17. #ForbiddenLove “Mahal mo rin ako hindi ba?” Tumalikod na si Tasya at aalis na sana papunta sa loob ng mansyon ngunit ang tanong na iyon ni Jelan ang nagpahinto ng kusa sa kanyang mga paa upang ipagpatuloy ang paghakbang. Huminto man siya sa paglakad ay kusa namang bumilis na tumibok ang kanyang puso. Kung makakaalis lamang ito sa kanyang dibdib ay malamang ay iniwan na siya nito. May lakad yata ang kanyang puso dahil halos may hinahabol ang mabilis nitong t***k. “Mahal mo ba ako Tasya?” Minsan pang inulit ni Jelan ang tanong ito para sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang tingin sa lupa. Kitang-kita niya ang nunal at buhok sa ibabaw ng kanyang ilong. Hey Tasya! Speechless lang? Magsalita ka naman oh! Para ka na ring umoo sa no comment mo! Kinakausap na niya ang kanyang sarili sa kanyan

