Prologue
Prologue
“Mga hayop kayo! Mga hayop!” paulit-ulit na sigaw ni Abby habang sunod-sunod na ang pagbuhos ng kanyang masaganang luha dahil sa kanyang naabutan. “Ang kapal ng mukha mo na magdala ng babae dito sa bahay, Jacob! Mga hayop!” Sinugod niya ng sampal ang babae na kasama ni Jacob sa kanilang bahay.
“Ang kapal ng mukha mong babae ka, hayop ka papatayin kita!” muling usal nito habang sinasabunutan ang babae ni Jacob. Binuhos niya ang buong galit niya sa babae at halos matanggalan na ito ng buhok dahil sa ginawa niya.
Pagkatapos ay binaling niya ang paningin niya kay Jacob at walang habas niya itong pinagsasampal. Punong puno ng galit ang kanyang puso dahil sa panluluko sa kanya ni Jacob.
At nang makita niya na tumakbo ang babae palabas ng pinto ay mabilis niyang hinila ang buhok nito kaya natumba ang babae sa sahig. Kinaladkad ito ni Abby ang babae gamit ang buhok nito habang nakahiga sa sahig. Kaya napasigaw nang malakas ang babae dahil sa sakit at humagulhol na ito ng iyak.
Natataranta na umaawat si Jacob ngunit hindi niya maawat si Abby. Kaya naman ay napasigaw ito ng malakas. “Tama na!” sigaw niya.
Ilang saglit pa ay isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Abby, kaya natigilan siya at napatulala na lamang. Kitang-kita rin ng kanyang dalawang mata ang matinding galit na pumapaloob sa bawat titig sa kanya ni Jacob.
“Kapag hindi ka tumigil, hindi lang ‘Yan ang aabutin mo!” madiing banta ni Jacob kay Abby. Pagkatapos ay mabilis na Tumalikod si Jacob at Wang pag-aalinlangan na iniwan na natigalgal si Abby.
Kaya napaluhod na lamang si Abby habang sunod-sunod pa rin ang pagbuhos ng kanyang masaganang luha. Hindi siya makapaniwala na nagawa siyang sakitan nang lalaking pinagkatiwalaan niya ng husto.
Chapter 1
Labing walong taong gulang lang noon nang makilala ni Abby si Jacob at nasa ikatlong baitang na siya sa kolehiyo sa isang malaking University sa Manila. Nakilala niya ito dahil sa kanyang kaibigan na si Veronica.
“Abby! Abby!” paulit-ulit niyang tawag habang palalapit kay Abby.
“Bakit ba?” nagtatakang tanong sa kanyang kaibigan na si Veronica.
Humahangos itong huminto sa tapat ni Abby habang nakangiti.
“Nakita mo na ba ang bagong lipat dito sa school natin?” tanong nito habang humahangos pa din.
“Hindi pa, bakit mo natanong?”
Tumalikod siya sa kanyang kaibigan at naglakad, ngunit tuloy pa rin sa pagkuwento si Nica sa kanya tungkol sa estudyanteng bagong lipat sa kanilang eskuwelahan.
“Sino ba kasi siya, at mukhang interisado ka sa kanya?” nagtataka nitong tanong habang patuloy sa paghakbang ang kanyang mga paa patungo sa canteen.
Nangmakarating sila sa canteen ay nag-order siya ng isang slice na cake at isang basong juice.
“Ang pogi niya talaga grabe,” wika pa nito at bahagyang napatili.
“Sira ulo ka, Nica! Sino ba kasi ‘yang tinutukoy mo?” nagtataka na nitong tanong at uminom ng juice.
Maya-maya ay may tatlong estudyanteng kalalakihan ang pumalibot sa kanila. Napako ang tingin niya sa isang estudyanteng lalaki habang nakapatong na ang dalawang kamay nito sa magkabilaang balikat ni Nica.
“Narito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap,” mayabang na turan nito. Nang masulyapan niya si Abby ay agad niya itong kinindatan.
“Jacob, ikaw pala!” gulat na wika ni Nica.
Ngunit nang sulyapan niya si Jacob ay nakatingin ito kay Abby habang kumakain ng cake ang dalaga.
“Abby!” Kalabit niya sa kaibigan.
Kaya naman ay napatingin rin sa kanya si Abby. Ngunit ayaw niyang tingnan si Jacob dahil napreskuhan na agad siya sa binata.
“Siya ang sinasabi ko sayo na bagong lipat. Siya si Jacob, pinsan ko,” wika nito kay Abby.
Ngunit tiningnan lang ito ni Abby at wala man lang reaksyon ang kanyang mukha. Kaya tinukso si Jacob ng kanyang dalawang kaibigan.
“Naku, Pre. Hindi ka pinansin!” napahalakhak sila ng tawa.
Kaya naman ay nainis si Jacob at nilapitan si Abby. Pinatong nito ang isang kamay sa lamesa at ang isa naman ay sa likod ng upuan ni Abby. Pagkatapos ay inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ni Abby.
“Hi, Abby,” bulalas nito at kumindat kay Abby na na may pilyong ngiti.
Napalunok naman ng laway si Abby dahil sa tinuran ni Jacob at biglang kumabog ang kanyang dibdib habang nanlalaki pa ang kanyang mga mata.
“A-anong ginagawa mo?” garalgal nitong tinig dahil sa pagkabigla.
“Hindi mo ba nakita? Inaasar nila ako dahil hindi mo raw ako pinapansin. Kaya ito ako, nagpapansin sayo,” muling bulalas nito at mas lalo pang inilapit ang kanyang mukha sa dalaga habang nakangiti na nakakaloko.
Napaatras naman ng upuan si Abby at muntik pa itong matumba. Mabuti na lang ay mabilis ang kamay ni Jacob at agad siya nahawakan sa baywang kaya hindi siya nakasama sa pagbagsak ng upuan sa sahig.
Nanlaki naman ang mata ni Nica at napatakip ito sa kanyang bibig dahil sa pagkabigla.
“Are you okay, Abby?” natatarantang tanong nito at agad na lumapit sa kaibigan na nakakulong sa mga bisig ni Jacob habang hawak niya pa ito sa baywang.
Nagsigawan naman ang mga kaibigan ni Jacob dahil sa nakita at nagtawanan.
“Nice one, Bro!” bulalas nila at napatalon sa tuwa.
Mabilis na naman na inayos ni Abby ang kanyang tayo at agad na dinampot ang kanyang bag. Nahiya siya sa nangyari at biglang namula ang kanyang mukha ng maalala ang guwapong mukha ng binata.
“Abby, wait.” Dinampot rin ni Nica ang kanyang bag at mabilis na hinabol si Abby. “Abby sandali lang, hintayin mo ako!” pasigaw nitong tawag sa kaibigan.
Napakabilis ng mga hakbang ni Abby ng mga oras na iyon kaya patakbo siyang hinahabol ni Nica.
“Ang bilis mo naman maglakad,” wika ni Nica ng maabutan si Abby.
Ngunit tahimik pa rin ito dahil nahihiya pa rin siya sa nangyari. Namumula pa rin ang kanyang magkabilang pisngi at napansin ‘yon ni Nica.
“O my, God! Abby, namumula ang pisngi mo!” gulat nitong wika sa dalaga at tumawa ng malakas.
“Ano? Hindi, ah!” Hinawakan niya ang kanyang pisngi at hindi siya makatingin ng diretso sa kaibigan.
“Namumula ka, eh,” bulalas pa nito at inikot-ikutan niya ang kaibigan na may halong pang-aasar.
Kaya naman ay nainis sa kanya si Abby at agad siyang iniwan.
“Hoy! Hintayin mo ako!” Tumakbo ulit ito para habulin si Abby at muli niya itong inasar.
Kaya naman ay lalo siya namula at agad na sinigawan ang kaibigan.
“Hindi mo ba talaga ako titigilan, ha?!” inis na asik niya rito.
Kaya naman ay nagulat si Nica at tumahimik na lang.
“Okay po, tatahimik na po,” usal niya naman. Subalit napahagikhik ito ng bahagya dahil sa kilig ng maalala niya ang nangyaring eksina sa pagitan nina Abby at Edward kanina.
Simula ng makilala niya si Jacob ay lagi na itong sumama sa kanila ni Nica. Panay na ang papansin nito sa kanya at lagi na rin siya nitong pinagtitripan.
"Jacob, ano ba!" salubong na kilay niyang anas sa binata. Tinakpan niya kasi ng kanyang kamay ang mata ni Abby kaya nainis siya rito.
"Galing, ha! Paano mo nalaman na ako ang nagtakip ng mata mo, ha?" natatawa nitong tugon sa kanya at hinila nito ang isang silya sa tabi niya. Inilapat pa sa kanya ang mukha nito sa mukha ng maamo at magandang mukha ng dalaga saka naupo sa tabi niya.
Nanlaki naman bigla ang mata ni Abby dahil sa ginawa ni Jacob. Bigla na ring bumilis ang pintig ng kanyang dibdib dahil sa ginawa nito. Naramdaman niya din na uminit ang kanyang pisnge dahil sa hiya. Kaya naman ay bahagya siyang napaatras.
"Sino pa ba naman ang gagawa niyan sa ‘kin, kung 'di ikaw!” Taas kilay nitong asik sa kanya.
"Ito naman, galit agad,” wika nito sa dalaga at lalo pang inilapit ang kanyang mukha kay Abby.
Lalo namang bumilis ang pintig ng dibdib nang dalaga habang nanlalaki ulit ang kanyang mga mata.
“Ano, ba!” inis na turan nito sa binata.
Ngunit biglang umatras ng kaunti ang binata at may dinukot sa kanyang backpack.
"Para sayo pala, oh! Inabot nito ang isang pirasong kulay pulang rosas.
Nabulaga naman agad ang dalaga sa kanyang nakita. Nawala bigla ang inis nito sa binata at napalitan ng kilig. Umapaw bigla ang puso niya sa tuwa ngunit hindi niya ito pinahalata sa binata.
Isang tinig ang bumasag sa kanilang mainit na tagpo kaya na patingin sila sa direksyon ng tinig.