MAY POV Hinawakan ni Denis ang kamay ko. Imbes na mawala ang kaba ko ay mas lalo pa itong lumala. Gusto ko syang sorpresahin sa kanyang bday party kaya dapat lang na i deny ko muna ito. Isa pa, kailangan ko rin munang magpa consult sa doctor para matiyak ang totoong kalagayan ko. "Sorry babe pero 'di pa ako buntis eh. Naniniwala ako sa perfect timing at darating din ang pinaka malaking blessing sa atin galing sa itaas." Bahagyang nalungkot ang asawa ko, siguro ay ine expect na nyang mayroon kaming mabubuo. Pero kailangan ko lang tiisin, kailangan ko lang na mapaghandaan ang tungkol rito. "Ayos lang sa akin. Basta gawa lang tayo ng gawa ng paraan, eh gusto ko na rin kasing magiging tatay eh. Sa buong office kasi namin, lahat sila doon ay mayroon nang kanya kanyang mga pamilya. Ako na

