18. #Feelings Love at first sight. May initial na kakaibang pakiramdam at pagtangi na kaagad si Esperanza kay Joven sa una palang nilang pagtatagpo. Kahit sa mga bampira ay uso rin ang love at first sight. Kahit na mga patay na sila na halos nabuhay nalang muli ay umiibig pa rin naman sila. Ang manipis na pagtibok ng kanilang patay na puso ay binubuhay pa rin ng pag-ibig. Nagmamahal pa rin. Nakakaramdam. Humihiyaw ng pagsinta. Si Esperanza ay isa ring bampira at siya ang nakakita kay Jelan ng magmasid ang human turned vampire sa mansyon na ginagawang kuta nila Jorizce upang itago si Miah. Kaagad siyang humanga kay Joven at halos umasa siya sa halik na ibibigay nito ngunit nabigo dahil sa tumakas na ito. Kapatid si Esperanza ng isang masama at malakas na bampira na galit sa mga Exist at

