22. #OtherSide Napadaan ang Exist na pula ang buhok at matalik na kaibigan ni Jorizce na si Jeana sa silid kung saan nag-uusap sina Esperanza at ang kuya nito. Narinig niya ang huling bahagi ng pag-uusap ng dalawa. Hindi siya maaaring magkamali sa kanyang mga narinig. “Upang maging matagumpay ang pagdudugtong ng buhay ng isang Exist ay kailangan muna niyang ibigin ang babaeng mortal bago matapos ang kabuuan ng sampung pagtatalik. Hindi ko sinabi iyon kay Jorizce Avio upang hindi siya magtagumpay na dugtungan ang kanyang buhay. Pinalabas ko na gusto ko silang tulungan sa kanilang mga balak ngunit doon sila nagkamali. Kinamumuhian ko ang lahi ng mga Exist at mga tao. Tayong mga bampira lamang ang dapat maghari rito sa daigdig! Hindi pwedeng magkatotoo ang propesiya!” saad ng tinig ng kapat

