Hanggang sa napabalikwas na lang siya ng bangon dahil sa tunog ng alarm clock ng kanyang cellphone. Binaling niya ang tingin sa asawa na wala pa rin saplot at mahimbing pa itong natutulog. Hinalikan niya ito sa labi bago siya lumabas para magluto ng kanilang agahan. Nagugutom na rin kasi siya dahil hindi naman sila nakakain ni Jacob. Iba kasi ang kinain nilang dalawa kaya napagikhik siya ng tawa ng sabihin niya iyon sa kanyang isipan.
Pagkatapos nito magluto ng agahan ay kaagad nitong ginising ang natutulog pang asawa.
“Mahal, gising na,” pukaw niya dito at hinalik-halikan niya ito sa labi para magising
“Hmmn, babangon na po,” tugon niya habang papikit-pikit pa ng kanyang mata.
Bigla niyang hinatak si Abby kaya napasubsob ito sa kanyang dibdib. Inangat niya rin ang mukha ni Abby at siniil ng halik. Muli na naman may nangyari sa kanila ni Jacob ng mga oras na ‘yon.
Pagkatapos nila ay dali-dali nagtungo si Abby sa banyo para maligo. Pagkatapos nitong maligo ay si Jacob naman ang sumunod. Sinabihan na lang niya si Jacob na sumunod na lang sa kusina dahil nakahanda na ang kanilang agahan. Nauna na siyang umupo sa hapag at ipinagtimpla ng kape si Jacob. Maya-maya ay lumabas na ito kaya sabay na silang kumain dahil kapwa pa sila papasok sa trabaho.
"Siya nga pala, mahal. Matagal na rin tayo, ‘di ba? It’s been eight years na. At tutal naman may trabaho ka na, gusto ko sana na magkaaanak na tayo,” sambit sa kanya ni Jacob habang kumakain sila.
"Ahm, mahal. Puwede, 'wag muna ngayon? Kasi nag-uumpisa palang ako sa career ko, eh. Okay lang ba na mag-enjoy mo na ako sa aking trabaho?" sambit ni Abby sa asawa.
Pero hindi umimik si Jacob at nakita sa kanya ni Abby ang pagbagsak ng kanyang balikat. Nakita rin nito ang lungkot sa kanyang mga mata. Pero binaliwala lang niya iyon dahil akala niya maiintindihan siya ni Jacob. Pero hindi pala, dinamdam niya pala ang mga sinabi ni Abby sa kanya.
Matamlay si Jacob ng pumasok ito sa opisina. Isa lang naman kasi ang hiling niya kay Abby. Ang magkaroon na sila ng anak. Subalit tinanggihan iyon ng asawa at labis niya ‘yong dinamdam. Habang nakatayo ito sa pulis station ay bigla itong tinawag ng kanyang kaibigang pulis. Kaya napukaw bigla ang atensyon niya sa kaibigan.
"Hoy, Pre. Sama ka mamaya, after duty natin? Birthday ni Col. Garcia, at may party daw sa bahay nila,” sambit ng isang katrabahong pulis at kaibigan niyang si SPO1 Jake Concepcion.
"Naku, Pre. Hindi puwede dahil anniversary namin ni Abby, baka magalit 'yon,” ani niya sa kaibigan.
"Ngayon lang naman, Pre. Saka halos taon-taon naman kayong magkasama tuwing anniversary niyo, eh. Ngayon ka lang naman mawawala,” bulalas niya kay Jacob.
"Ilang taon na nga ba kayo, Pre?" tanong ni Concepcion kay Jacob.
“Eight years na rin kami ni Abby, Pre,” sagot naman ni Jacob at napabuntonghininga.
"Ang tagal nyo na pala. Pero bakit wala ka pang Junior, ha? Tingnan mo kami ni, Misis, limang taon pa lang kami pero tatlo na agad ang anak namin. Ganyan ako kasipag, Pre,” pabirong ani nito ulit kay Jacob at napahagalpak ng tawa.
Nalungkot naman si Jacob sa sinabi ng kaibigan niya. Naalala niya si Abby na hindi pa handang magkaanak sila.
"Sige na nga. Sasama na lang ako, tatawagan ko na lang si Abby,” wika niya sa kaibigan.
“Ganyan nga. ‘Yan ang gusto ko sa ‘yo,” pabiro nitong wika at sabay tawa ng malakas. “Malay mo maraming chick’s doon,” dagdag pa nito.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan. Tatlo na nga ang anak mo, maghahanap ka pa ng chicks,” asik naman ni Jacob at tumawa din.
Pagkatapos ng duty nila ay sabay na silang pumunta kina Col. Garcia. Pulis ang karamihan na inimbitahan sa birthday party ni Col. Garcia. Naroon din ang mga matataas na opisyal ng mga kapulisan. Napasabak agad si Jacob at Jake Concepcion sa inuman kaya hindi na namalayan ni Jacob ang oras.
Samantala, tinatawagan ni Abby si Jacob pero hindi niya ito makontak.
"Nasaan ka na ba, Jacob? Anniversary natin ngayon, oh. Gusto pa naman sana kitang i-surprise,” wika niya sa kanyang sarili habang nakalagay sa tainga ang telepono at pinipilit na kinukuntak ang asawa. Subalit kahit anong gawin niya ay hindi niya talaga makontak si Jacob. Sinilip niya ang relo na nakadikit sa pader at pasado alas-onse na ng gabi pero wala pa rin si Jacob.
Malamig na rin ang niluto niyang paborito ni Jacob na menudo at special na pansit. At meron din siyang cake na may nakasulat pa na happy anniversary mahal. May isang bote rin na isang special na wine nakapatong sa lamesa at may dalawang kopita.
Samantala, napasarap na si Jacob sa birthday party ni Kernel Garcia kaya nakalimutan niya na ang oras. Hanggang sa namalayan niya na lang ay na lasing na pala siya at tapos na ang Birthday party ni Col. Garcia. Niyaya na rin siyang umuwi ng kanyang kaibigan.
Nakatulugan na ni Abby ang asawa kakahintay dito habang nakasubsob ang mukha niya sa lamesa kahihintay kay Jacob. Hanggang sa maalimpungatan siya nang may kumatok sa pintuan. Kaya naman ay nagmamadali siyang tumayo para buksan ang pinto. Iniluwa nito si Jacob na pasuray-suray na pumasok.
"Mahal, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Abby at inamoy-amoy nito si Jacob. "Amoy alak ka pa, ha. Alam mo naman na anniversary natin ngayon, eh!" naiinis na singhal ni Abby.
"P-pasensya na, Mahal. Nagkayayaan lang, birthday kasi ni Col. Garcia,” pautal-utal nitong anas dahil sa kalasingan.
"Buti pa 'yon naalala mo! Tapos ang anniversary natin, hindi!" kunot- noo niyang tugon kay Jacob.
"H’ wag ka ng magalit, Mahal. Minsan lang naman ‘to, eh,” katuwiran niya kay Abby habang susuray-suray paupo sa sofa.
"Halika nga dito!" Hinablot niya ang kamay ng asawa kaya napaupo si Abby sa kanyang kandungan at sinimulang halikan si Abby sa leeg.
"Mahal, ano ba! Lasing ka na, kaya tara na sa loob dahil matutulog na tayo!” inis na singhal nito sa asawa at iniwasan ang halik ni Jacob kasabay ang pagtayo nito habang nakapamaywang.
"Halika mo na kasi dito, mahal!" paglalambing niya kay Abby at muli niya namang hinatak si Abby pabalik sa kanya. At akmang hahalikan ulit pero mabilis ulit na tumayo si Abby para umiwas sa lasing na asawa.
"Mahal, ano ba! ‘Di ba napag- usapan na natin 'to?" inis na turan nito kay Jacob. Kaya nagpanting ang tainga ni Jacob sa narinig.
"Anong pinag- usapan, Abby? May narinig ka ba na pumayag ako sa sinabi mo, ha?" salubong na ang kilay nitong singhal habang at napataas ang kanyang boses. Napatiim bagang na rin siya dahil sa inis kay Abby.
"Mahal, naman!" kunot -noo nito tugon sa asawa at napataas rin ang kanyang boses “Akala ko ba, mauu—” Hindi na natapos ni Abby ang sasabihin dahil isang malakas na bulyaw ang pinakawalan ni Jacob.
"Tama na! Kung ayaw mo, ‘di 'wag!" Tumayo ito at dali- daling pumasok sa kanilang silid habang nakakuyom ang kamao nito.
Nanlaki naman ang mata ni Abby sa naging reaksyon ng asawa. Hindi niya ito napigilan dahil mabilis ang mga hakbang ng paa ni Jacob. Napabuntonghininga na lang ito at malungkot na binaling ang paningin sa mga hinanda niya na nasa lamesa. Napasubsob na lang ito sa kanyang kamay at bahagyang tumulo ang luha.
Pagkagising niya kinabukasan ay wala na si Jacob. Ni hindi man lang siya nag-almusal at hindi man lang tinikman ang niluto ni Abby na menudo na paborito niya. Sinubukan sana tawagan ni Abby ang asawa pero hindi ito sinasagot ni Jacob. Kaya inayos niya na lang ang kanyang sarili at pumasok sa banyo. Ngunit napapaisip pa rin siya sa naging reaksyon ni Jacob kagabi. Ngayon niya lang nakitang na nagalit ang asawa.
Kaya napatanong na lang siya sa kanyang sarili kung ano ang mali niyang nagawa. Sinabi niya lang naman na hindi pa siya handang magkaanak dahil may pangarap pa siya na gustong maabot. Napabuntonghininga na lang siya habang nasa loob ng banyo. Pinapakiramdaman niya na lang ang tubig na pumapatak sa buo niyang katawan galing sa shower, kasabay ang pagyakap niya sa kanyang sarili.