DENIS POV
I am seating in front of my mom right now. Medyo kinakabahan ako sa pekeng ngiti niya. I have known my mom since I was a kid. Alam ko ang totoo niyang ngiti, yung di niya tinatago ang kanyang mga ngipin. Sure ako na mayroon siyang pina plano kaya bigla na lamang siyang naging isang maamong tupa. Kung plano niya na sirain muli ang relasyon naming dalawa ng asawa ko, muli kong ipag tatanggol si May.
"So do you want to talk? Let us talk! Pero uunahan ko na kay ma, di ko kayo papayagan na sirain kaming dalawa ng asawa ko. Nag mamahalan kaming dalawa ni May."
Hahawakan niya sana ang kamay ko subalit iniiwas ko ito. This damn gesture, she is trying to make me trust her again.
"Denis, sana naman ay paniwalaan mo ang sasabihin ko sayo. I mean it, bumalik na kayong dalawa sa mansyon. Para rin pala sa kaalaman mo, may iniinda nang karamdaman ang tatay mo kaya di na rin niya masyadong kaya ang trabaho niya. And you are the only one who can replace him. If you don't believe me, then pwede kang pumunta sa mansyon natin and you should talk to him. Miss ka na ng papa mo at hindi niya kaya na wala ka."
Galit ako kay mama pero aminado akong isa akong daddy's boy at hindi ko kaya na makitang nahihirapan si Dad sapagkat sobrang close kaming dalawa. Malambot ang puso ko para sa kanya kahit na ayaw niya rin kay May. At wala naman akong nakikitang rason para mag sinungaling sa akin ang nanay ko. Di naman niya siguro ipo front ang tatay ko sa akin lalo na't alam niyang makaka rating ito sa kanya. Sa bahay namin si mama ang under ni papa dahil si papa ang mas mayaman sa kanilang dalawa.
"Pupunta po kaming dalawa ni May doon kapag pinayagan na siyang lumabas ng hospital ng doctor. Don't get the wrong idea, si dad ang dahilan kung bakit gustong umuwi. Na miss ko na siya at na miss ko na rin ang pumasok sa company," sambit ko.
Napa ngiti na naman siya pero pekeng ngiti pa rin ang pinapakita niya sa akin.
"Good job anak! Alam ko naman na hindi mo matitiis ang papa mo-"
"Nag uusap pa rin ba kayong dalawa ni Sarah?" pag putol ko sa kanya.
"Yes, pero do not worry, hindi na siya nag hahabol sayo kasi mayroon na siyang ibang fiance ngayon. Sa katunayan ay ikakasal na rin sila, so there is no point to hold a grudge against me. Simula nang ikasal kayong dalawa ni May, di na niya ako kinausap pa. Ang huli niya pa ngang sinabi sa akin, congratulations daw sa inyong dalawa and she hopes na mag tagal ang marriage ninyong dalawa."
I grinned, "Mabuti naman at natauhan na siya? Kasi kung ako ang tatanungin, gusto ko na lamang lumagay sa tahimik. Ito rin ang gusto ng asawa ko."
"I also wanted to talk to your wife as well. Marami akong mga kasalanan sa kanya at gusto kong makabawi."
Tiningnan ko siya ng may pag tataka. Iba talaga ang pinapakita sa akin ni mama ngayon, hindi siya yung taong bigla na lang magiging mabait lalo na kay May.
"It's weird! What's with the sudden change ma? I know you very well, bakit bigla mo na lamang gustong bumawi sa asawa ko?"
"Of course, she is already a part of our family kaya hindi na siya ibang tao sa akin. And soon enough, magkakaroon na kayo ng anak so what is the point of being the monster in her life? So bigyan mo sana ako ng chance para alagaan siya. Pero teka lang, buntis na ba ang asawa mo?"
"Di pa, dumeretso ako sa trabaho matapos naming ikasal. Have you forgotten that you froze my bank account and you took everything away from me? So now, magtataka ka pa ba na naging mahirap ang buhay naming dalawa. So now tell me, pera pa rin ba ang iniisip ninyong dahilan kung bakit pumatol sa akin si May? Because it's clearly not."
"I know that was my fault. Hinusgahan ko siya at matindi ang galit niya sa akin. But let us forget all about this-"
In the middle of our conversation, nag ring ang cellphone ko. It was my boss who is calling me right now. And I know, pinapa pasok niya ako ngayong sabado sapagkat dalawang araw na akong wala sa office. I hate to admit it pero si mama lang ang pwede kong pag bantayin ngayon sa asawa ko. si Tom kasi ay mayroon ding pasok sa kanyang trabaho. I am going to file my resignation today so I have to go to work.
"Anak, if that is an important call, then you should go ahead and answer it. Ayos lang naman sa akin na mag hintay dito," saad niya.
"Ma, just this once, since nandito ka na rin naman, ikaw muna ang mag bantay kay May. Papasok lang ako sa work, I will tell my boss na mag reresign na ako. Babalik ako kaagad dito pramis."
"No problem my son, ayos na ayos lang naman sa akin kung may work ka. Rest assured na babantayan ko ang asawa mo. Anyway, kumain ka muna bago ka umalis."
"There is no need for that ma. Basta kapag nagising ang asawa ko, pakainin niyo siya kaagad. Ilang oras na siyang hindi kumakain simula nang maratay siya dito sa hospital. And please, nata trauma pa rin siya sa inyo so if ever na magising siya, tumawag kayo kaagad sa akin and let me explain everything to her para maliwanagan siya."
"No worries, Denis! Ako ang bahala kay May, sige na, umalis ka na, and return here immediately."
Tumayo na ako at umalis. Magagalit talaga si May sa akin nito dahil si mama ang bubungad sa kanya kapag gumising siya. Pero sana naman ay magising siya kapag bumalik na ako. I just don't feel like putting my trust in my mom but that is the only option I have right now. At di rin ako masyadong kumbinsido na di na sila nag uusap dalawa ni Sarah. Ano na naman kayang gagawin nila ngayon?