16. #IAdmitILoveYou

1974 Words

16. #IAdmitILoveYou Wala pa rin si Tasya sa kanyang sarili. Hindi mawala sa isip niya si Jelan. Wala naman siya sa ilalim ng kapangyarihan nito upang maakit siya ngunit lubhang ayaw lang mawala sa isip ng dalaga ang binatang Exist. Pabali-balik ito sa kanyang utak. Nanggugulo habang patuloy na naghahalina. Ang ugat ng nangyayari kay Tasya ay ang pag-amin sa kanya ni Jelan kaninang madaling araw na may gusto ito sa kanya. Naghahalo ang emosyon sa kanyang puso habang kung anu-ano naman ang dinidikta sa kanya ng kanyang isipan. Naguguluhan siya. Matapos sabihin iyon ng binata ay hindi pa ito nagpapakita sa kanya sa buong maghapon na lumipas. “Malalim yata ang iniisip mo ah?” Halatang nagulat si Tasya ng biglang dumating sa sala si Joven at siya’y tinanong nito. Nahalata nito na may kung an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD