20. #MysteriousActs “Alam mo na siguro kung ano ang kapalit ng ginawa natin?” mahinang tanong ni Joven kay Esperanza. Nasa labas na sila ng malawak na bakuran. Ilang sandali nalang ay hindi na mapipigilan ng lalaking bampira ang paghinga. Babalik na rin siya sa mansyon na tinutuluyan. Ngunit bago umalis ay kailangang maging malinaw ang usapan sa pagitan nila ng babaeng bampira. “Ang babaeng mortal ang kapalit.” Walang emosyong tugon nito. Tumango lamang siya saka mas lumapit dito. “Bukas ng gabi. Kailangan nating maitakas si Miah.” “Paano ako nakakasigurong pagkatapos nating maitakas ang mortal ay hindi mo ako iiwan? Wala ba talaga kayong relasyon? Sino ang mga kasama mo sa misyong ito?” litanya ng tanong ang sumunod na lumabas sa makipot na bibig ng baba

