Chapter 67

1301 Words

"Hindi nga pwede ang gusto mong mangyari, Sir! Hindi kami basta-basta nagbibigay ng personal na impormasyon ng mga empleyado. Unless, idadaan sa legal way or may pahintulot ng Admin ng ospital," giit ni Bernadette Roxas. Ang head ng HR Department ng ospital na pinagtatrabahuhan ni Dr. Cuevas. Kanina pa kasi ito kinukulit ni Jacob. "Wala na akong oras para idaan pa kung saan-saan ang kailangan ko, Miss. Nakikiusap ako, emergency lang talaga!" muling pakiusap ni Jacob. Bakas na bakas na rin sa kanyang mukha ang pagpapaawa para lang makuha ang nais. "Ano ba kasi ang kailangan mo sa kanya? Gaano ba ito kahalaga?" Bumalatay ang lungkot sa mga mata ni Jacob sa tanong ng babaeng kausap. Naikuyom niya rin ang kamao na nakapatong sa lamesa. Kaya napansin iyon ng babae at napataas ng kilay. Bah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD