Sunod-sunod na naman ang pagragasa ng mga luha ni Abby mula sa kanyang mga mata habang natutulala sa nakikitang balita. Sinabi rin kasi sa balita na nabaril ang namuno sa team ng PNP PDEA na si SPO2 Jacob Bustamante. Ngunit hindi na malinaw sa kanya ang mga narinig dahil tila nablanko na siya sa lahat. At isang tawag mula sa telepono ang biglang nagpabalik sa ulirat niya. Kaya pagtingin niya sa balita ay tapos na ito. Dagli niyang tinungo ang telepono na may nanginginig na mga kamay habang hinahayaang bumuhos ang masaganang luha. Para bang hindi siya handa sa maririnig sa kabilang linya habang hinahawakan niya na ito. Ngunit kailangan niya itong sagutin para malaman kung sino iyon. "Hello, Attorney! Si Sir—" Nabitawan agad ni Abby ni Abby ang telepono dahil sa boses na narinig niya. Pa

