Dalawang araw na ngunit hindi pa rin umuuwi si Jacob sa kanila. Kahit masama ang loob ni Abby ay nag-aalala pa rin ito sa asawa. Hindi siya makapag-concentrate sa mga papeles na ina-aral niya. Dalawang linggo na lang kasi ay magsisimula na ang hiring sa kaso ni Mr. Chui. At lahat ng magiging depensa niya ay nire-review niya. Hindi basta-basta ang hawak niyang kaso kaya dapat ay aralin niya itong mabuti. Pero dahil sa nangyari sa kanila ni Jacob ay parang walang pumapasok sa utak niya. Bumuntonghinga siya at kinuha ang cellphone na nakalapag sa lamesa. Inisa-isa niyang tingnan ang mga contact number na naka-phonebook. Tinitingnan niya kung kumpleto ang mga phone number ng mga witnesses ni Zion Chui. May dalawang tao kasi siyang dapat kitain ngayong araw para makausap. Tumawag ang mga ito

