19. #LoveAndLies Marahan hanggang sa pabilis ng pabilis ang paggalaw ng mga labi ni Esperanza sa mga labi ni Joven. Hindi pa rin makapaniwala si Joven sa nangyayari. Hanggang sa dumating ang puntong hinayaan nalang niya ang sariling mga labi na gumanti sa tumitinding paghalik ng babaeng bampira sa kanya. Ipnikit niya ang kanyang mga mata. Ngunit iyon nangangahulugan na nagugustuhan niya ang halik na kanilang pinagsasaluhan. Hindi dulot ng kapusukan ang emosyon na kaakibat ang halik na ito. Hindi rin ang babaeng ito ang dahilan kung anumang emosyon ang kanyang pinanghahawakan. Ginagawa niya ito upang simulan ang kanyang plano. Planong nabuo habang nasalo ng kanyang mga labi ang labi ng ibang babae. Sapagkat ang babaeng gusto niya talagang angkinin muli ang mga labi ay nasa loob ng ba

