CHAPTER 1
MAY POV
Nang imulat ko ang aking mga mata, nandito na ako sa hospital. Hindi ko lubos akalin na mahuhulog ako sa hagdan namin at mababagok ang ulo ko dalawang linggo matapos naming maikasal ni Denis, isang CEO sa kanyang kumpanya. Subalit simula nang maging kami, iniwan niya ang lahat ng ito, ang marangyang buhay, para lamang sa akin and I found it so sweet.
Samantalang ako naman, isang Guest room officer, ang sabi niya pa sa akin, na love at first sight daw siya sa akin kaya sinuyo niya ako ng ilang buwan sa bar. At syempre, choosey pa ba ako sa naging first client ko lalo na't siya lang naman ang bukod tanging lalaki na nahumaling sa isang moreng kagaya ko.
Ni hindi nga ako nagagandahan sa sarili ko, medyo seksi lang ako at magaling pumorma. Samantalang si Denis naman, isang napaka yamang lalaki, pogi at habulin ng babae. Sa katunayan nga ay mayroon na dapat siyang magiging asawa. Ipinag kasundo na siya ng kanyang mga magulang sa isang anak din ng negosyante.
Masasabi ko na di hamak na mas maganda at mas malakas ang appeal ni Sarah kesa sa akin. Alagang alaga niya ang kanyang katawan, balita ko nga ay panay ang punta niya sa derma upang mas lalo pa siyang gumanda. Kaya noong unang beses kaming nag kita sa mansyon nila Denis, halos muntikan na akong maging tomboy sa ganda niyang umaala Marian Rivera.
Pero sa kabila ng ganda niya, naging masama ang ugali niya sa akin lalo na noong ikinasal kami ni Denis. Civil wedding lang ito sapagkat tutol parehas ang kanyang mga magulang. Ang tanging bisita lang namin noon ay ang kaibigan niyang si Tom at ang kumare ko namang si Jane since highschool.
Kumain na lamang kami sa labas bilang parte ng aming celebration. Noong mabalitaan nga ng parents ni Denis na nagpa kasal siya sa akin, halos galit na galit siya. Eh ayaw ko naman na tumira sa bubong kasama ang step mom niya kaya nag pasya kaming mag live in na lamang dalawa sa condo unit ni Denis.
"Kamusta siya doc?" sa boses pa lang ng nag tanong, walang duda na si Denis ito. Siya rin ang huling taong nakita ko bago ako hinimatay.
"So far ay ayos naman ang misis mo Mr. Denis. Wala naman akong nakitang fracture sa kanyang ulo based on the CT scan. But please, sana ay ingatan ninyo ang asawa ninyo."
Mabuti na lang din pala at walang nangyari sa aking masama. At mabuti na lang at nandito ang asawa ko ngayon, umaagapay sa akin kahit na may trabaho pa siya noong panahon na naaksidente ako.
Gusto ko sanang lumingon sa kanya at ngitian, kaya lang ay talagang hindi ko maigalaw ang leeg ko dahil masakit pa rin.
"Salamat doc-"
Matatapos pa lamang sa pag sasalita si Denis ng bigla namang nag bukas ng pintuan.
"Oh my gosh what happened here?"
Halos magulat na lamang ako sa boses na narinig ko. Walang duda, ang boses na ito ay walang iba kung di si tita Mercy, ang dahilan kung bakit kami bumukod. Malaking pala isipan sa akin kung paano niya nalaman ang tungkol sa kalagayan ko at mas lalong paano niya nalaman na nasa hospital ako.
"Ma, what are you doing here?"
Sa tanong pa lang ni Denis, alam ko na hindi niya rin alam kung paano ito nangyari. Kanina, gusto ko na sanang gumising at yakapin ang asawa ko. Kaya lamang ngayon na nandito ang nanay niya, nag dadalawang isip na akong gawin ito. Ano na naman kaya ang gagawin niya? Kasal na kaming dalawa, di na niya kami pwedeng pag hiwalayin.
"Of course I am here para ayusin ang lahat. So please, sana naman ay umuwi ka na sa mansyon. Kayong dalawa ng asawa mo para naman mayroong mag alaga sa kanya. And by the way, nakalimutan mo yata na sa tito mo ang hospital na ito and he is the one who informed me na na hospital si May. Again, I would like to apologize sa lahat ng mga nasabi ko sa inyong dalawa lalo na sa kanya. I already talked to your dad about this at gusto na lamang naming magkaroon tayo ng kapatawaran. So please, umuwi na kayong dalawa sa mansyon. Your father also need you to his company."
Hindi ako maka paniwala sa mga naririnig ko sa bibig ni tita Mercy. Isa siyang tusong babae sa akin at masama siyang makitungo. Ilang beses niya pa ngang sinabi sa akin na pera lamang ang habol ko sa kanyang anak. Pero pinatunayan ko naman na hindi ito ang habol ko nang kuhain niya ang lahat ng binigay niya sa kanyang anak. Pinatunayan ko na mag sasama kaming dalawa ni Denis sa hirap at sa ginhawa. Kaya ang hirap din paniwalaan ng sinasabi niyang ito sa akin.
"Ma... totoo ba to o prank lang? Kasi sinabi ko naman sa inyo di ba? Hindi ko gusto si Sarah para sa akin? Si May ang gusto ko kaya ko nga siya pinakasalan kahit na hindi ito magarbo."
Kahit sarili niyang anak, hindi rin nainiwala sa kanya. Ganito lang naman kasama ang ugali ni tita kaya ang hirap na bigla na lang siyang nag bago. Susugod pa siya rito para lang sa akin? Parang ang peke nito!
"Denis listen to me, I am still your mother kaya sana ay bigyan mo rin ako ng chance para mapatunayan ang sarili ko... na talagang nag bagong buhay ako..."
"Let us not talk about this inside ma, natutulog ang asawa ko, ayaw ko siyang mapilitang magising dahil lang sa nag tatalo tayong dalawa."
Kahit na ako, hindi ko rin talaga kayang paniwalaan ang sinasabi niya. Baka naman mayroon siyang ibang pina plano sa aming dalawa ng anak niya? Sana ay wag maniwala si Denis dahil sa hindi ko talaga kayang bumalik sa mansyon nila, lalo na kung pag papakitang tao lang pala ang dahilan ng pag punta ng mama niya rito.
Narinig ko na lamang na muling nag sara ang pintuan at nawala ang mga boses nila.