27. #Trust Nasaksihan ni Jelan ang tuluyang paghupa ng mga sugat sa katawan ni Tasya. Naging mas maaliwalas na rin ang mukha nito. Patuloy lang ito sa mahimbing na pagtulog. Matapos niyang pagmasdan ang pinakamamahal ay saka siya tumayo upang harapin ang kaibigang si Eva. Pagharap niya ay katabi na nito ang kanilang Pinuno. “Ano ba’ng nangyayari huh?!” hindi niya maiwasang pagtaasan ng boses ang mga ito. Wala siyang pakialam kahit sino pa ang kaharap niya dahil buhay ni Tasya ang nanganib sa mga nangyari. “Totoo ang lahat ng naganap Jelan. Muntik ng malagay sa panganib ang buhay ni Fantasia. Hindi kakayanin ng ibang nilalang maging tao man yan o bampira o kahit na anong uri at lahi ang kakaibang kapangyarihan ng Origin. Tayong mga Exist lamang ang binigyan ng karapatan

