako. Ngumiti siya ng tipid. "Kumain kana?" instead of answering me, iniba niya ang usapan. Tumango ako. Busog na busog pa naman ako dahil madami ako nakain. "Lets go to the office first can we? After that tsaka kita ililibot dito." ngumiti ulit si lolo. Tinanguan niya ang mga bodyguard niya at sumakay sa cart. Sumunod ako at naupo sa harap katabi niya. Siya ang nagmaneho nito. Sumaboy ang buhok ko ng humangin ng malakas. Tahimik lang si lolo John so I remained quiet. Nakakahiya naman kung magdadadaldal ako diba? Tsaka, hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko. Huminto kami sa building sa south kung saan nandoon ang office. It looks good when it's far but it looks stunning when you get closer. Bumukas ang double door glass door. Namangha ako ng makapasok ako habang nakasunod kay lolo John. There's this huge toy plane na sobrang ganda sa gitna. May malaking portrait din ng pamilya nila Bree sa gitna. There's this grand stairs at may double lift. Ganitong ganito ang nakikita ko sa mga magazine inside hotel lobby. Hindi ko naman maexplain maayos coz I've never been to hotel lobby. Kahit nga sa parking ng hotel ay hindi pa ako nakakatuntong. "Goodmorning, President." bati ng mga tao kay lolo John. Tumatango lang siya sa mga ito. Nang napatingin sila sa akin ay bahagya silang natigilan at nagbulungan. Maybe they are curious kung bakit may kasama si lolo John. "Hindi naman iyan si Ma'am Bree diba?" dinig na dinig ko ang salita ng isang babae. Hindi ako sure kung malakas ba ang pagsasalita niya or malakas lang talaga ang pandinig ko. Tumango ang katabi niyang lalaki. "Pero relatives siguro.. They look like them though." kibit balikat niya. Umirap ang babae. "Duh! She's pretty yes.. Pero realative? Doubt it. Look at her-- Far from the Vera Cruz." Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Alam ko naman na malayo ako sa kanila. Minsan.. Nakaka baba lang ng pagkatao yun way ng pagsasabi nila. Just because I'm wearing simple clothes hindi na ako pwede makisama sa matataas na tao? Why do people easy to judge by the looks? Well.. Bakit ba nag aampalaya ako? Totoo naman na hindi nila ako kaano-ano-- At totoo din naman ang sinasabi nila. "I'll just get some docs then will tour the place. Is that alright?" biglang nagsalita si lolo John kaya nasinghap ako. Masyado akong nalunod sa mga narinig ko kaya di ko namalayan na nakarating na pala kami sa floor kung nasaan ang office niya. Kumunot ang noo ko ni lolo John ng makita ang itsura ko. Umiwas ako ng tingin ang huminga ng malalim. "Sige po," ngumiti ako ng bahagya para ipaalam na ayos lang ako. Honestly-- hindi ko alam kung bakit ako dinala dito ni lolo John. What I only know is I owe him everything. Nakapag-aral ako sa magandang school because of his mercy and kindness. So this is some of my ways to show how thankful I am. Baka naman may ipapagawa siya or ano. So-- I'll just go with the flow. Isang babae ang hingal na lumapit kay lolo John kaya natigilan kami. She look at me and look back at lolo John. "Sir, Ma'am Sasha and Sir Luther is here." sagot ng babae. "Where are they?" sagot ni lolo na mas naging seryoso. Umayos ng tayo ang babae at halata ang takot sa mukha niya. "Conference room, sir." tumango si lolo at nagsimulang maglakad kaya sumunod ako. "Ma'am Sasha is so furious sir." salita ulit ng babae kaya natigilan saglit si lolo John at napabuntong hininga. What the hell is happening? Dapat paba ako sumama kay lolo John? I think they will have some matters to talk. Parang di naman yata tama na kasama ako. At si tita Sasha? Galit? Bakit? She's always calm. Picture of her being furious scares me. Hindi ko alam kung bakit. Maybe nasanay ako na kalmado siya palagi. "Lolo maiwan nalang po ako dito," salita ko bigla. Tumitig muna sa akin si lolo John at sa huli ay umiling siya. "No, come with me." sagot niya. Nakakatakot ang kaseryosohan ng boses ni lolo John. Pakiramdam ko ay hindi ko siya pwede tanggihan kaya tumango nalang ako at tahimik na sumunod. Malamig na malamig ang pakiramdam ko ng bumukas ang isang kwarto. There's a long table in the middle na napapalibutan ng madaming upuan. Hindi pa man tuluyan nakakapasok si lolo John ng magsalita na agad si tita Sasha. "What are you doing papa? When will you learn to stop?" malakas ang boses niya kaya napalundag ako sa likod ni lolo John. Tama nga ang babae kanina. Galit na galit siya. "Sweetheart.. Please calm down.." malumanay na sagot ni tito Luther sa gilid niya. "No! It's been years pa, hindi kaba napapagod sa ginagawa mo? Had you ever considered Luther and Bree? Dela Fuente's is their family too. You sabotage their transaction just now. Ano paba ang pinaglalaban mo? Bakit ayaw mo manahimik?" sigaw ni tita Sasha.. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni lolo. He's not moving kaya natatabunan niya pa din ako. "Noon akala ko galit ka because of what they have done to me and Luther. What mom had done to me. Pero pa.. Natanggap na nila.. Tapos na.. What is this all about? Hindi na kasi kita maintindihan." nabasag ang boses ni tita Sasha. Hindi ko alam pero mayroon bahagi sa puso ko ang kumirot. Lolo steps forward kaya nakita na nila ako. "Astrid? What are you doing here?" gulat na tanong ni tito Luther. Bahagyang nagulat si tita Sasha ng napatingin siya akin pero hindi niya masyado ininda ang presensya ko. "She's with me." sagot ni lolo John. May parte talaga sa akin na gusto lumabas dahil pakiramdam ko ay hindi ko talaga ito dapat masaksihan. Huminga ng malalim si tita Sasha at hinarap ulit si lolo. Napatingin siya sa akin pero nag iwas din at binalik kay lolo John ang tingin. "Is there something happened while we were gone? Kasi hindi ko makita ang rason, pa. You are so eager to put the Dela Fuente down. What's the point? May hindi kaba sinasabi sa amin? Ano ba talaga ang nangyari noon?" Bahagya siyang huminto at huminga. She look at me again. This time-- I saw pain in her eyes. "Buti pa ang kaibigan ni Bree naisasama mo dito." napayuko ako at lumunok. Hindi ko alam pero may kumirot ng mas matindi sa puso ko sa bigkas ng salita ni tita Sasha. Bigla akong nahiya at bahagyang nasaktan. Pero tama naman siya. Bakit ba ako kasama ni lolo John? Hindi ko alam kung ayaw lang bang patulan ni lolo si tita Sasha o may iniisip siya. Nakatulala lang kasi siya sa anak niya. "Akala mo ba hindi ko napapansin how you're treating my daugther? I'm numb pa. I let you ruled her life dahil utang na loob ko na inalagaan mo siya while we were gone. Pero yung pagiging malupit mo kay Bree? Diba ikaw ang nag alalaga sa kanya? Diba mahal na mahal mo siya? Ano nangyari, pa?" lalong napahagulgol si tita si Sasha. Nanlaki ang mata ko ng makita ang luha sa mga mata ni lolo John. "And this company is supposed to be hers. Bakit ayaw mo pa din bitawan sa kanya? You're hard on her. Hindi na kayo kagaya ng dati. Wala na akong malala na moments niyong dalawa simula bumalik kami. All I saw is you.. being hard on her. Ano ba talaga ang nangyari? May hindi kaba sinasabi? Kasi pa, even me-- everyday I woke up.. I'm still wondering what was happened from the years we're away from all of you. Kasi masaya kong iniwan ang pamilya ko.. Pero ibang iba ng pamilya ang binalikan ko." Hindi ko napansin na tumulo na ang luha ko. Mabilis na tumayo si tata Sasha na sinundan ni tito Luther. Huminto muna siya sa harap ni lolo John. "Sorry, pa." salita niya. Nanatiling nakatulala si lolo John. "Sorry for this mess, Astrid." salita ni tito Luther sa akin tsaka sinundan si tita Sasha. Naiwan kaming tulala ni lolo John. Pinalis ko ang luha ko at lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako pero damang dama ko ang sakit ng bawat salita ni tita Sasha. At mas lalong nawawarak ang puso ko habang nakatingin ako kay lolo John na nakatingin sa kawalan. "I've done my best to protect them.." napaupo si lolo John sa isa sa mga swivel chair. Natigilan ako ng makita ko ang pag iyak niya. Na para bang ang dami niyang sakit na dinadala niya. His tears is mirroring his broken soul. Nanatili akong nakatayo at hinayaan siya. "I still vividly remember how I lost her. Seventeen years passed and it's still haunting me." umiiyak pa din si lolo John. Ano ba yung sinasabi niya? Sino yung nawala? Asawa ba niya? Hindi ko talaga sila maintindihan. "I lied to my own daughter to prevent her from hurting but I didn't know that she's hurting. I messed up everything." Gustong gusto kong lapitan si lolo at yakapin. Feeling ko kasi kahit di ko siya maintindihan ay hirap na hirap siya sa dinadala niya. Tumingin siya sa akin. Sobrang lungkot at bigat ng pakiramdam ko sa pagtingin ni lolo John. He looks tough but his eyes showing otherwise. He looked tired and in pain. "Ginawa ko naman ang lahat para makita siya... Kung pwede ko lang ipa DNA test lahat ng batang kaedad niya sa mundo gagawin ko. Hirap na hirap na ko. I'm old and weak. Ayokong mawala nang hindi ko siya naiibabalik." Ang sakit sakit ng bawat salita ni lolo kaya napahagugol na talaga ako ng iyak. Hindi ko man siya maintindihan pero damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya. Lumakad ako at lumapit kay lolo John. Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Gusto kong maramdaman niya na magiging okay din ang lahat. "I want to end this, Astrid.. Even God knows how I wanted to be normal again.. Kasi pagod na pagod na din ako. And everytime na titignan ko ang sariling anak ko ay parang nawawasak ako. Matanda na ako at gusto ko naman ma-enjoy yung natitirang oras ko sa mundo. Paano ko gagawin yon kung bawat pag gising ko ay kinakain ako ng kasinungalingan ginawa ko?" umiyak ulit si lolo John kaya nanatili akong nakayakap. Humiwalay ako ng tumayo si lolo John. Nakatitig siya sa akin na para bang may gudtong sabihin. "Can you do a favor for me?" tanong niya. Walang dalawang isip ay tumango ako. If his favor could make him at peace.. Hell! Sa nararamdaman ko ngaun? Gagawin ko para kay lolo. "Can you come with me to the hospital?" nagulat ako. Masama ang pakiramdam ni lolo? Bakit nag aaya siya sa hospital? "Masama po ba ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ko. "No, may gagawin lang tayong test." sagot niya. Test? Para saan? "It's a DNA test, Astrid." salita niya na nagpabukas ng labi ko. DNA? "Lolo, anak po ako ng nanay ko. Kung sino man po ang hinahanap niyo.. Sigurado po akong hindi ako yon." Umiling si lolo sa akin." I've done my research about you and your family, Astrid." sagot niya. Ano daw? Hindi ko lalo siya naintindihan. "I'm not the one who should tell about the real you.. But I want to try if she's the real you.." sagot ni lolo. Ang gulo gulo. Pwede bang tagalugin ni lolo. Kasi kahit ako ay litong lito. "Pero po.." hindi ako makasagot dahil gulong gulo din ang utak ko. "You're my last shot, Astrid. I felt something about you when I met you.. If she's not you.. I will accept it and fix my mess with my family. I'll accept that I will never see her again.. I will give this company to Bree to make my daughter at peace. Say yes Astrid. Huli na ito dahil pagod na pagod na din ako." Pumikit si lolo John ng may tumulo na naman luha sa mata niya. Kahit hindi ko alam ang nangyayari at hindi ko siya naiintindihan ay tumango nalang ako. Dinukot niya ang cellphone niya at may tinawagan. "Eros.." salita niya. "Yup. I'll wait for you.. I'm tired too son. This is the last I promise." binaba niya ang tawag at huminga ng malalim. Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti. "Thank you, Astrid.." ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD